Dahil sa mga naisip ni Irene ay minabuti niyang bumalik na sa bahay upang ayusin na ito at plano niya na rin itong ibenta sa lalong madaling panahon at uuwi na siyang muli ng Pinas. Una niyang kinuha ang kanyang spare phone sa kanyang cabinet at agd niyang tinawagan si Amanda.
"Thank god you called! Nag-aalala na sila sayo." Bungad na sabi ni Amanda.
"Pwede mo bang puntahan si Cath dito, may mga aayusin lang ako."
"Irene.."
"Yeah, alam ko na ang lahat. Aayusin ko lang ang pagbebenta ng bahay at babalik na ko ng Pinas para ayusin na ang lahat kasma si Greggy."
bigla namang natuwa si Amanda sa sinabi ng kibigan kaya naman kahit nasa opisina nila ito ay dali-dali nitong tinungo si Irene upang sunduin si Cath.
"Take good care of her. Aayusin ko lang ang lahat at babalik na kami ng Pinas."
Nginitian lang naman siya ni Amanda bago umalis.
"Oh and, ako na ang tatawag sa kanila sa Manila." Sabi ni Irene dahil alam niyang ibabalita nto ang tungkol dito.
Nang siya'y matapos sa lahat ng ayusin ay naisipan niya munang mag-dilig ng mga halaman sa labas dahil gusto din nman niya na maganda pa rin ito para sa susunod na gagamit ng bahay.
"Mrs. Araneta your back!" Bati sa kanya ng isang pinay niyang kapit-bahay.
"Yeah, actually bumalik lang ako para ibenta na tong house."
"Uuwi ka na ng Pinas for Good?"
"Yeah." Naka-ngiti niyang sabi. "It's time na para mabuo na ulit ang family ko."
"Wow! Congratulations!" Masayang sabi nito bago umalis.
"Oh wait, kilala mo ba yung mailman dito?" Tanong ni Irene.
"Yeah, he's Mr. Shaw."
"I mean, yung mailman dati? Like nung bago palang kami dito."
"Yeah, siya pa rin yon. Why?"
"By any chance ba have you seen him na nag-iwan ng mail dito?"
"Yeah! Almost everyday! Naiinggitt nga ko sayo non kasi ikaw almost everyday may sulat from your family. Ako once a week lang."
"Talaga?"
"Oo, bakit hindi ba binibigay sayo ni Mr. Manny?"
"W-what do you mean?" Tanong ni Irene.
"Sa kanya madalas binibigay yung letter since lagi ngang nandiyan si Mr. Manny and sinabi din naman niya na ibibigay sayo. Madalas pa nga parang iniintay niya si Mr. Shaw kasi parang iniintay mo nga daw yung letter na yon."
"What? So all this time nasa kanya yung letters?" Tanong ni Irene.
"So hindi nga niya ibinigay sayo kahit isa?"
"Hindi. Ni-isa wala akong narecieve."
"You mean sa ilang buwan na araw-araw may nag-apadala sayo ng letter wala ka talagang nabasa?" Tanong nito.
