So hindi talaga ito yung naisip kong plot gaya ng sinabi ko the other day, pero dahil kailangan ko na siyang tapusin kasi gusto ko nang umpisahan yung isang story, medyo nabago na ulit yung plot. Salamat sa patuloy niyong pag-suporta at sana nandiyan parin kayo hanggang huli at dulo kahit na tapos na ang eleksyon.
Hapon na ngunit wala paring balita si Greggy sa kanyang mag-ina. Ngayon ay nakatutok lang si Greggy sa telebisyon at nanunood parin ng balita, habang si Alfonso at Katie naman ay naglalaro upang malibang ang mga ito.
"Greg." Isang pamilyar na boses ang tumawag kay Greggy.
Agad namang tumayo si Greggy at nagulat nang makita si Irene na basang-basa na.
"Mom?" Tawag ni Alfonso dito sabay kuha ng tuwalyang magagamit ni Irene.
Hindi na nag-dalawang isip pang lumapit si Greggy dito at dali-dali na niya itong niyakap.
"Thank godyour alive." Bulong ni Greggy sa kanya.
Ngayon ay basa na rin pati si Greggy.
"Wait, where Catherine?" Tanong ni Greggy.
"She's with manang na." Sabi naman ni Irene.
"Mom oh." Sabay abot ni Alfonso ng tuwalya.
Tinawag naman ni Greggy si Katie upang ipakilala ito kay Irene, ngunit hindi naman niya pinansin ang sinasabi ni Greggy sa halip ay binuhat pa niya si Katie na ikinagulat ng mag-ama. Bago niya binuhat si Katie ay binalot niya muna ang katawan niya sa tuwalya upang hindi mabasa ang bata.
"Your so pretty naman." Nakangiting sabi ni Irene habang hinahawi sa isang gilid ang buhok nito.
"Let me ex-"
Hindi na pinatapos ni Irene si Greggy at hinalikan na niya ito habang kalong-kalong si Katie.
"Wala kang dapat ipaliwanag, okay?" Sabi ni Irene nang matapos ang kanilang maka-ubos hiningang halik. "Kung may dapat tayong sisihin? Si Manny yon, hindi ikaw. I'm back at hinding-hindi na ulit ako mawawala sa tabi mo." Sabi ni Irene at nagbagsakan na ang mga luha.
Agad naman itong pinunasan ni Greggy tsaka muling niyakap si Irene na hanggang ngayon ay karga si Katie.
"Mom, dad, ayokong sirain yung moment niyo, pero I think kailangan mo na munang mag-palit ng damit mom. Ikaw na din dad at basa ka na rin."
Tumingin lang naman ang dalawa sa kanya na para silang mga bata n pinag-sasabihan ng magulang.
"Okay fine." Sabi ni Irene.
"Mag-bihis ha? Hindi gumawa ng isa pa naming kapatid. Masyado na po kaming marami." Pahabol ni Alfonso sa dalawa na tinawanan lang naman nila.
Mabilis na ligo lang din naman ang ginawa ng dalawa dahil susunduin pa nila si Catherine na ngayon ay nasa bahay nina Imelda at Ferdinand kasama si Imee.
"Finally! Kala ko hindi na kayo lalabas eh." Sabi ni Alfonso at tumayo na ito.
"Bakit? Aalis ka na?" Tanong ni Irene.
