3

792 32 2
                                    

Kinabukasan ay maagang gumising si Irene upang ipag-handa ng breakfast ang mga bata. Habang siya'y nag-luluto ay muling dumating si Manny at may mga dala nanaman itong mga regalo at bulaklak.

"Join us sa breakfast." Naka-ngiting sabi ni Irene.

"Are you sure?" Tanong ni Manny.

"Oo naman. Bakit?"

"Hindi ba nandiyan ang mga anak mo?" Tanong ni Manny.

"Oo, ayaw mo ba?"

"H-hindi naman."

"Sige na, maupo ka na diyan at tatawagin ko lang ang mga bata." Sabi naman ni Irene.

Agad namang naupo si Manny at kinatok na ni Irene ang mga bata.

"Gising na po kami mom." Sagot ni Tine.

Nagulat naman si Irene nang sumagot si Tine kahit na kwarto palang nina Luis ang kanyang kinatok.

"Diyan kayo natulog?" Tanong ni Irene nang lumabas ang mga bata.

"Hindi mom, lumipat lang kami kasi tumawag ulit si dad." Sabi ni Victoria.

"Sige na, maupo na kayo."

Nang tunguhin ng mga bata ang kusina ay agad na bumungad sa kanila si Manny.

"He's tito Manny." Pag-papakilala ni Irene nang makita nitong nka-titig lang sila kay Manny at sa dala nitong bulklak na nasa likod ni Manny.

"Magsi-upo na kayo." Sabi naman ni Irene.

Tila napawi ang mga ngiti sa muka ng mga bata nang makita si Manny.

"Ang kuya niyo?" Tanong ni Irene.

"Ayan na pala mom eh." Sabi ni Luis nang matanaw itong parating habang dala-dala ang laptop.

"Fonso, pwede bang ibaba mo muna yan?" Naka-pamywang na sabi ni Irene.

Nagulat naman si Irene ng iharap ni Alfonso sa kanya ang laptop kaya agad siyan napa-iwas.

"Sasabay daw samin si dad kkumain eh, diba dad?" Tanong ni Tine.

"Oo naman!" Sagot ni Greggy na kumakain ngayon ng kanyang midnight snack. "Si Manny ba yon?" Tanong ni Greggy nang matanaw ang pamilyar na lalaki.

"Bro!" Nakangiting sabi nito at lumapit sa laptopp upang makita siya ni Greggy.

"Oy, anong ginagawa mo diyan?" Natatwang tanong ni Greggy.

"Wala naman." Sabi nito.

"May dalang bulaklak, wala?" Sabi naman ni Tine.

"Ahh talaga Tine, may dalang bulaklak?" Tanong ni Greggy kay Tine kahit na hindi nito makita ang anak.

"May chocolates pa nga po eh." Natatwang sabi ni Maria.

Natulala lang naman si Irene sa mga pinag-sasasabi ng kanyang mga anak.

"So that means?" Tanong ni Greggy.

Send My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon