Ilang araw din akong nag-research at nang i-stalk sa mga social media ni Winslow para malaman kung ano ang pwede kong gamiting alas sa pang-aakit sa kanya. Sa kasamang palad ay wala pa rin akong makuhang impormasyon patungkol sa lalaking 'yon. Pa-mysterious ang lintik. Bakit pa s'ya gumawa ng facebook, twitter at instagram account kung wala naman s'yang ilalagay 'don?
Isinara ko ang kaharap kong laptop at isinandal ang likod ko sa backrest ng couch. Mabuti na lang at hindi ako minamadali ni Beatrice. Well, hindi pa dahil ilang araw na kaming hindi nagkikita. Night shift na s'ya sa hospital at doon na rin s'ya natutulog kaya wala talaga s'yang oras na tanungin ako patungkol sa plano ko sa karibal n'ya.
Nagtungo ako sa kusina at chineck ang stock ng mga pagkain namin. Kailangan ko nang mag-grocery dahil wala na akong mga cup noodles at canned goods. Iyon kasi ang madalas kung kainin simula ng maging busy si Bea sa trabaho n'ya. Wala na akong taga-luto at isa pa, nakakataamad din bumaba at lumabas para bumili ng pagkain.
Tinext ko muna si Bea bago ako umalis ng apartment n'ya. Baka kasi bigla s'yang umuwi at hanapin ako.
Pagdating ko sa grocery ay kaagad kong hinanap ang mga kakailanganin ko. Napaka-unhealthy ng mga pagkain ko this past few days kaya naman bumili na rin ako ng mga prutas. Sinubukan ko naman mag-aral ng pagluluto pero feeling ko talaga ay hindi para sa akin ang kusina. Hindi kami meant to be.
"Jonah,"
"Amari! Long time no see!" Masiglang bati ko kay Amari. "You looked...stress. natutulog ka pa ba?" kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Of course. Mga ilang oras nga lang." sagot n'ya.
"Para kang zombie. Ate Yuna won't be happy seeing you like this." Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Amari kaya binatukan ko ang sarili ko mentally. I'm not being careful with my words again.
"Pake n'ya. Tss." He hissed.
He really hates her na. Halos tatlong taon na rin simula nang umalis si ate Yuna at kahit hindi sabihin sa amin ni Amari ay alam naming lahat na nami-miss n'ya na si ate Yuna.
"Okay, ok-- Oh sh*t!" mura ko nang mahagip ng mga mata ko ang lalaking target ko. Abala ngayon sa pagpili ng saging si Winslow hawak ang cart n'ya.
Kung sinuswerte ka nga naman! Mabuti na lang pala at nag-grocery ako ngayong araw na 'to.
"Crush mo?" tanong ni Amari habang nakatanaw kay Winslow.
"Nope."
"Ang creepy ng ngisi mo gurl. May plano ka bang ipa-salvage s'ya?"
"Hindi noh. Aakitin ko s'ya."
"Hindi mo crush pero aakitin mo? Ang gulo mo. Ikaw ata 'tong sabog sa ating dalawa.
"Che! Basta secret ko na ang reason ko. Oh s'ya, pupuntahan ko muna s'ya . Babye na!" paalam ko kay Amari bago itulak ang cart ko papunta sa kinaroroonan ni Winslow.
Nilagyan ko muna ng ilang mga prutas at gulay ang cart ko para naman kapag sinilip n'ya ang laman nito ay hindi puro unhealthy foods ang makikita n'ya. Nakakahiya naman.
"Hi." bati ko kay Winslow suot ang abot tenga kong ngiti sa labi.
"Excuse me. Who are you?" walang emosyon n'yang tanong na nagpawala sa ngiti ko. Grabe naman ang lalaking 'to. Ang hina ang memorya.
"I'm Beckham's friend. We met at the resto 3 days ago. Kasama mo nun ang boyfriend mong si Justine." pagpapaalala ko sa kanya.
"Ah okay. I remember." tipid n'yang sagot.
Bumaba ang tingin ko sa kamay n'ya at doon naagaw ang atensyon ko sa suot n'yang singsing sa ring finger n'ya. Mukhang nakapag-propose na sa kanya si Justine.
BINABASA MO ANG
My Bang Buddy | Pechay Series #3
Romance/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #3| Beckham Apolinario ♥️♥️♥️ Just friends. Period. Iyon lang talaga ang turingan ni Jonah at Beckham a.k.a Beatrice sa isa't isa. Wala nang mas ilalalim at ibabaon pa dahil parehong otoko at daks ang gusto nilang...