30 - Her Fear

3.2K 92 1
                                    

PRESENT

"Jonah! Jonah!"

Naputol ang malalim kong pag-iisip nang marinig ko ang pamilyar na boses ng lalaki na tumawag sa pangalan ko. Si Justine.

"Ikaw nga! Long time no s-- is that a bruise?" Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ni Justine ng makita ang pasa sa pisngi ko. Kinapalan ko na ang concealer pero halata pa rin pala. "What happened? Sinong bastardo ang may gawa n'yan sa'yo?" sunod na tanong ni Justine.

"Wala 'to. Aksidenting tumama lang ang mukha ko sa pader nang matumba ako dahil sa sobrang kalasingan ko noong isang gabi." pagdadahilan ko kahit ang totoo ay sinapak talaga ako ni Daisy dahil sa ginawa kong pangingialam ng laptop n'ya. Pumuslit kasi ako sa kwarto n'ya para hanapin ang pinangba-blackmail n'ya sa amin ni Nadya pero sa kasamang palad ay natunugan n'ya ang plano ko.

"Be careful next time. Para kang sinuntok sa itsura mo at isa you looked tired, stress and in pain. Are you sure your okay?"

"Hangover." pagsisinungaling ko ulit saka tipid na ngumiti sa kanya.

"Muntik na akong mag-assume na nagrambulan kayo ni Beckham. Hahaha."

"Next week pa ang balik ni Beckham."
"Huh? Hindi ka ba n'ya pinuntahan? Umuwi s'ya noong isang araw lang."

"H-Hindi."

Pinigilan ko ang panginginig ng ibaba kong labi dahil sa nalaman ko. Kailangan ko s'yang puntahan.

"Jonah, wait." pagpigil sa akin ni Justine nang akmang aalis na sana ako. "Bumalik na kahapon sa isla si Beckham." dagdag n'ya na kaagad na napabagsak ng mga balikat ko.

Kanina lang ay halos mawala ang mga alalahanin ko sa narinig kong magandang balita mula kay Justine pero kaagad din 'yong napalitan ng pagkadismaya dahil sa sunod n'yang sinabi.

Bakit hindi sinabi ni Beatrice na nakabalik na s'ya? Bakit hindi n'ya ako pinuntahan?

"Jonah? Ayos ka lang ba?"

Umiling ako bilang sagot kay Justine habang pinupunasan ang mga luha kong naguunahan sa pagtulo.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Napapagod na ako Justine. Anong gagawin ko?" hagulgol ko. Naramdaman ko na lang ang mahigpit na pagyakap sa akin ni Justine.

Sa ilang buwan na pagpasan ko sa problemang ito ay hindi ko nagawang umiyak at ilabas ang hinanaing ko sa harap ni Nadya. Ayokong dumagdag ako sa mga alalahanin n'ya lalo pa't problemado pa rin s'ya hanggang ngayon kung paano sasabihin kay Sid ang mga ginawa sa kanya ni Daisy.

"You can talk to us Jonah."

"Anong gagawin ko?" paulit-ulit kong tanong habang wala pa rin tigil sa pag-iyak.

Mas lalo akong na pressure dahil next month na rin ang birthday ni Daisy. Sa dalawang buwan naming magkarelasyon ay ilang beses n'ya akong pinilit na makipag-s*x sa kanya pero nagawa ko s'yang pigilan. Ngayong nalalapit na ang araw na pinahihintay n'ya ay mas lalo akong natakot para sa sarili ko.

Bakit n'ya ginawa 'yon? Bakit s'ya bumalik at umalis nang hindi ako kinakausap? May ginawa ba akong mali? Kung kelan ko s'ya mas kailangan ay saka naman s'ya umalis ulit.

F*ck! I'm doomed!

"K-Kelan ulit ang b-balik n'ya, Jus?"

"Sa susunod pa na taon."

H*yop s'ya! Bakit hindi n'ya sinabing dalawang taon pala s'ya sa isla? I shouldn't let my hopes up. Hindi ko na dapat s'ya hinintay. Sinungaling s'ya.

"Nag-away ba kayong dalawa ni Beckham?"

"H-Hindi. Hindi ko alam." sagot ko habang pilit na inaalala kung may nagawa ba akong kasalanan kay Beckham para iwanan n'ya ako bigla sa ere matapos n'yang sabihin na hintayin ko s'ya.

Nakaka-t*ngina lang!

Mabilis na lumipas ang isang buwan. Bukas na ang birthday ni Daisy at kabado ako. Kabado ako sa plano n'ya sa akin at sa binabalak kong pagpatay sa kanya. I won't hesiate. Kung 'yon lang ang tanging paraan para maprotektahan ang sarili ko ay gagawin ko.

Mabigat ang pakiramdam ko pagbangon ko sa kama. Para akong lalagnatin. I coudn't sleep and eat. Iniisip ko pa rin hanggang ngayon si Beatrice. S'ya lang ang laman ng utak ko nitong mga nagdaan na araw. Kahit anong gawin kong pagtawag at text sa kanya ay hindi n'ya pa rin ako sinasagot.

I'm tired. Pagod na pagod na akong suyuin s'ya. Kung may kasalanan akong nagawa ay hindi ako magdadal'wang isip na humingi ng sorry sa kanya pero kung ganito na pinapakapa n'ya ako sa dilim ay mas mabuti nang tumigil ako bago pa ako mas lalong masaktan.

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Napakapit ako sa hamba ng pinto ng kwarto ko nang maramdaman ko ang pag-ikot ng paningin ko. I should eat. Ilang araw na akong walang tamang kain.

Kumuha ako ng cup noodles sa cabinet at slice bread na binili ko kahapon. Makikipagkita ako mamayang hapon kay Daisy dahil may gusto raw s'yang ibigay sa akin. Gusto ko sanang sabihin na isaksak n'ya na lang sa ngalangala n'ya ang ibibigay n'ya sa akin pero pinigilan ko ang sarili ko. Sa tuwing nagkikita kasi kami ni Daisy ay bugbog sarado lagi ang labi ko sa kanya. Gusto n'yang sagutin ko lagi ang halik n'ya kaya naman wala na akong ibang choice.

Nadya is calling...

"Napata-- Bakit ka umiiyak? Anong problema?" sunod-sunod kong tanong nang marinig ang paghagulgol ni Nadya sa kabilang linya. Idagdag pa ang mabigat n'yang paghinga na parang hihikain na 'sya ano mang oras.

"G-Ginawa n-na n-n'ya Jonah. G-Galit na galit sa akin si Sid."

"Anong ibig mong sabihin Nadya?"

"He send my s*x tape to Sid. A-Alam na n'ya Jonah."

"Wait for me. Pupuntahan ki--" Agad na ibinaba ni Nadya ang tawag kaya naman rumagasa ang matinding kaba sa dibdib ko. Hindi na ako nagabalang maligo at magpalit ng damit. Kinuha ko ang phone at wallet ko saka nagmadaling tumungo sa apartment nina Nadya at nang boyfriend n'ya.

"Nadya! Open the door!" sigaw ko sa labas habang kinakatok nang paulit-ulit ang pinto ng apartment n'ya. "Nadya!"

I mentally cursed when I didn't get any response from her inside. Kinuha ko ang fire extinguisher na malapit sa akin saka pinukpok ang paulit-ulit ang doorknob hanggang sa masira ko ito. Pagpasok ko sa loob ay kaagad kong hinanap si Nadya. Mas lalong dumuble ang kabang nararamdaman ko nang makita ko si Nadya na nakahandusay sa sahig at duguan. Nakita kong may laslas s'ya sa magkabila n'yang pulso at wala iyong tigil sa pagdurugo.

Mabilis kong kinuha ang phone sa bulsa ko at tinawahgan si Uncle Louie. Tumakbo ako papunta sa kusina at naghanap ng food wrap para patigilin ang pagdurugo ng pulso n'ya. Nanginginig ang mga kamay ko habang binibalot ang braso ni Nadya sa plastic. Hinawakan ko ang leeg n'ya at pinakiramdaman ang pulso n'ya. Mabagal ang hearbeat n'ya.

"Help is on their way Jonah."

"T-Thank you tito."

Nang dumating ang paramedic ay ipinagkatiwala ko na sa kanila si Nadya. Kahit may mga bahid ng dugo ang damit ko ay wala akong pakialam. Kaagad kong pinuntahan si Daisy sa meeting place namin at nang makita s'ya ay malaki ang mga hakbang ko na tinungo ang pwesto n'ya.

"Daisy," tawag ko sa kanya. Pagharap n'ya sa akin ay isang malakas na suntok ang ibinigay ko sa kanya. "H*yop ka! Kapag may nangyaring masama kay Nadya ay sisiguraduhin kong paglalamayan ka!" sigaw ko bago maglakad palayo sa kanya.

Mabibigat ang mga paa ko na naglakad palabas sa retaurant at nang tuluyan akong makalayo sa kanya ay doon na ako napahagulgol.

"J-Jonah," Nang iangat ko ang tingin ko sa babaing kaharap ko ay doon na ako mas lalong napaiyak.

"S-Sofia." isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni Sofia. "Anong nangyari? Bakit duguan ka?"

"We need to go to the hospital Sofia. Nasa hospiital si Nadya."

"S-Sige, tara na."

Mabuti na lang at may dalang sasakyan si Sofia kaya naman mabilis kaming nakarating sa hospital na pinagdalhan kay Nadya. Nakita kong kakalabas lang ng kwarto ni Sid kaya naman kaagad akong lumapit sa kanya para kamustahin ang lagay ng kaibigan ko.

"Sid,"

"She's still under observation." sagot ni Sid. Namumula ang mga mata nito at halatang kakatapos lang sa pag-iyak.

"She loves you Sid. Kung ano mang ang mga nakita mo ay hindi 'yon ginusto ni Nadya. She was raped and force by that monster."

"I love her too pero kung hindi lang sana ako nagpadala sa galit ko ay hindi sana 'to mangyayari sa kanya. Pinagsalitaan ko s'ya nang masasama kaya na trigger s'yang magpakamatay."

"None of this is your fault. Si Daisy, sa kanya nagsimula ang lahat ng problemang 'to?"

"S-Si Daisy?" gulat na tanong ni Sid.

Tumango ako.

"S'ya ang lalaking nanggahasa kay Nadya? I-I thought he's a gay."

"He's playing dirty."

Mabilis kong hinawakan ang braso ni Sib nang makita ang pagguhit nang matinding galit sa mukha n'ya. Hindi ko s'ya masisisi. Girlfriend n'ya ang isa sa mga bitima rito.

"Kapag nagsumbong ka sa pulisya ngayon ay siguradong kakalat ang video ni Nadya."

"Anong gusto mong gawin ko? Ang tumayo na lang rito?!" sigaw ni Sid sa akin.

"I have a plan. Bukas ay maga-out of town kami ni Daisy dahil birthday n'ya. Si Nadya sana ang pupunta sa apartment ni Daisy para halughugin ang kuta nito at hanapin ang pinagba-blackmail n'ya sa aming dalawa."

"Wait. Sasama ka sa lalaking 'yon? Hindi ba magiging mapanganib para sa'yo ang gagawin mo?" pagsingit ni Sofia.

"I need to do this. Hindi lang para sa amin ni Nadya kundi pati na rin sa iba pang babae na pinagsamantalahan ng halimaw na 'yon." pahayag ko. "Sid, help me with this."

"I will. For Nadya."

Sa ilang buwan kong pagkakakilala kay Daisy ay nalaman ko ang husay nito sa computer at iba pang teknolohiya. Hindi lang naka-save sa isang hardrive ang mga s*x video na ginagawa n'ya kundi ibinibenta n'ya rin ito sa ibang demonyong katulad n'ya. Hindi lang s'ya ang kailangan naming hulihin kundi ang iba pang sangkot sa krimen na ginagawa n'ya.

Hindi ang ito simpling pangba-blackmail, this is sextortion!

My Bang Buddy | Pechay Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon