"Let's sing happy birthday first." Sabi ni Amanda habang nilalabas ang cake ni Catherine.
Mag-mula nang kargahin ni Greggy si Catherine kanina ay hindi na ito bumitiw sa knaya. Ni hindi man lang ito umiiyak pa simula kanina. Mas umiiyak pa ito sa tuwing tatangkain itong kunin ni Irene o ni Manny. Kaya naman nilalaro nalang ito ni Mari at ng kambal habang karga-karga ni Greggy. Habang kinakantahan ito ay isinasayaw din siya ni Greggy dahilan para matuwa si Catherine.
"Oh, blow na your candle." Utos ni Irene.
Inilapit naman ito ni Greggy sa cake upang mahipan ang kandila.
"Yehey !" Sigaw nilang lahat maliban kay Manny na asar na asar na kay Greggy.
"Mag-pray muna." Sabi ni Irene nang maka-upo na ang lahat sa hapag.
Agad naman muna silang nag-dasal bago umpisahan ang pagkain.
"Amen!" Sabay-sabay nilang sabi.
"Cath, halika muna. Para maka-kain na si Greggy." Sabi ni Manny habang pilit na kinukuha si Catherine.
"No!" Sabi ni Catherine habang nag-lalaro ng laway.
"Ahh, no daw!" Natatawang sabi ni Tine.
"Sige na, ako. Na ang mag-papakain." Sabi ni Greggy kay Manny.
"Hindi na bro, ako na." Pilit naman ni Manny.
"Bro, kaya ko na to. Ilang bata yang pinakain ko noon. Ikaw ba?"
Tanong ni Greggy na may halong pang-aasar.
"Alfonso, palit muna tayo para masubuan ko si Cath at nang maka-kain ang dad mo."
Agad namang nakipag-palit ng pwesto si Alfonso kay Ireneupang subuan si Catherine. Ipinag-halo niya muna ng pagkain si Catherine sa isang maliit na bowl neto tsaka niya sinubuan.
"Catherine oh." Sabi ni Irene.
Ngunit hindi bumubuka ang bibig ni Catherine dito sa halip ay ipinpagpag lang ang kanyang stuff toy habang hawak ang kaliwang kamay ni Greggy.
"Akin na nga, subukan ko." Sabi ni Greggy.
Iniabot naman ni Irene kay Greggy ang bowl na may lamang pagkain ni Catherine at tsaka sinubuan si ito. Sa una ay mukang ayaw ni Catherine, ngunit kalaunan ay isinbo niya ito at ngumiti.
"Sarap?" Naka-ngiting tanong ni Greggy.
Nag-papapadyak lang naman sa tuwa si Catherine dito habang kumakain.
"Apaka harot mo naman." Natatawang sabi ni Tine.
"Ganyan ka din kaya!" Sabay na sabi ni Greggy at Irene.
"Hanggang kelan ka ba dito?" Tanong ni Manny kay Greggy na kanina pa nag-pipigil ng inis.
Naagaw naman ang atensyon ng lahat dahil sa kanyang tanong.
"Kararating lang po ni dad." Magalang na sabi ni Victoria ngunit may nilalaman.
"Hindi, tinanong ko lang naman kasi diba, may kumpanya siya at may pamilya na rin."
"Baka lang nakakalimutan mo, ako ang may-ari ng kumpanya.... so meaning, kaya kong umalis at bumalik kung kelan ko gusto. Yung pamilya ko naman? Naiintindihan naman nila ang ganitong sitwasyon eh, kaya maayos din ang lahat." Sabi ni Greggy in a sarcastic way. "Bakit ba parang atat na atat kang umuwi ako?"
"Hindi naman, kayalang kasi baka saktan mo nanaman si Irene."
"Ahh, ganyang usapan ba ang gusto mo? Dito mismo, sa harap ng mga bata? Ipapakita mo talaga sa kanila kung ano ang tunay mong ugali?" Tanong ni Greggy. "Iyan ba talaga ang gusto mo? Ako as much as possible, ayoko ng ganito. Hindi ko rin naman kasi talaga gustong pumunta dito, dahil ayoko nang maka-banggaan ka, pero kung ya ang gusto mo..... sige, pagbibigyan kita." Sabi ni Greggy.
