"Are you out of your mind?!" sigaw sa akin ni Bea habang nakaupo sa dulo ng kama at nakikinig sa kanya. Napayuko na lang ako dahil sa takot sa kanya. Pabalik-balik s'yang naglalakad sa harap ko habang nakapamewang at matalim ang tingin sa akin. "Sa dami ng pwede mong puntahan ay bakit sa motel pa?! Paano kung hindi kaagad dumating ang mga pulis na tinawagan ko edi na-rape ka ngayon!" galit na galit na dagdag n'ya.
Nang makapasok kanina ang lalaki sa kwarto ko ay inabala ko muna s'ya sa kadaldalan ko. Infairness, nag-work naman. Nabigyan kasi ako nun nang kaunting oras para sa pagdating ng mga pulis na tinawagan ni Bea.
"Kung pinayagan mo sana ako edi hindi sana ako pupunta rito." depensa ko.
"So kasalanan ko pa ngayon? Punyeta kang bruha ka!"
"Hindi naman sa ganu---" Kaagad na naputol angbsasabihin ko nang isang mahabang ungol nang babae at lalaki ang narinig naming dalawa ni Bea. "Mukhang nagi-enjoy sila." Natatawang biro ko kay Bea na ikinagiwi n'ya.
"Gigil ako sa'yo! Tara na nga!"
Sumunod ako sa kanya nang magsimula s'yang maglakad palabas nang kwarto. Ibig bang sabihin nito ay payag na s'yang tumira ako kasama n'ya.
"Bea, sa apartment mo ba tayo uuwi?" tanong ko.
"Alangan! Bobita talaga."
Tss. Ang sungit. Hindi naman s'ya ganito kasungit dati ah. Siguro may problema lang talaga s'ya.
Simula sa byahe hanggang sa pagdating namin sa apartment n'ya ay hindi ako kinibo ni bakla. Tahimik lang s'ya which is strange. Madaldal 'yan si bakla kahit may problema. Nagkukwento s'ya sa akin lagi pero ngayon ay kakaiba na ang mga ikinikilos n'ya.
Paggising ko ay nakita ko si Bea na nagluluto ng breakfast. Sana ay naisip n'yang nandito rin ako.
Nakabihis na si Bea at handa na sa pagpasok n'ya sa trabaho. Bagay na bagay sa kanya ang blue uniform na suot n'ya. Lalaking-lalaki s'ya tingnan at hindi s'ya napaghahalataang bakla. Itikom n'ya lang ang bibig n'ya at perperto na talagang hombre si bakla. Nagta-trabaho s'ya bilang nurse sa Psychiatric Hospital ni Dra. Georgina.
Tumayo ako sa sofa na kinahihigaan ko saka naglakad at naupo sa counter table na kaharap n'ya.
"Good morning baks." Nakangiting bati ko sa kanya.
"Hindi mo ako madadala sa pangiti-ngiti mo. Nabubwisit pa rin ako sa'yo." pahayag n'ya na nagpawala ng ngiti sa labi ko.
"What happened? Bakit ba ang init-init nang ulo mo? Kahapon ka pa ah. Alam kong hindi lang 'to tungkol sa akin."
"It's none of your business Jonah!" sigaw n'ya. Ibinagsak ni Bea ang glass pitcher na hawak n'ya na ikinagitla ko. Kulang na lang ata ay mabasag 'yon dahil sa lakas nang ginawa n'ya.
"It's always been my business Bea. Lagi mo naman sinasabi sa akin ang problema mo ah. Bakit ngayon ay nagagawa mo nang magsekreto? Tsaka bakit sa akin mo ibinubuntong ang galit mo? Your not being fair!" asik ko.
"Tss. Ewan ko sa'yo! D'yan ka na nga!" maarteng pahayag ni Bea bago mag-walk out palabas ng kusina.
I wanted to hate him but I just can't. Alam ko kasing may problema lang s'yang dinadala kaya s'ya nagkakaganito.
Napansin ko ang pancake na niluto n'ya na hindi n'ya pa nagagalaw kaya kaagad ko s'yang hinabol. Nakalabas na s'ya ng apartment pero hindi ako nagdal'wang isip na lumabas bitbit ang plato sa kamay ko.
"Baks! Wait up." tawag ko sa kanya kaya napalingon s'ya sa akin. "Eto naman tampo kaagad. Here, baunin mo na lang kaya. Hindi ka pa kumakain."
"I already ate mine. Sa'yo 'yan tanga!" sabi n'ya.
BINABASA MO ANG
My Bang Buddy | Pechay Series #3
Romantik/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #3| Beckham Apolinario ♥️♥️♥️ Just friends. Period. Iyon lang talaga ang turingan ni Jonah at Beckham a.k.a Beatrice sa isa't isa. Wala nang mas ilalalim at ibabaon pa dahil parehong otoko at daks ang gusto nilang...