Nang ihatid ni Amanda ang mag-ina sa bahay ay dinatnan nila si Manny na nasa labas. Agad namang luumapit si Manny kay Amanda upang tulungan ito sa pag-bababa ng stroller ni Cath.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Amanda.
"Wala, namiss ko lang si Cath." Sagot naman ni Manny habang ipinapasok sa bahay ang storller.
"Pwes, tulog na si Cath kaya makaka-uwi ka na." Mataray na sabi ni Amanda.
"Amanda." Saway ni Irene dito na kagagaling lang sa kwarto dahil ibinaba nito si Cath.
"Asan nga pala ang mga bata?" Tanong ni Manny.
"Namasyal sila." Sagot ni Irene.
Gustuhin man ni Amanda na manatili upang bantayan ang bawat galaw ni Manny ngunit hindi siya pwede dahil nakiusap kanina sa kanya si Oliver na siya muna ang humarap sa bagong investor ng kumpanya nila.
"Oh pano, I have to go na." Paalam ni Amanda.
"Okay, ingat." Sabi ni Irene.
"Behave ha!" Paalala nito kay Irene.
"Ano ko bata?" Natatawang tanong ni Irene.
"Nako, kung di lang talaga nakiusap si Oliver sakin."
"Sige na, at baka ma-late ka pa." Sabi ni Irene at umalis na nga si Amanda.
Pag-balik niya sa loob ay inabutan niya sa Manny na naka-upo lang sa sofa.
"Nag-dinner ka na?" Tanong niya.
"Hindi pa. Ikaw ba?" Tanong naman ni Manny.
"Hindi pa, tatawagan ko kasi sana ang mga bata para sabay-sabay na kaming mmag-dinner."
"Oh eh natawagan mo na ba?"
"Hindi pa nga eh."
"Tell them na sa daan anlang kumain." Utos ni Manny. "I'll cook dinner nalang para satin."
Tatanggi pa sana si Irene ngunit wala na siyang nagawa dahi nasa kusina na si Manny. Hindi na niya nakuha pang makipag-talo dito dahil pagod na din siya at naupo nalang sa sofa upangmalatag ang kanyang likod.
"A-anong---" naputol ang sasabihin ni Manny ng makita niya si Irene na natutulog na sa sofa.
Hindi na niya muna ito ginising kaya anman nag-luto muna siya para kakain nalang ito sa oras na gisingin niya ito. Mabilisang luto lang naman ang mga ihinanda ni Manny dahil gusto din niyang maka-balik din agad si Irene sa pag-papahinga nito. Nang siya'y makapag-hain ay ginising na niya si Irenne upang maka-kain na sila.
"Masarap ba?" Naka-ngiting tanong ni Manny ng sumubo na si Irene.
Tumango lang naman si Irene bilang sagot dito dahil inaantok parin ito.
Si Manny ay graduate ng Culinary kaya naman hindi maikakaila ni Irene na may asarapan din itong mag-luto, ngunit talagang sa panlasa ni Irene ay wala talagang makalalamang o makakatalo sa galing ng luto ni Greggy na namana din ni Alfonso. Masasabi niyang isa rinsiyang magaling sa kusina dahil tinuruan sila ng kanilang ina nuon, ngunit iba talaga ang taglay na galing ni Greggy sa kusina kahit na hindi naman ito nag-aral sa mga pagkain. Lalo pa siyang natutuwa sa tuwing si Greggy at Alfonso ang mag-hahanda ng kanilang hapunan. Ngunit sa kasamaang palad ay sasandali lang nangyare iyon sa kanyang buhay nang malayo siya kkay Greggy at mag-umpisang magka-watak watak na ang kanilang pamilya.
"Ako na din muna ang mag-liligpit ng pinagkainan para maka-pahinga ka na kasama si Cath." Sabi naman ni Manny.
Mag-mula ng gisingin siya ni Manny at matapos silang kumain ay hindi na niya ito kinibo dahil ibang klase ang pagod na nararamdaman ni Irene non kahit pa nag-ikot lamang sila sa mall. Nang matapos kumain ay hinayaan na siya ni Manny na dumerecho na sa kwarto dahil kitang-kita naman talaga sa ikinikilos ni Irene ang pagod nito.
"Yeah right?" Natatawang sabi ni Victoria habang papasok ito ng bahay.
Agad namang lumabas si Manny mula sa kusina na naka suot ng apron habang punong-puno ng sabon ang kamay.
"Shhh, natutulog na ang mom niyo." Sabi ni Manny sa kanila.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Tine.
"Hindi ako nag-punta dito para manggulo. Tatapusin ko lang to at aalis na rin ako." Paliwanag ni Manny.
"Ako na diyan, para maka-alis ka na." Sabi naman ni Luis.
"Hindi na, kaunti naang to." Sagot naman ni Manny.
"Bahay ni mom to, kaya ako na diyan."
"Sige na mamahinga na kayo, okay na ko dito."
"Una sa lahat, hindi ka boyfriend ni mom kaya wala kang karapatang pumunta-punta dito." Sabi ni Luis.
"Alam ko."
"Alam mo naman pala eh. Sana, know your limitations din!" Inis na sabi ni Luis. "Umuwi ka na at kami na ang bahala diyan."
Dahil ayaw na rin namang makipagtalo ni Manny dito ay sinunod nalang niya ang sinabi ni Luis at tuluyan nang nilisan ang bahay ni Irene.
"Kapal ng muka, kung nanditoo si kuya, malamang basag nanaman ang muka non." Inis na sabi ni Victoria.
"Nako, sinabi mo pa." Sabi naman ni Chloe.
"Mabuti nalang talaga at di pala patol ang kuya Luis." Sabi naman ni Maria.
"Ganon talaga, tingnan mo. Mas gwapo ako kay kuya Alfonso mo." Pag-mamayabang ni Luis habang itinuttuloy ang mga naiwang hugasin ni Manny.
"Isusumbong kiya kay kuya Fonso." Sabi ni Tine.
"Pag-buhulin ko pa kayo eh." Natatawang sabi naman ni Luis.
"Payag ka ba non ate Chloe?" Tanong ni Maria.
"Huh, pati siya ibubuhol ko sa kuya niyo." Pag-yayabang ni Luis.
"Napaka-yabang mo talaga!" Inis na sabi ni Tine.
"Tara na nga, iwanan na natin yan." Aya ni Chloe sa kanila.
"Kuya, pag may kumalabit sayo, wag mo nalang pansinin. Baka trip ka lang laruin." Pananakot ni Maria.
"Halika na dali!" Sabi ni Chloe sa kanila sabay takbo patungo sa mga kwarto.
"Huy! Ano Victoria iiwan mo na ko ngayon?" Inis na sabi ni Luis.
Papasok na sana si Victoria ngunit nagdalawang-isip ito.
"Ah ganiyan ka na?"
"Eto na nga oh." Sabi ni Victoria at muling tinungo ang kusina upang samahan si Luis na duwag.
Agad namang ng-tawanan ang tatlo dahil hindi talaga kayang tiisin ni Victoria si Luis kahit na saang bagay.
