31 - He's Back

3.5K 98 0
                                    

"Are you sure about this Jonah? Delikado 'tong gagawin mo." pahayag ni Sofia nang sundan n'ya ako palabas ng hospital.

"I'll be fine." sagot sa kanya. "Gusto ko nang makalaya kay Daisy. Ilang buwan kong tiniis ang lalaking 'yon kaya panahon na para ilaban ko ang kalayaan naming dal'wa ni Nadya."

"You don't have to this on your own. Nand'yan ang mga pulis para tulungan ka."

"The last time I went to the police I received a numerous punch from him." pagak akong napatawa nang maalala ang nangyari noong magtangka akong magsumbong sa pulis. Nalaman kong may maliit na recorder palang ginawa si Daisy at inilagay 'yon sa bag ko. Bago pa man ako makapagsalita ay dumating na s'ya para pigilan ako.

Wala ako sa tamang pag-iisip nang gawin ko ang bagay na 'yon. Halo-halong problema ang iniisip ko nun, hindi lang patungkol sa sitwasyon namin ni Nadya kundi pati na rin ang ginawa ni Beckham na pag-iwas sa akin. Hindi ko na inisip ang magiging resulta nang gagawin ko, ang laman lang nang utak ko ng mga oras na 'yon ay ang makalaya kay Daisy.

"H-He did those awful things to you?"

"Mas gugustuhin ko pang magpabugbog sa kanya kesa galawin n'ya ako." pahayag ko saka ako pumara ng taxi.

"Call me if you need anything. Wait, hindi mo pa naman binubura ang number ko diba?" tanong sa akin ni Sofia.

"Hindi pa." tipid akong ngumiti sa kanya bago pumasok sa loob ng sasakyan. Nang makaupo ay doon ko lang naramdaman ang pangangalay ng buo kong katawan. Parang bumalik ang sama ng pakiramdaman na kanina ko pa iniinda paggising ko.

Pagpasok ko sa apartment ay unang umagaw sa pansin ko ang pulang box na nakapatong sa center table. Naupo ako sa sofa bago buksan ang box at tingnan ang loob nito. It was a two-piece red swimsuit.

'Wear this tomorrow baby.' - Dante.

Nagusot ko ang card na hawak ko at itinapon ito. Urrgghh! Kinikilabutan ako sa kanya. Nakakainis s'ya!

Plano n'yang i-celebrate ang birthday n'ya sa isang 5-star hotel na pina-reserve n'ya para sa aming dalawa. May infinity pool at malapit na dagat ang napili n'yang hotel kaya n'ya naisipang bigyan ako ng gan'to kalaswang swimsuit.

Proud ako sa katawang meron ako pero hindi ko masisikmurang suotin ang swimsuit na bigay ni Daisy para lang bastusin n'ya.

Tsk. What choice do I have?

ALAS-NUEVE na nang umaga nang sunduin ako ni Daisy sa apartment ko. Matapos ang ginawa kong pagsuntok sa kanya kahapon ay umakto s'ya ngayon na parang wala lang sa kanya iyon.

"H-Happy birthday." walang gana kong bati saka ko s'ya hinalikan sa pisngi pero bago pa man ako makalayo sa kanya ay pinulupot na n'ya ang braso n'ya sa bewang ko saka n'ya ako hinalikan sa labi.

"Did you wear my gift to you?" tanong n'ya.

"Not yet. Sa hotel na." sagot ko habang hindi makatingin sa kanya ng diretso. He's making me anxious.

"I'm excited to see you wearing those swimsuit." Kinuha n'ya sa kamay ko ang hawak kong bag kaya sumunod na ako sa kanya palabas ng apartment.

Dalawang oras ang byahe papunta sa destinasyon namin. Nagtulog-tulugan ako dahil ayokong makausap si Daisy. Nakakabanas ang mukha n'ya.

"I know your awake Jonah." pahayag ni Daisy. "Hindi ako ang nag-send ng s*x video ni Nadya sa boyfriend n'ya. My conscience is clear."

Napamulat ako ng mga mata dahil sa sinabi n'ya.

"Kung ganun ay sino?"

"I don't know."

"G*go ka ba?! Ikaw lang ang may copy ng video na 'yo-- wait, depende na lang kung may iba kang pinag-send-an nun!" asik ko.

"Oww. Opps." usal n'ya na nagpaliyab ng galit ko sa kanya. "H*yop ka! My conscience is clear? Nagpapatawa ka ba? Mas masahol ka pa sa demonyo!" sigaw ko.

"Pasalamat ka at nagda-drive ako dahil kung hindi ay baka pinaputok ko na 'yang labi mo." Umigting ang panga n'ya kaya naman mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya at sumiksik sa gilid ng bintana.

F*ck him! Gusto ko nang lumayo sa kanya. Hindi ko na masisikmura pang dikitan ang lalaking 'to. He is sick!

Imbis na ma-excite at matuwa sa ganda ng hotel ay wala akong naramdamang ganun. Gusto ko nang umuwi. Iyon ang gusto kong gawin. Bago namin tingnan ang kwarto ay napagpasyahan ni Daisy na kumain na muna kami ng tanghalian.

He's actually enjoying this. Unbelievable!

"Here, you should try this."

Itinapat n'ya sa bibig ko ang kutsarang hawak n'ya kaya naman isinubo ko na lang ang pagkaing gusto n'yang matikman ko. Baka ma-trigger pa s'yang isaksak sa bibig ko ang kutsara kapag nagmatigas ako.

"Hindi ba't masarap?" tanong n'ya kaya naman tumango na lang ako. Abnormal!

HINDI ko mapigilang mamangha pagpasok ko sa kwarto pero kasabay nun ay ang kabang unti-unting sumasakop sa akin. Napaiktad ako ng maramdaman ko ang pagyakap ni Daisy sa likuran ko. Ilang beses ako napalunok habang binabantayan ang kamay n'yang humahaplos sa tiyan ko.

"I'm tired. Matutulog muna ako." bulong n'ya sa akin kaya tumango ako. "You can sleep next to me baby."

"Nakatulog ako sa byahe." pagdadahilan ko.

"Okay. Pwede kang maglibot-libot kung gusto mo. Text me kung saan ka pupunta para paggising ko ay pupuntahan kita."

Tumango ako.

Mas mabuting 'wag na lang s'yang magising.

Nang mailapag ko ang bag ko ay kaagad din akong lumabas ng kwarto. Ayokong magtagal pa sa loob dahil baka may kademonyuhan na namang maisip si Daisy. Pumunta ako sa isang cafe at doon ginugol ang oras ko para i-relax ang utak ko. Para kasing mababaliw na ako kakaisip ng mga posibling mangyari sa amin mamaya ng siraulong 'yon.

Sid is calling...

"I'm already in the building pero hindi ako makalapit sa apartment n'ya dahil may surveillance camera ang doorlock n'ya. You need to take his phone baka bigyan s'ya ng signal ng security device."

"Sh*t." mura ko. "Lagi n'yang hawak ang phone n'ya kahit tulog s'ya."

"Anong gagawin natin? Kapag nalaman n'ya na nandidito ako ay ikaw ang pagbubuntungan n'ya ng galit Jonah. Bago pa man makarating d'yan ang mga pulis para hulihin s'ya ay baka pat--."

"Tonight. Don't hesitate to barge inside his apartment."

"Are you sure about this?"

"Y-Yes. Ako nang bahala sa kanya."

"Okay. Be careful."

Nawala sa isip ko na may surveillance camera pala ang doorlock ni Daisy. Mabuti na lang at napansin 'yon kaagad ni Sid dahil kung hindi ay baka sira na ang plano naming dalawa. Magri-ring ang phone ni Daisy kapag may na-detect nitong may ibang tao sa harap ng apartment n'ya. Mamayang gabi kailangan kong kunin ang buong atensyon ni Daisy para makapasok si Sid ng walang problema.

Goodluck na lang talaga sa akin.

Ibinalik ko ang tingin sa phone ko nang makita ang wallpaper kong ginamit nang halos isang taon. Hanggang ngayon pala ay hindi ko pa ito napapalitan. Picture namin 'tong dalawa ni Beatrice. Ngayon na lang ulit nito naagaw ang atensyon ko.

Sa kabila ng pagtatampo ko sa kanya ay hindi ko pa rin maitatagong miss na miss ko na s'ya.

"Leave me alone! Ano ba?! Isang tahong lang ang gusto ko!" sigaw ng lalaki na umagaw sa buong atensyon ng mga taong nasa loob ng cafe at isa na ako 'ron.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Beatrice. Mabilis na nagtama ang paningin naming dalawa.

"Their she is! That's my girlfriend!" turo n'ya sa akin kaya sinamaan ako ng tingin ng dalawang babae na nakakapit sa braso n'ya. Nang bitawan ng dalawang babae si Beatrice ay muli n'yang ibinalik sa akin ang atensyon n'ya.

Malalaki ang mga hakbang n'yang tumungo sa akin at nang makalapit s'ya ay kaagad n'ya akong niyakap nang mahigpit.

"I'm sorry. I'm sorry for leaving you." bulong n'ya sa akin habang hinahalikan ang ulo ko.

Totoo ba 'to? Totoo bang si Beckham ang nasa harap ko ngayon?

Para akong tuod na uod. Hindi ko s'ya yinakap pabalik bagkus ay pinakiramdaman ko lang ang katawan n'ya. S'ya nga! Ang pamilyar n'yang amoy at init ng katawan n'ya, si Beckham Apolinario nga ang taong nasa harapan ko ngayon.

Nang humiwalay s'ya sa akin ng yakap ay doon ko na madiing kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang emosyong rumaragasa sa dibdib ko. Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya na ikinagulat n'ya.

"Get lost!" asik ko bago maglakad palabas sa cafe.

What the hell! Paano n'ya nalamang nandito ako?

This is bad! Really bad!

Oo nga't sinabi kong miss na miss ko na s'ya pero hindi ito ang tamang pagkakataon para mag-reunion kaming dalawa. Gustuhin ko mang bumigay sa kanya ngayon at magpalandi ay hindi talaga ito ang tamang oras para gawin 'yon.

"Jonah!" tawag sa akin ni Beckham pero hindi ko s'ya pinansin at dire-diretso lang na naglakad palayo sa kanya. "Jonah!"

Mabilis akong napalingon sa kanya nang hablutin n'ya ang braso ko at hilahin ako. Nanlambot ang mga binti ko nang maramdaman ko ang labi n'yang tumama sa akin. Hinawakan n'ya ang batok ko saka n'ya mas lalo pang nilaliman ang halik.

Oh ghad, not now!

Kumapit ako sa damit ni Beckham at tinugunan ang iginagawad n'yang halik sa akin. I miss this. I miss him.

T*ngina! Bumigay na nga.

"Jonah," sambit n'ya ulit sa pangalan ko.

Mabilis akong umatras sa kanya. "Bea, pwede bang next time na tayo mag-usap? Please." pakiusap ko sa kanya.

"Per-- F*ck it Jonah!" narinig kong sigaw ni Beckham. Hindi ko na s'ya nilingon at pinagpatuloy lang ang pagtakbo palayo sa kanya. Kapag nanatili ako nang matagal sa tabi n'ya ay baka hindi lang sa isang halik mapunta ang pagkikita namin dalawa.

My Bang Buddy | Pechay Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon