35 - Negativity

3.6K 98 0
                                    

JONAH

'I love you pussycat.'

Kahit antok na antok na ako nang mga oras na 'yon ay sigurado akong hindi 'yon guni-guni ko lang. Naramdaman ko rin ang pagdikit nang malambot n'yang labi sa akin ng mga oras na 'yon kaya sure ako na sinabi 'yon sa akin ni Beckham.

"Edi mutual kayo. Hindi ba dapat masaya ka dahil pareho n'yong mahal ang isa't-isa? Anong prinoproblema mo?" tanong sa akin ni Nadya.

Nandito ako ngayon sa hospital para kamustahin ang lagay n'ya. Masaya akong malaman na nagkaayos na sila ulit ni Sid. Natanggap n'ya si Nadya sa kabila ng mga napagdaanan nito kaya proud ako sa kanilang dalawa.

"Iyon na nga. Imbis na matuwa ako ay natatakot ako Nadya. Paano kung sa una lang pala kami masaya? Paano kung dumating ang araw na magsawa rin kami sa isa't-isa? Ayokong mawala ang bestfriend ko."

"Ang dami mong tanong. Nahilo ako bigla." Napahawak si Nadya sa noo n'ya at minasahe iyon gamit ang mga daliri n'ya. "Kung hindi mo ita-try ay walang mangyayari sa inyong dalawa. Kung lagi kang papangunahan ng takot mo ay asahan mo nang hindi kayo magwo-work out."

"I can't lose him."

Gusto ko man na sagutin si Beckham ng 'I love you too' ay natatakot talaga ako. We should stay bestfriend. Masaya naman kaming dalawa sa ganoong set-up 'e.

"You won't lose him. Sadyang nega ka lang talaga."

Napasimangot ako sa sinabi ni Nadya.

"I can't help it." malungkot kong saad. "Maiba tayo. Sigurado ko bang gusto mong mag-testigo sa trial ni Daisy? Pwede naman na ako na lang."

"It's fine. Gusto kong makitang masistensyahan ang siraulong 'yon."

"Pero kakayanin mo bang ikwento sa korte ang mga ginawa n'ya sa'yo?" alalang tanong ko. Bumuntonghininga si Nadya saka n'ya ibinaba ang tingin sa mga kamay n'ya. Testifying will surely be hard for her. Malaking trauma ang binigay sa amin ni Daisy lalo na sa kanya kaya naman mahihirapan s'ya.

"Kung para sa pagpapakulong sa demonyong 'yon ay gagawin ko."

Naupo ako sa tabi ni Nadya saka s'ya yinakap. "That's my girl." Proud kong sambit na pareho lang naming ikinatawa.

"Nga pala, pumunta rito si Sofia kahapon. We're cool now." May kinuha si Nadya sa ilalim ng unan n'ya na papel at iniabot 'yon sa akin. "May iniwan s'yang phone number. Talk to her."

"Meron pa akong number n'ya. Hindi ko pa rin 'yon binubura sa phonebook ko."

"Talaga? Akala ko noong nag-away kayo ay tinanggal mo na lahat ng pwede mong maging koneksyon sa kanya."

Sa kabila ng mga nangyari ay itinuturing ko pa ring kaibigan si Sofia, nandoon pa rin ang galit ko pero hindi nun mabubura ang mga pinagsamahan naming dalawa. Nakakatawa lang isipin ngayon ang tarayan at sagutan naming dalawa noon.

"Aalis na ako Nadya. Balitaan mo na lang ako kung kelan ang labas mo rito sa hospital."

"Okay, ingat." Tumango ako at kumaway sa kanya bago tuluyang lumabas ng kwarto n'ya.

Tinext ko si Sofia dahil gusto kong makipag-usap sa kanya. She texted where she is kaya naman kaagad ko s'yang pinuntahan. Gusto kong ibalik ang dati naming pagkakaibigan kung papayag s'ya. I don't want to live my life having grudge on her. Mas marami pa rin kaming magagandang alaala na dalawa kesa sa masasama.

I was stuck in a traffic for half an hour. Kung sinuswerte ka nga naman. Kinuha ko sa bag ang phone ko at tiningnan kung sino ang mga nag-message sa akin.

10 missed calls from Beckham and 4 messages from Nadya.

'Kakaalis lang dito ni Beckham.

'He's looking for you girl.'

'Mag-usap nga kayong dalawa!'

'For me lang ah. Botong-boto ako sa kanya para sa'yo. Pinagpi-pray ko araw-araw noon na mabuntis ka n'ya para happy ending na.'

My Bang Buddy | Pechay Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon