21 - She's Mad...Again

5.2K 114 9
                                    

JONAH

3 WEEKS BEFORE

"Paano mo malalaman kung mahal mo na ang isang tao?" tanong ko kay Winslow na s'yang kasama ko ngayon. Aksidente kaming nagkita ni Winslow sa coffee shop na halos tatlong oras ko na atang tinatambayan. 4 iced coffee and 3 glass of water- iyan ang total ng mga nainom ko.

Kung beer siguro ang kaharap ko ay baka ilang bucket na ang nalagok ko. Masyado pa kasing maaga para 'ron kaya naman hanggang kape na lang muna ako.

"Basta't kikiligin ka na lang."

"Kinikilig din naman s'ya sa crush n'ya ah."

"Compare the kilig when you see your crush and the man you think your in too. Magkaiba 'yon." seryosong pahayag n'ya kaya naman napaisip na naman ako.

"It's not about me. May friend lang ako na nagtatanong." Paglilinaw ko kay Winslow.

Crush kilig level : 1 out of 5, my answered would be LEVEL 2.

Beckham kilig level : 1 out of 5, my answered would be LEVEL 10.

P*tanginaaaaaa!

Napahawak ako sa magkabilang gilid ng ulo ko habang walang tigil ang pagpadyak ng isa kong paa sa ilalim ng mesa. This can't be. Konsensya ko na ang sumagot, level 10 out of 5 ang nararamdaman kong kilig para kay Beckham.

This can't be!

Bestfriend ko s'ya!

"Is there a problem?" tanong ni Winslow sa akin.

"N-Nothing. Nagaalala lang ako sa kaibigan kong in love na pala sa maling tao." sagot ko sa kanya. Kinuha ko ang basong katabi ko na may lamang tubig at nilagok iyon.

"Bakit? Pamilyadong tao na ba ang lalaking 'yon?"

"H-Hindi naman pero mag-bestfriend sila. Hanggang 'don lang dapat 'yon!' Problemadong aniko.

"Bestfriend din kami ni Justine bago maging kami. Anong problema 'don?" tanong ni Winslow. Walang kahit anong ekspresyon ang mukha n'ya. Hindi ko alam kung interesado ba talaga s'ya sa problema ko o pangpalipas oras n'ya lang ang sunod-sunod n'yang pagtatanong sa akin para hindi manuyo ang laway n'ya.

"Talaga?"

"Oo."

"Hindi ka ba natatakot na kapag nag-break kayo ay mawawalan ka rin ng kaibigan?" tanong ko.

"Hindi."

"Bakit? You should be scared. Hindi lang boyfriend mo ang mawawala sa'yo kundi bestfriend mo rin. It's scary."

"Hindi ko naman kasi iniisip 'yon at isa pa, bakit ko tatakutin ang sarili ko? Don't live with your fear. Pipigilan ka lang nitong maging masaya. If you love him, just tell him. Malay mo, mutual pala kayo."

"N-No. Masyadong komplikado ang sitwasyon namin."

"So this is all about you."

"I mean friend ko nga!"

"You love him. No doubt with that."

"Hindi nga ako!" giit ko.

"Tss. Ewan ko sa'yo."

PRESENT

Sabi nga sa isang kasabihan, ' The more you hide your feelings, the more they show. The more you deny your feelings, the more they grow.' - and this hit me so hard.

Hindi ko akalaing sa kabila ng pagiging kalmado ko sa harap ni Beatrice ay kabaliktaran nun ang abnormal na pagpintig ng puso ko para sa kanya. My heart is troubled and restless because of him. My heart is a mess.

My Bang Buddy | Pechay Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon