09 - Fake Birthday Party pt. 2

4.6K 130 19
                                    

Pagkauwi ko galing school ay sinimulan ko na ang pagde-decorate sa loob apartment ni Bea. Bumili kasi ako kahapon ng mga balloons at birthday decoration para naman kapani-paniwalang birthday ko kuno. Kaninang alas-tres ng hapon nang makatanggap ako ng text mula kay Winslow na matutuloy daw sila rito kaya abala ako ngayon para mapanindigan ang kasinungalingan ko.

"Jonah!" tawag sa akin ni Bea. Nasa kusina s'ya ngayon at abala sa pagluluto ng kakainin namin mamaya.

"Bakit?" tanong ko habang idinidikit sa pader ang ballon.

"Halika nga rito. I-taste test mo nga 'tong niluto kong steak."

Nang maidikit ko ang balloon ay kaagad ko ring pinuntahan si Bea sa kusina. Bigla akong naglaway ng makita at maamoy ang beef steak na niluto n'ya.

"Nganga."

Sinunod ko s'ya saka n'ya isinubo sa akin ang karne na hiniwa n'ya. Nagningning ang mga mata ko nang malasap ang sarap nito.

Nag-thumbs up ako sa kanya. "Pwede ka nang sumali sa master chef's." pahayag ko.

"Sa galing at ganda kong 'to ay siguradong champion na ako 'ron. Baka nga palitan ko pa si Gordon Ramsey bilang judge at host 'don." Mataray n'yang pahayag. Ang lakas din ng self-confidence ng baklang 'to pero taob naman pagdating kay Justine.

"Ewan ko sa'yo." Babalik na sana ako sa sala para ipagpatuloy ang ginagawa ko nang hilahin ni Bea ang braso ko iharap sa kanya. Akala ko ay hahalikan n'ya ako pero nagkamali ako. Dinilaan n'ya ang gilid ng labi ko na ikinagulat ko.

"May sauce sa gurl." pahayag n'ya na parang wala lang sa kanya ang ginawa n'ya.

"Kailangan talagang dilaan? Pwede mo namang punasaan na lang ah."

"Sayang tanga!" giit n'ya bago n'ya ako talikuran.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtapos ng ginagawa ko kesa mag-isip ng mga kung ano-anong bagay na magpapasakit lang ng ulo ko.  T*ngina mo Beckham Apolinario! May padila-dila ka pang nalalaman.


BAKIT parang mas bongga ang celebration ng pekeng birthday ko kesa noong nag-birthday talaga ako 3 months ago?

Kahit hindi ganun kadami ang pagkain na nasa hapagkainan ay bawing-bawi naman ito sa mga masasarap na putahe na niluto ni Bea ngayon, idagdag pa ang decoration na pinaganda ko talaga.

"Parang may kulang." pahayag ni Bea habang hinihimas ang baba n'ya at nag-iisip.

"Okay naman na ah. Ano pang kulang?" tanong ko. Ready for party na nga 'e.

"Gaga ka! Walang birthday cake! May party pero walang cake." sagot ni Bea.

"Oo nga pala! Baka hindi sila naniwalang birthday ko kung wala tayong cake. May bakery naman sa baba, bibili na lang ako."

"Ako na, may bibilhin din kasi ako." saad ni Bea kaya hindi na ako nakipagtalo sa kanya.

Habang hinihintay ang pagbalik ni Bea at pagdating ng mga bisita ay inabala ko muna ang sarili ko sa pag-scroll sa facebook. Mabilis na nagsalubong ang kilay ko ng makita ang pinost ni DJ. Picture 'yon nila ni Tessa habang nakayakap ito sa kanya. Kulang na lang ay lumuwa ang dibdib ng babae sa sobrang higpit ng pagkakayakap sa kanya. Ang sarap putulan ng nota ang lintik na 'to. In-unfriend ko s'ya pati na rin si Tessa. Nanggigigil talaga ako sa kanila.

Mabilis na nalipat ang tingin ko sa pinto ng marinig ang pagdoorbell ng kung sino sa labas. Sa tingin ko ay sina Winslow at Justine na 'yon.

"Jonah! Happy birthday!" Masiglang bati sa akin ni Justine nang pagbuksan ko sila ng pinto. "Heto ang ambag namin." Iniabot n'ya sa akin ang hawak n'yang cupcakes.

My Bang Buddy | Pechay Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon