29 - His Sickening Demand Pt. 2

3.2K 84 2
                                    

"I'm sorry Jonah. Dahil sa akin kaya nadamay ka." Humihikbang pahayag ni Nadya saka n'ya ako mahigpit na yinakap. Nabanggit ko kasi sa kanya ang lahat ng mga napag-usapan namin ni Daisy kahapon.

"Ayos lang ako Nadya. Malalampasin din nating 'tong dalawa." Paninigurado ko sa kanya habang pilit na pinipigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.

"Anong gagawin natin Jonah? How can we stop that a**hole?"

"Kukunin ko muna ang loob n'ya. Kailangan kong makuha ang ipinangba-blackmail  n'ya sa ating dalawa dahil kapag nagsumbong kaagad ako sa pulis ay baka mangyari na ang kinatatakutan natin."

Simula nang malaman ko ang totoong katauhan at ugali ni Daisy ay hindi ko na masikmurang titigan pa s'ya. Para bang babaliktad lagi ang sikmura ko kapag nakikita s'ya.

"Thank you Jonah. Thank you sa hindi mo pag-iwan sa akin."

"You're like a sister to me Nadya. Syempre walang iwanan." Tipid ang ngiting pahayag ko.

"Thank you." Muli akong niyakap ni Nadya kaya naman ginatihan ko rin s'ya ng yakap.

Si Nadya ang isa sa pinahahalagahan kong kaibigan bukod kay Beatrice. Lagi s'yang present at to the rescue sa akin sa tuwing may problema ako lalo na noong mahati ang grupo naming magkakaibigan, s'ya ang nanatili sa tabi ko at sobrang laki nang pasasalamat ko sa kanya.

"Nagkausap na kami ni Sid, dito muna ako tutuloy sa kanya. Hindi ko sinabi sa kanya ang nangyari sa akin, nagdahilan na lang Jonah."

"Kung hindi ka pa handang sabihin sa kanya ay isekreto mo muna."

"Wala akong balak na magtapat sa kanya. Itatago ko ang sekretong 'yon hanggang sa kamatayan ko. I can't lose him Jonah. I can't."

"Alam kong gasgas na ang kasabihang 'to pero gusto ko pa ring marinig mo 'to Nadya. Walang sekreto ang hindi nabubunyag, lalabas at lalabas din ang totoo at kung ako sa'yo ay mas makabubuting sabihin mo ang totoo sa kanya bago pa n'ya 'yon malaman sa iba. Kilala ni Daisy si Sid, isa 'yon sa pinag-aalala ko."

"Oh my ghadd." Napahagulgol si Nadya sa balikat ko.

Hindi naman sa tinatakot ko s'ya, gusto ko lang sabihin sa kanya ang maaaring gawin ni Daisy para gantihan s'ya. Isang posibilidad na maaaring mangyari sa mga susunod na araw dahil sa pagtakas n'ya mula sa halimaw na 'yon.

"Maiintindihan n'ya ang sitwasyon mo."

"N-Natatakot ako."

"Hindi mo ginusto ang nangyari Nadya at isa pa, mahal ka ni Sid. Nasaksihan ko kung gaano n'yo kamahal ang isa't isa at hindi ang problemang 'to ang maghihiwalay sa inyo."

"S-Sana nga Jonah."

***

Pauwi na sana ako nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Daisy. Leche talaga 'tong lintik na 'to.

"Meet me at CreamyIce."

Napairap ako saka ko muling isinilid sa loob ng bag ko ang phone ko. Isa 'yon sa paborito naming tambayang tatlo na ice cream parlor sa kaharap na mall na pinagtatrabahuhan n'ya. Kung dati ay excited akong pumunta lagi 'ron, ngayon ay mas gugustuhin ko na lang kumain ng putik kesa makita ang halimaw na 'yon.

Pumara ako ng taxi para puntahan si Daisy. Ayoko s'yang galitin kaya naman mas pinili ko na lang na sundin ang gusto n'ya. Mahirap na baka may maisip na namang kademonyohan ang lintik.

"Jonah babe!"

Babe? Urghh!

Nilingon ko s'ya at laking gulat ko nang bigla n'ya akong halikan sa labi. Mabilis akong napaatras palayo sa kanya bago dumapo ang palad ko sa pisngi n'ya. Narinig ko ang pagsinghap ng mga taong nakapaligid sa amin pero hindi 'yon ang inalala ko kundi ang galit na ekspresyon sa mukha ni Daisy.

"I-I'm sorry. Nabigla lang ako." depensa ko.

"I forgive you pero kapag pinahiya mo ulit ako sa maraming tao ay hindi ko na 'yon papalampasin babe."

Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya. Gusto kong dumura at hugasan ang labi ko pero mamaya ko na gagawin 'yon kapag nakahanap ako ng pagkakataong makatakas sa kanya.

Kumunot ang noo ko nang hawakan ni Daisy ang kamay ko at igaya ako papasok sa ice cream shop. Feel na feel na n'yang mag-jowa kami.

"Same flavor babe?" baling sa akin ni Daisy.

"No. Gusto kong ma-try ang ube flavor."

"Ube, hindi ba't ayaw mo nun?" takang tanong sa akin ni Daisy.

"Nagbago na ang panlasa ko." sagot ko. Nagkibit-balikat lang s'ya bago ilipat ang tingin sa babae at sabihin ang order n'ya. Nagkaroon ako nang pagkakataon na irapan s'ya nang palihim saka umaktong binubugbog s'ya. Nakita ako ng babaing kumukuha sa order n'ya kaya mahina itong napatawa.

"Here,"

"Thanks." saad ko.

"So, how's Nadya? Hindi n'ya sinasagot ang mga tawag at text ko."

"At talagang nagtaka ka pa kung bakit ka n'ya iniiwasan?" sarkastiko kong pahayag saka ako pagak na napatawa. Nakakaloka ang siraulong 'to.

"She's with her boyfriend, right? Kung ayaw n'ya akong kausapin ay kay Sid ko na lang s'ya kakamustahin. Friends naman kami sa social media ng boyfriend n'ya."

"Stop it Daisy!"

"Why would I? Nagi-enjoy pa ako sa kanya." mayabang na pahayag nito na nagpaigting ng panga ko.

"Pwede bang tigilan mo na si Nadya? Please." pagmamakaawa ko.

"Okay."

"Okay?" kunot-noong pag-uulit ko sa sinabi n'ya. Nakakapagtakang pumayag kaagad s'ya.

"Papayag lang ako kung may ibibigay ka sa aking papalit sa kanya o 'di naman kaya ay ikaw na lang. Tama! Ikaw na lang kaya."

"A-Akala ko ba naka-reserve ako para sa birthday mo?" kabadong tanong ko.

"Well, 'yon talaga ang plano pero dahil bakante na ang pwesto ni Nadya ay pweding ikaw na ang pumalit sa kanya." 

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Muli na naman ako nakaramdam ng matinding takot sa kanya. Napaka-unpredictable talaga mag-isip ng isang 'to. Hindi ako makakapayag na gamitin n'ya ulit ang kaibigan ko pero hindi rin ako makakapayag na maging isa sa mga biktima n'ya sa kama.

"Let's just stick to the old plan Daisy, please. H-Hindi pa ako handa."

Durog na durog na ang ego at pride ko ngayong araw na 'to dahil sa ilang beses kong magmamakaawa sa kanya.

Lumapit sa akin si Daisy at hinawakan ang isa kong pisngi. Naikuyom ko ang isa kong kamao nang maramdaman ang dila n'ya na lumapat sa gilid ng labi ko. Naalala ko bigla si Bea dahil ginagawa n'ya rin ito sa akin noon. Pakiramdam ko tuloy ay pinagtataksilan ko si Bea dahil hinahayaan ko ang lalaking 'to na gawin ang mga bagay na hindi naman dapat.

"Fine, pag-iisipan ko muna." pahayag ni Daisy bago n'ya ako akbayan. "Ihahatid na kita sa inyo." dugtong n'ya. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa alok n'yang ihatid ako.

Habang nasa byahe ay tahimik lang ako at nakatulala sa labas ng bintana. Lumilipad ang isip ko. Gulong-gulo na ako. Wala pang ilang araw ang sapilitang relasyon namin ni Daisy ay paiba-iba na s'ya ng desisyon n'ya. Natatakot ako na pilitin n'ya akong gawin ang isang bagay na ayaw kong mangyari sa aming dalawa.

"What a happy family. Sarap nilang sirain." pahayag ni Daisy kaya naman sinundan ko ng tingin ang tinitingnan n'ya.

Sinalubong ni ate Freida ng halik si kuya Jenno nang bumaba ang asawa n'ya kotse nito. Nakita ko ang paglabas ng gate ni Cairo saka s'ya nagpabuhat sa ama n'ya.

"Huwag mo silang idadamay Daisy."

"She ruined me so I have the right to make her suffer."

"H-H*yop ka!"

Napadaing ako nang bigla n'yang hawakan ang leeg ko at ilapit ang mukha n'ya sa akin. Napakapit ako sa braso n'ya dahil sa paghigpit ng hawak n'ya sa leeg ko.

"Hindi ikaw ang magdedesiyon sa buhay ko Jonah." madiin n'yang pahayag na nagbigay kilabot sa akin.

"K-Kapag pinakialaman mo ang pamilya ko ay prisinto ang bagsak mo. Sa'yo na ang s*x video na hawak mo." pagmamatapang ko na nagpasilay ng ngisi n'ya sa labi bago n'ya ako tuluyang bitawan.

"Matapang ka Jonah." saad n'ya.

I'll take that as a compliment.

MATAPOS ang pag-uusap naming 'yon ni Daisy ay napagpasyahan kong umalis na sa bahay nina kuya Jenno at ate Freida. Ayokong madamay sila sa kahibangan ng lalaking 'yon kaya ako na lang muna ang lalayo sa kanila. Mas magiging mapanganib para sa pamilya nila kung palagi silang makikita ni Daisy sa tuwing hinahatid ako nito sa bahay.

Nalipat ang tingin ko sa phone ko nang makita ang paglitaw ng mukha ni Beatrice rito. Gusto n'yang makipag video call sa akin pero imbis na i-accept ito ay hinayaan ko lang na matapos ang tawag n'ya. Sa laki ng problemang iniisip ko ngayon ay parang nawalan na rin ako nang ganang lumandi.

Hindi naman sa wala na akong feelings sa kanya, ayoko lang na mapansin n'yang problemado ako. Ang lakas pa naman ng pakiramdam ni Bea sa kapag wala ako sa mood. Wala akong naitatago kay Bea at ayokong idagdag ang sarili ko sa mga alalahanin n'ya.

Hindi lang buhay ko ang piniperwisyo si Daisy kundi pati na rin ang lovelife ko. Kung marunong lang akong mangkulam ay baka hindi na nakakabangon ngayon si Daisy sa kama n'ya. Lulumpuhin ko talaga s'ya.

That son of a b*tch! Habang mas lumalalim ang galit ko sa kanya ay mas lalo rin humahaba ang sungay ko kakasumpa sa kanya sa isip ko.

My Bang Buddy | Pechay Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon