"May bibilhin ka ba?" Tanong ni Ferdinand kay Irene nang pumasok ito sa entrance ng Okada.
"Kayo ni mom, ibaba ko lang kayo." Sagot ni Irene.
"Bakit?" Tanong muli ni Ferdinand.
"Dad, hindi mo na nga kami hinayaang ipag-handa ka ng engrande eh. Edi hayaan mo naman kami na ayusan yung bahay para kahit papaano eh masorpresa ka."
"Eh sama-sama lang nman tayo, masaya na ko."
"Basta dad, hayaan mo na kami."
Hindi na rin naman nakipag-talo pa si Ferdinand sa anak dahil hindi na din naman siya mananalo dito at iba na ang titig sa kanya ni Imelda. Ang plano nila a umikot lang sa mga store sa Okada ngunit dahil nga hapon pa sila susunduin ni Irene ay nag-check in na si Imelda sa hotel duon upang may mapahingahan naman silang dalawa ni Ferdinand. Hindi na rin naman nila namalayan na naka-tulog na din sila habang nanonood ng telebisyon kaya naman nang magising ang dalawa ay agad na naalarma i Imelda nang makita niya ang oras. Pag-bukas niya ng kanyang telepono ay bumungad sa kanya ang text ni Imee.
"Mommy, mga 6pm na kayo bumaba ng daddy."
bigla namang nakampante si Imelda dahil sa nabasang text ni Imee. Meron pa silang halos isang oras upang mag-handa.
"Isuot mo daw ito." Sabi ni Imelda kay Ferdinand habang inaabot dito ang isang suit.
"Bakit?" Tanong naman ni Ferdinand na ngayon ay nakatitig lang kay Imelda.
"Aba'y para pag-dating sa bahay eh ikaw ay handa na." Sabi naman ni Imelda.
"Tayo-tao lang---"
"Ano ba? Isusuot mo ba o hindi?"
Kinuha naman ito ni Ferdinand mula sa kamay ni Imelda.
"Ano galit ka?" Tanong ni Imelda.
"Hindi." Maamong sagot ni Ferdinand.
Agad na din namang nag-bihis si Ferdinand ganon din namna si Imelda. Nang maka-recieve ng text si Imelda mula kay Imee ay agad na silang tumungo sa baba.
"Hindi ba dito yung parking? Saan ka nanaman tutungo?" Tanong ni Ferdinand.
"Halika muna sandali at kukunin ko yung inorder ko." Sabi ni Imelda tsaka nito inangkla ang kamay kay Ferdinand upang sumama ito sa kanya.
Nang sila'y pumasok ay nagulat si Ferdinand sa sobrang daming tao dito. Bumungad sa kanya ang kanyang mga anak at sinalubong siya isa-isa nito. Andito rin ang ilan sa malalapit niyang mga kabigan sa politika at iba pang malalapit na kabigan ng kanyang pamilya.
"Sinasabi ko na nga ba eh!" Sabi ni Ferdinand.
"Dad, alam kong ayaw mo ng ganito, pero isinabay lang din naman namin ang birthday ni Irene at ni Bonget eh, kay kung ayaw mo..... isispin mo nalang na kanilang selebrasyon to." Sabi ni Imee.
Hindi na rin naman nag-tagal at nag-umpisa na ang party. Kainan at kantahan ang nangyare sa venue.
"Happy birthday lolo." Bati ni Alfonso na kararating lang.
"Ang dad mo?" Tanong ni Aime kay Alfonso.
"Nasa parking pa po." Sagot nito.
