Months passed by.
"Excited?" tanong ni Sofia nang maabutan n'ya akong nag-aayos ng mga gamit ko sa kwarto. Bukas na ang byahe ko pabalik ciudad kaya naman inaayos ko na ang mga natitira ko pang gamit.
"You shouldn't be here." pahayag ko.
"Don't worry, they wouldn't suspect a thing. Hanggang dito lang ako sa pinto ng kwarto mo." paninigurado n'ya sa akin.
"Tss. D'yan ka lang. Ayokong ma-CCTV tayong dalawa at ma-issue na naman."
Sa isang taon na lumipas ay walang araw na hindi kami nagkakausap ni Sofia. Lagi kaming magkadikit ni gaga kaya hindi naiwasang pagusapan kaming dalawa ng ibang mga tao. May kumakalat nang balita na mag-jowa raw kami. Diba ang galing mga chissmosa dito sa isla?
"I'm gonna miss you Beck." Bakas ang lungkot sa mukha n'ya. Kasalanan n'ya, imbis na makipag-socialize sa ibang pasyente at mga nurses ay mas pinili n'yang kulitin ako. Siguradong pag-alis ko ay magiging loner ang isang 'to rito.
"Sorry to say this, but I'm not gonna miss you gaga." Pag-amin ko sa kanya na ikinasimangot n'ya.
She's a good listener and a criticizer though. Kahit s'ya ang pasyente at ako ang nurse n'ya ay masasabi kong may natutunan din ako sa mga pagbubunganga n'ya lalo na kapag pinapa-realize n'ya sa akin ang nararamdaman ko para kay Jonah.
"Punyeta ka." saad n'ya saka n'ya ako inirapan. "Hindi mo ba talaga ako mami-miss?" tanong n'ya ulit saka s'ya nagpa-cute sa akin na parang kuting.
"Sige na nga. Mami-miss din kita. See you soon Sofia. Kitakitas na lang pag-alis mo rito sa isla."
"Yeah sure. I still have 1 month remaining."
"Mabilis na lang 'yon." saad ko. Pampalubag loob.
"Easy for you to say. Anyway, balitaan mo na lang ako patungkol sa inyo ni Jonah."
"Invited ka sa kasal namin."
"Kasal agad?! Sorry to burst your bubble friend pero sure ka bang MU kayo. Yes, you realized now that you love her pero sigurado ka bang mahal ka rin n'ya?" tanong ni Sofia na nagpabagsak ng balikat ko.
Thinking about it now, bakit ngayon ko lang naisip 'yon?
"Hey! 'Wag kang nega! Kaya nga uuwi ka bukas para kausapin s'ya at magtapat sa kanya.""Sh*t!" usal ko. Parang gumuho ang lahat ng imagination ko na pareho kami nang nararamdaman ni Jonah, na pareho naming mahal ang isa't isa. Paano kung hanggang imagination ko na lang ang masayang happy ending naming dalawa?
"She loves you. No doubt with that."
"How can you be so sure?" tanong ko sa kanya.
"Guts. I know her more than you do pero syempre, expect the unexpected na rin. Don't get your hopes up. Hehehe."
"Ano ba talaga?!"HANGGANG sa sumapit ang umaga ay hindi ako pinatahimik ng mga napag-usapan namin kahapon ni Jonah. I should be happy because finally after 1 year, I'm going home. Pero hindi ko maipagkakailang kabado ako ngayon. Kasalanan 'to ni Sofia!
"Bye Beck. Ingat sa byahe." Lumapit ako kay Sofia saka s'ya binigyan ng mabilis na yakap bago sumakay sa bangka. Kumaway ako sa kanya hanggang sa unti-unti na s'yang mawala sa paningin ko at tanging asul na karagatan na lang ang matanaw ko.
I'm going to miss this place.
Kalahating oras ang itinagal ko habang lulan ang bangka papuntang pier samantalang dalawang oras naman ang inabot ng byahe ko sa kotse papuntang airport. Nang nakasakay sa eroplano ay doon na ako nakabawi ng tulog. It was exhausting!
"Bea! You're finally back!" Inambahan ako nang yakap ni Jenno pagpasok ko sa bahay nila. Lumabas naman sa kusina si Freida karga ang isang sanggol.
"Nong!" tawag sa akin Cairo.
"Wow! You're a bigboy na."
"I'm four and mama said I'm still her baby." Binuhat ko si Cairo at hinalikan s'ya sa noo. Habang lumalaki s'ya ay mas lalo rin s'yang gumagwapo. Mukhang maraming babae ang papaiyakin ang batang 'to paglaki n'ya."Bea, meet your new inaanak. Her name is Rori." pahayag ni Freida nang ilapit n'ya sa akin ang sanggol na sarap na sarap sa pagtulong sa braso n'ya. "I'm glad your back. Siguradong matutuwa si Jonah kapag nakita ka n'ya." dugtong pa ni Freida habang may makahulungang ngisi sa labi.
"Hi there Rori." Sinundot ko ang matambok na pisngi ni Rori. Gusto ko sana s'yang halikan kaya lang ay baka magising s'ya.
"She's so cute diba?" tanong ni Cairo sa akin.
"Yes." tipid kong sagot kay Cairo. "Nasaan na nga pala si Jonah?" tanong ko sa mag-asawa.
"Hindi n'ya ba nabanggit sa'yo? She rented an apartment 2 months ago. Gusto n'ya na raw maging independent." sagot ni Jenno.
Ang totoo n'yan ay dalawang buwan na kaming walang komunikasyon ni Jonah. Bukod sa nakakabanas ang signal sa isla ay hindi ko na rin s'ya ma-contact sa phone number at mga social media n'ya.
"Can you give me her address? Gusto ko sana s'yang i-surprise mamaya."
"Sure. Mamayang 5pm ang labas n'ya sa trabaho. Sa ngayon ay dumito ka muna. Tamang-tama, nagluto si Jenno nang mac and cheese." alok ni Freida. Pumayag ako at nanatili pa kasama sila.
Hinayaan ako ni Freida na buhatin si Rori habang natutulog ito. Katabi ko naman si Cairo at maingat na hinahaplos ang ulo ng kapatid n'ya.
"Nasaan na nga pala si Amari?" tanong ko kay Jenno.
"Papunta na raw s'ya rito."
"Broken hearted pa rin ba ang loko?" Inalog ko nang mahina ang braso ko nang makita ang kaunting paggalaw ni Rori. Cute.
"Hahaha. Yup. And his getting worst everyday. Alam mo ba noong birthday n'ya, nag-aya s'yang mag-bar at lahat ng mga nakikita n'ya babae ay tinatawag n'yang Yuna. Wala kaming ibang choice kundi itali s'ya sa upuan dahil kung hindi ay baka may naikama s'yang babae ng gabing 'yon. Kung hindi namin 'yon ginagawa ay siguradong pagsisisihan n'ya 'yon paggising n'ya."
"Isa pa, ikinuwento sa amin ni Ash na nung magkasakit daw si Amari ay wala sa sariling nag-book ito nang plane ticket papuntang state para raw hanapin si Yuna." Natatawang kwento ni Jenno. "Ang lakas ng loob n'ya kapag sabog s'ya pero kapag nasa katinuan ay para naman s'yang takot na tuta."Sige, mang-backstab pa kayo! Mga traydor."
"Amari! Long time no see." tawag ko kay Amari pero sinamaan n'ya lang ako nang tingin.
Bakit s'ya nagagalit sa akin? Nakikinig lang naman ako sa mga kwento ni Jenno.
"What did I do? Nakikibalita lang ako sa buhay mo?""Che! Akala n'yo ba hindi ko narinig ang mga pinagsasasabi n'yo tungkol sa akin?"
"Hahaha. Shinare ko lang kung anong shinare sa amin ni Ash." Depensa ni Jenno. Inakbayan n'ya si Amari at pinaupo ito sa sofa.
"Lintik talaga 'yon." usal ni Amari na ikinatawa naming pareho ni Jenno. Hindi kasi maipinta ang mukha n'ya. Parang pasan n'ya palagi ang mundo.KAAGAD din akong nagpaalam sa kanila nang makitang alas-singko na nang hapon. Nang maibigay sa akin ni Freida ang address ni Jonah ay kaagad kong tinungo ang apartment n'ya. Hindi ko maipaliwanag ang kaba at excitement na nararamdaman ko ngayon. Siguradong matutuwa si Jonah na makita ako. Ang alam n'ya kasi ay sa susunod na linggo pa ako uuwi. Sinadya ko talagang sabihin 'yon para surpresahin s'ya.
I love her, I want to tell her that. Hindi na ako makapaghintay na sabihin ang mga salitang 'yon sa kanya at sana'y makatanggap din ako nang ganoong sagot mula sa kanya. Cross finger.
Paglabas ko sa elevator ay kaagad na nahagip ng mga mata ko ang dalawang tao na magkayakap. Nang maghiwalay sila ay doon ko na nakita ang mukha nang babaing kasama ng lalaki. Si Jonah. Hinawakan ng lalaki ang isang pisngi ni Jonah bago n'ya ito halikan sa labi.
Para bang may bumaon na itak sa dibdib ko nang makita kong tugunan ni Jonah ang halik ng lalaki. Naramdaman ko na lang ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko dahil sa nasaksihan ko. So she found someone else. Hindi n'ya na ako nahintay.
Pagak akong napangiti bago sila talikuran at pumasok muli ng elevator. Napahawak ako sa noo ko saka hinayaan ang pagbagsak ng mga luha ko. Mabuti na lang wala akong kasabay sa loob ng elevator. Magmumukha akong baliw dahil sa pagiyak ko at pagak kong pagtawa.
T*ngina! Ang sakit!
Kaya pala bigla na lang s'ya hindi nagparamdam sa akin dahil may iba na s'yang lalaki na inaasikaso. Ang lakas ng tiwala ko sa sarili ko na mahihintay n'ya ako pero nagkamali ako.Sabagay, sino ba naman ako para paghintayin s'ya? Magkaibigan lang kami nang umalis ako kaya may karapatan pa rin s'yang humanap ng iba at magpaligaw sa iba.
F*ck!
"Sir, may masakit ba sa'yo?" tanong sa akin ng isang babae nang bigla na lang akong napaluhod paglabas ko sa elevator. Tumango lang ako bilang sagot sa babae habang nasa sahig pa rin ang tingin ko. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang bigat nang nararamdaman ko.I love her. Hindi ako masasaktan nang ganito kung hindi ko mahal si Jonah. Am I too late? The way she kissed him back, walang duda, mahal n'ya ang lalaking 'yon.
Wala akong karapatang magalit sa kanya. After all, she deserve someone better at sa ngayon ay hindi ako ang lalaking 'yon.
BINABASA MO ANG
My Bang Buddy | Pechay Series #3
Romance/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #3| Beckham Apolinario ♥️♥️♥️ Just friends. Period. Iyon lang talaga ang turingan ni Jonah at Beckham a.k.a Beatrice sa isa't isa. Wala nang mas ilalalim at ibabaon pa dahil parehong otoko at daks ang gusto nilang...