10

830 31 1
                                    

Ngayon ay ang round 2 ng kanilang pag-kain kasama sina Amanda ngunit ngayon ay nasa loob na sila dahil naipasok na ng mga bata ang kanilang mga pagkan.

"Ganyan ba talaga yang si Manny?" Tanong ni Greggy.

"Walang manners." Sabi naman ni Tine.

"Halika na Cath." Sabi ni irene at kukunin na niya sana ito kay Greggy upang patulugin ngunit hindi talaga ito sumama sa kanya.

"Pano ba yan Cath? Mas gusto mo na ko kaysa sa dad mo." Natatawang sabi ni Greggy dito.

Halos masamid naman si Oliver dahil sa sinabi ni Greggy.

"Paano na ko uuwi ng Pinas neto?" Tanong muli ni Greggy sa bata.

"Edi isama mo." Singit naman ni Amanda.

"Oo nga, hindi ba kayo mag-babakasyon sa Pinas? I'm sure namimiss na ng mga bata sina tita Imelda." Sabi naman ni Oliver.

"Nako tito, as much as gusto namin. Baka mahirapan lang din kami. Almost one month lang din kasi ang vacation and kulang na kulang yun para umuwi ng Pinas." Sabi naman ni Luis.

"Iyang si kuya, pwede na siyang umuwi ng Philippines anytime." Sabi naman ni Victoria.

"Malamang, eh papasok na yan sa kumpanya eh." Luis.

"Ahh, so mag-stay ka na Pinas for good?" Tanong ni Irene.

"Parang ganon na nga po." Sagot ni Alfonso.

"Paano si Chloe?" Tanong ni Greggy.

"Napag-usapan na po namin yan tito, kaya after graduation babalik na din po ako ng Philippines." Sai naman ni Chloe.

"Oh, so you two have plans na pala." Amanda.

"Eh pag-papakasal, meron na ba?" Tanong ni Oliver.

"Hmmmm, siguro po pag pareho na kaming stable." Sagot ni Chloe.

"You mean after your graduation?" Natatawang tanong ni Greggy.

"Greg, ang babata pa nila." Irene.

"Para namang kay tatanda niyo na nung nagpa-kasal kayo." Amanda.

"Tsaka nagka-anak na nga diba?" Oliver.

"Nako ikaw Luis kakaltukan talaga kita pag nagka-taon! You still have to fullfill your promises!" Sabi ni Irene habang dinuduro ito ng tinidor.

"Ano ka ba mom? Oo naman no, tsaka kahit na pakasalan ko si Celine, hinding-hindi ka mawawala sa life ko."

"Hay nako, ang kekeso niyo nanaman." Sabi naman ni Alfonso.

"Asus, parang hindi ka ganyan." Biro naman ni Chloe na ikinatuwa ng lahat.

Nang matapos kumain at maka-tulog si Catherine sa mga kamay ni Greggy ay nag-paalam na din itong umuwi. Ihinatid naman siya nina Oliver, Amanda, at Leila dahil iisa lang din naman ang daan nila pauwi.

"Mom, pwedeng dito muna ko?" Tanong ni Maria sa kanya nang pumasok ito sa kwarto nila ni Catherine.

Agad namang binnat ni Irene ang kanyang braso upang salubungin ito ng yakap.

"I miss you." Bulong ni Irene dito habang yakap ito ng mhigpit.

Sa kaliwang banda naka-pwesto ang crib ni Cath habang sa kanang bahagi naman pumwesto si Maria upang nasa gitna parin ng magkapatid si Irene.

"I miss you too mom." Bulong ni Maria sabay buntong hininga.

"Oh bakit?" Tanong ni Irene. "Ang lalim non ah.."

"Kasi mom, parang simula nang mabawi niyo ko, never ko pang naranassan yung ganto sa inyong dalawa ni dad eh. Buti pa kila daddy William, never nila kong nakalimutang yakapin sa gabi bago matulog."

Para namang sinasaksak si Irene dhil sa mga sinabing iyon ni Maria na kitang-kita. Sa mga mata ag pilit na pagpipigil ng anak sa kanyang luha.

"Halika nga uli dito." Sabi niya at tsaka niya sinandal ang ulo nito sa kanyang dibdib habang yakap ito. "Pwede ko namang gawin yon kahit wala ang dad mo."

"Kaso mom, iba kasi yung feeling ng may dad eh. I'm still lucky pa rin naman kasi kahit na nawala ako sa inyo eh may naging dad parin naman ako."

Masakit man ngunnit itinanong parin ni Irene ang gusto niyang itanong. "Meron bang times na naiisip mong bumalik kina William. Like, I know naman na hadlang sila sa pag tugtog mo and yun lang yon at wala nang iba."

"Mom, please don't get mad ha?"

"Ano yon?" Tanong ni Irene na may halong kaba.

"Honestly, masaya naman po ako sa inyo.like ang dami kong siblings na mga kalaro and super saya talaga. Pero mom, tita Aimee knew kung ilang beseskong tinangkang lumayas sa inyo nuon, kasi hindi ko na talaga kay. Like I'm happy kasi I'm with my real family na, pero I always pray non na sana hindi ko nalang kayo nakilala. Kasi mom, ang hirap pala kapag broken family. Like kumpleto nga yung siblings mo pero hindi naman magkasama yung parents mo. Never kong naimagine na mag-hihiwalay nuon sina mommy and daddy, kaya hindi ko expected na mahirap din pala ang broken family." Kwent ni Maria.

Nagulat naman si Irene dahil sa sinabi ng kanyang anak.

"You mean, babalik kka na dapat kila William?"

"Opo, but tita Aimee begged me na give you and dad another chance pa po, hanggang sa mapagod na po ko kaka empake at kakabalikng mga damit sa closet at nanahimik nalang din." Natatawang sabi ni Maria upang di mag-tuloy ang kanyang luha.

"I'm sorry." Sabi ni Irene saba halik sa ulo ni Maria.

"Mom, you don't have to say sorry. Natanggap ko na ang lahat, bago pa ko umalis ng Pinas tinanggap ko na po na wala na talaga. I already accept the fact na tapos na talaga ang oras ko para magkaron ng complete family."

"Mom?" Tawag ni Victoria mula sa labas ng pinto ni Irene.

"Yes?" Tanong ni Irene.

"Si Maria po?" Tanong niya.

"I'm here, ate." Sagot ni Maria.

Binuksan naman ni Victoria ang pinto at tinawag si Maria.

"Oh, I thought dito ka matutulog?" Tanong ni Irene bago ito lumabas ng kwarto.

"Nakalimutan ko mom, manonood nga po pala kami sa room nila kuya ngayon." Sagot ni Maria.

"Pero it's late na ah." Sabi ni Irene habang nakatingin sa orsan.

"Dalawang movie lang mom, ngayon lang naman po ulit kami mag-pupuyat eh."  Pakiusap ni Victoria.

Wala na rin namang nagawa si Irene kundi pumayag nalang.

"Fine." Sagot niya.

Nang maka-alis ang dalawa ay bigla nanaman niyang naisip ang mga sinabi kanina sa kanya ni Maaria na naging sanhi ng kanyang pagka-lungkot.

Send My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon