18

806 24 3
                                    

Noong una ay nag-dadalwang isip pa si Irene kung babalik pa nga ba siya sa UK o mananatili nalamang siya sa Pinas dahil maayos din naman ang amamalakad ni Amanda sa business nila doon. Ngunit ngayon ay buo na ang desisyon niyang manatili na na tuluyan sa Pinas. Hindi pa rin naman niya nilisan ang bahay ng anyang mga magulang, hanggang ngayon ay dito pa rin sila naka-tuloy ni Catherine dahil wala naman din silang makakasama kung saka-sakaling babalik sila sa lumang bahay.

Napadalas din ang pagpunta-punta ni Greggy sa kanila at madalas itong may mga dalang laruan kay Catherine. Lalo na ring naging malaya ang oras ni Greggy dahil si Alfonso na nga ang halos nagpapatakbo ng kumpanya. Tinatawagan nalang siya nito sa tuwing may mga importanteng kailangan itong daluhan o di kaya naman ay kapag kailangan ni Alfonso ang kanyang tulong sa mga gagwin sa kumpanya.

Naging dahilan din ang padalas ng pagdalaw ni Greggy sa kanila ay ang pagiging malapit niyang muli kay Irene. Dahil dito, hindi lang si Irene ang napalapit sa kanya dahil sa tuig uuwi na siya ay lagi nang umiiyak si Catherine. Kkaya naman hindi naiiwasan na kung minsan ay dito siya matulog dahil sa ayaw nga siyang pauwiin ni Catherine.

"Pero alam niyo mommy. Pinag-tataka ko din talaga eh kung papaanong tinawag ni Catherine si Greggy na dada. Like may nag-turo ba sa kanya or what??" Tanong ni Irene sa kanyang mga magulang habang sama-sama silang kumakain ng almusal

Natahimik naman si Imelda dahil sa sinabi ni Irene at naalala niya.

Flashback..... FEM's Birthday

"Say da-ddy." Sabi ni Imelda.

"D-da-da." Bulol na sabi ni Catherine.

Natawa naman si Imelda at Greggy sa sinabi ni Catherine.

"Da-ddy." Turong muli ni Imeda dito habang karga-karga si Catherine.

"Da-daa" sabi ni Catherine.

"Ikaw talaga!" Natatawnag sabi ni Imelda.

"From now on, tawagin mo na siyang dada ha!" Bilin ni Imelda dito.

"Dada!" Masayang sabi ni Catherina na my kasama pang pag-padyak ng paa.

"Akina muna si Catherine at bumalik ka na muna sa table nila Irene." Sabi ni Imelda tsaka nito kinuha ang bata. "Sandali nga, ano ba yang suit mo? Ayusin mo nga!" Utos ni Imelda.

Agad naman itong inaos ni Greggy.

"Hindi pa nagsasayawan lukot na yang suot mo." Natatawang sabi ni Imelda.

End of flash back.

"Baka naman naka-ramdam lang talaga si Cath na yon ang gusto niyang itawag kay Greggy." Sabi ni Ferdinand.

"Oo nga, nung tinawag ba niyang papa si Manny tinuruan mo?" Tanong ni Imelda.

"Hindi po."

"Oh, baka naisip lang ni Catherine na mas gusto niyang tawaging dada si Greggy." Sabi naman ni Imelda.

"Mom, hindi pa ba kayo late sa flight niyo?" Tanong ni Irene nang matanaw ang orasan.

Agad namang nataranta ang mag-asawa nang makita ang oaras sa orasan.

"Hindi na naming inabutang gising si Cath, sabihin mo nalnag umalis na kami." Nagmamadalaing sbai ni Ferdinand.

Send My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon