23

784 26 1
                                    

"Ano, naka-usap mo ba siya?" Tanong ni Imelda kay Greggy nang tumungo ito sa bahay nina Ferdinand.

"Hindi na mommmy, hindi ko na siya inabutan. Sinubukan kong maki-suyo kay Alex at baka maigilan, pero naka-lipad na ang eroplano niya." Kwento ni Greggy habang nanlulumo.

Agad naman itong niyakap ni Imelda.

"Sana lang walang magyaring masama sa kanya." Sabi ni Imelda.

"Bakit naman ksi hinayaan nilang lumipad?" Inis na tanong ni Imee.

"Inalukan daw ng malaking halaga ni Irene yung piloto kaya naka-kuha ng private plane."

"Hindi ba bawal yon?" Inis na tanong ni Ferdinand.

"Dad, kaya tinanggap nung piloto kasi aalis na din pala sa airlines. Kaya kahit na alisin yung piloto, wala na ding saysay."

"Wala na tayong magagawa kundi ang mag-dasal at mag-intay ng agandang balita." Tanging nasabi ni Imelda.

"Let's go na Katie, umuwi na muna tayo." Aya ni Greggy dito.

Sumama na rin naman si Katie sa kanya tsaka na sila nag-paalam umuwi.

"Mag-iingat kayo, madulas ang kalsada." Bilin ni Imelda dito.

"Dahan-dahan lang." Sabi naman ni Ferdinand bago umalis ang mag-ama.

Nang maka-uwi ang dalawa sa bahay ay agad na tinawagan ni Greggy si Alfonso upang dun muna sa kanyang bahay pauwiin para sigurado siya na ligtas ito dahil sa lakas ng bagyo. Gaya nga ng sabi ni Greggy ay dito na rin muna umuwi si Alfonso upang masigurado nga niya na ligtas ang kanyang panganay.

"So, have you heard anything from mom na ba?" Tanong ni Alfonso.

"Wala, wala pa kong balita. Supposedly mamayang 4am ang lapag ng eroplano niya. Yun na ang pinaka-late na oras na naisip ko." Sabi ni Greggy.

"Dad, why don't you take a rest na muna. Ako na muna ang mag-hihintay kapag tumawag na si mom."

"Hindi. Dito lang ako, iintayin ko siya."

"Dad, apat na oras ka pang mag-hihintay."

"Bakit kapag ba natulog ako hindi ka ba mag-hihintay? Hindi ba hihintayin mo din ang mom mo? Edi dalwa tayong mag-hintay sa kanya."

Tumungo naman si Alfonso sa kusina upang mag-timpla ng kape para sa kanya at para kay Greggy.

"Bakit hindi niyo sinabi sakin nang mas maaga?" Tanong ni Greggy kay Alfonso out of nowhere.

Binigyan lang naman ng patanong na tingin ni Alfonso ang kanyang ama dahil hindi niya alam ang sinasabi nito.

"About Catherine."

natigilan naman si Alfonso sa pag-higop dahil sa sinabi ng kanyang ama.

"Dad, anak niyo kami at ayaw naming madamay sa mga gulo niyo ni mom. Nanahimik kami kasi gusto namin na kay mom mismo manggaling ang tungkol diyan. Hindi ba ganon din naman ang ginawa namin nung malaman naming hindi pa pala kayo annuled ni mom?"

"Oo nga, pero kapatid niyo ang pinag-uusapan natin dito."

"Eh dad, desisyon ni mom yon. Alam kong mali, pero pinigilan din ako ni Victoria at Luis na sabihin sayo ang totoo."

"So nag-tatmpo sila dahil sa hindi ko pag-amin sa mom niyo ng mas maaga tungkol sa kasal namin?"

"Parang ganon na nga po."

Sa ganitong usapan ay medyo nalilibang ang dalawa at nakaka-limutan ang iniisip tungkol sa mangyayare kay Irene. Ala sinko na ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring tumatawag sa kanila at maski si Irene ay hindi pa rin sila tinatawagan.

"Tara na kaya sa airport?" Sabi ni Greggy na puno ng pag-aalala ang boses.

"Dad, ganito nalang. Kapag ala sais na at wala pa rin si mom, dun na tayo tumuloy. Baka naman pa-land na rin ang kanyang sinasakyan."

Kahit na nag-aalala si Alfonso ay mas minabuti niyang huwag itong ipahalata sa ama dahil alam niyang takot na ang kanyang ama sa mga pwedeng mangyari. Hindi na din naman naging matagal ang pag-hihintay nila sa sinabing oras ni Alfonso. Kaya naman ng pumatak ang ala sais ng umaga ay pumunta na sila ng airport kasama si Katie na kagigisng lang.

"A-anong wala? Hindi niyo ba pwedeng iradyo yon? Wala bang radyo ang eroplanong sinakyan ng asawwa ko?" Inis na tanong ni Greggy.

"Dad, halika na muna. Miss pasensya na."

"Hanggang ngayon, hindi pa nag-lalnd ang eroplanong sinasakyan ng mom mo." Sabi ni Greggy.

"Si tita Amanda ba dad, hindi pa rin sumasagot?" Tanong ni Alfonso.

"Wala, wala parin. Kanina ko pa nga tinatawagan eh."

"Sir, ganito nalang po. Ako po ang inassign ni sir Alex na mag-assist sa inyo. Kami po ang mag-raradyo sa eroplano ng asawa niyo. Sa ngayon po ay hindi po muna tayo dapat mag-panic kasi nangyayari po talaga ang mga ito pero ligtas naman pong nakaka-balik ang pasahero. Tsaka na po tayo mag-umpisang mag-panic kapag hindi pa po lumapag ang eroplano ng asawa niyo within twenty-four hours." Paliwanag ng isang staff ng airport.

"Bakit asan si tito Alex?" Tanong ni Alfonso.

"Uhm sir, naka-emergency leave po siya, natrangkaso po kasi." Paliwanag nito.

"Sige, salamat. Paki-tawagan nalang kami as soon as possible kapag may balita na." Sabi ni Alfonso tsaka na nila nilisan ang airport.

Nang maka-uwi sa bahay ay kahit anong gawing pilit ni Alfonso na mamahinga at kumain muna si Greggy ay ayaw siya nitong pansinin. Walang ibang ginawa si Greggy kundi tumutok sa panonood ng balita ng araw na yon.

Send My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon