18 - Apology Unaccepted

5K 125 10
                                    

THIS CHAPTER IS RATED SPG ‼️ ⚠️

***
Matapos ang nangyari kagabi ay hindi na ako pinatahimik ng konsensya ko. Hindi ko nagawang makatulog dahil iniisip ko pa rin ang mga salitang binitawan ko sa kanya. Nasaktan ko na naman s'ya. Tsk. Bakit ba hindi ako nadadalang saktan s'ya verbally? Hindi naman 'yon ang intensyon ko.

Justine is calling...

Kaagad kong sinagot ang tawag ni Justine ng mag-appear ang pangaalan n'ya sa screen ng phone ko.

"Beck!"

"Sorry for leaving you last nig--"

"It's fine. I'm really sorry for slapping your friend. Pinaliwanag na sa akin ni Winslow ang lahat. Sh*t! I want to personally apologize to Jonah pagbalik ko d'yan bukas. Sinabi sa akin ni Winslow na tinulungan daw s'ya ni Jonah na i-surprise ako for our 3rd anniversary. Sa sobrang pagka-busy ko ay nakalimutan kong anniversary pala namin ngayong araw ni Winslow at pinaghandan nila 'yon ni Jonah."

"W-What?" usal ko. Mabilis akong napabalikwas nang marinig ang totoong dahilan kung bakit magkasama si Jonah at Winslow kagabi sa hotel.

"Wala silang ginawang masama Beck. Ako lang itong nag-assume. Masyado akong nadala nang imahinasyon at emosyon ko. Haist."

Napabuga na lang ako ng hangin at marahas na napasuklay sa buhok dahil sa narinig ko. Nang matapos ang pag-uusap namin ni Justine ay tinawagan ko kaagad si Jonah pero blinock ako ng gaga.

How dare she!

Anong karapatang n'yang i-block ang diyosang tulad ko?! Charingg!


"NAPADALAW ka Bea" bungad sa akin ni Freida nang pagbuksan n'ya ako ng gate.

"Nand'yan ba si Jonahnanggal?" tanong ko.

"Kanina pa s'ya nakaalis para pumasok sa school."

"Ganun ba, sige alis na me." paalam ko.

"Nag-away ba kayo ni Jonah?"

"Hindi ah. Subukan n'yang magalit sa akin kakalbuhin ko s'ya." mataray na pahayag ko na ikinatawa ni Freida.

I've decided to go to her school. I badly wanted to talk to her. Hindi ako matatahimik hangga't hindi kami nagkakausap at nagkakabati na dalawa. Kasalanan ko naman kaya ako na 'tong gagawa ng first move para mag-sorry sa kanya.

Una kong pinuntahan ang building department n'ya. Nagbabakasakaling mahanap ko s'ya roon pero sa kasamang palad ay hindi ko s'ya nakita. Sunod kong pinuntahan ang gym at saktong papalapit na ako nang makita ko s'yang lumabas kasama ang kaibigan n'yang si Nadya. Nang makita n'ya ako ay kaagad s'yang lumihis ng daan at iniwan sa ere ang kaibigan n'yang naguguluhan.

Aba't! Plano n'ya pa atang makipaglaro sa akin nang habulan at taguan.

"Jonah!" tawag ko sa kanya.

Pumasok s'ya sa malapit na building saka s'ya nagsimulang tumakbo para takasan ako. Mabuti na lang at mangilan-ngilan lang mga estudyaante ngayon since patapos na ang school year at malapit na ang graduation ng mga senior.

Habulan pala ah. Kelan pa ba s'ya nanalo sa akin? Never.

Napakapit ako sa railing ng hagdan dahil sa matinding pagod. Para akong hihikain kahit wala naman akong ganun. Langyang babaing 'to. Lakas ng stamina n'ya ah!

"Jonah! Malilintikan ka talaga sa akin kapag nahuli kita!" sigaw ko.

Nang makapag-ipon ulit nang lakas ay ipinagpatuloy ko ang pag-akyat sa hagdan. Hindi ko na alam kung saan s'ya pumunta, kung ipinagpatuloy n'ya ba ang pag-akyat o nagtago na sa mga room.

Inuubos n'ya talaga ang pasensya ko.

"Miss, may nakita ka bang babae na tumatakbo kanina? Naka-red t-shirt at black pants. Kasing tangkad mo pero mas maganda nga lang." tanong ko sa isang babae na nakasalubong ko.

"Aray ah! Magtatanong nga lang manlalait pa."

"Sasagot ka o sasagot ka? Sagot!" pagbabanta ko.

"Pumasok 'don sa science lab!" padabog n'yang sagot kaya inirapan ko s'ya at nagpasalamat.

Pagpasok ko sa science lab ay ini-lock ko kaagad ang dalawang pinto ng kwarto. Hinanap ng mga mata ko kung saan nakasiksik si Jonah. Siguradong ihing-ihi na s'ya sa takot sa akin. Kahit ako ang may atraso sa kanya ay hindi ako magdadal'wang isip na batukan s'ya dahil sa ginawa n'yang pagpapagod sa akin.

"I know you're here Jonahnanggal." mahinahon kong saad saka ko isinandal ang pwet ko sa isang mesa at pinag-cross ang mga braso ko sa dibdib ko. Hinihingal pa rin ako hanggang ngayon. "I'm going to count up to 10, kapag hindi ka lumabas sa loob ng sampung segundo ay malilintikan ka talaga sa akin." pagbabanta ko.

My Bang Buddy | Pechay Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon