11

846 34 1
                                    

Sa ilang linggong pamamalagi ni Greggy duon ay simula ng birthday ni Catherine ay hindi na niy ito muling nakita pati si Irene. Maaga kasing umaalis ang mag-ina at sa gabi naman ay hindi na ito umuuwi. Si Amanda na mismo ang tumawag kay Greggy at sinabing kasama siya ni Irene at siya muna ang manatili sa bahay ni Irene habang nasa UK siya. Kaya naman siya na muna ang naging taong bahay sa bahay ni Irene dahil ng hindi umuuwi dito si Irene.

Ngayon ay ang muli niyang pag-babalik sa Maynila kasama si Alfonso. Kaya naman, naka-uwi nang muli si Irene sa bahay at tinutulungan ngayon si Alfonso na i-double check kung may mga naiwan itong gamit o mga papeles.

"Okay na?" Tanong ni Irene.

"Yeah mom, complete na naman." Sagot ni Alfonso habang tinitingnan ang lama ng kanyang envelope.

"Let's go na mom." Aya ni Victoria sa kanya.

"Where?" Tanong ni Irene.

"Your not coming po ba?" Tanong ni Alfonso kay Irene.

"Sasama pa ba ko?"

"Eh mom, si Luis naman ang mag-hahatid samin, kaya gagamitin parin yung car mo." Sabi ni Alfonso.

"Halika na mom, sumama ka na." Aya ni Victoria.

"Hay nako." Sabi niya sabay buntong hininga. "Dalin niyo dine si Cath at nang mabihisan ko." Utos ni Irene kay Victoria.

Nang makapag-basta ang dalawa ay agad na nilang tinungo ang airport. Mabilisang pag-papaalam lang naman ang ginawa ni Alfonso at Greggy sa kanilang pamilya dahil baka may iyakan pang maganap.

"Walang kiss?"tanong ni Alfonso bago sila tuluyang pumasok ng airport.

Bigla naman nanglaki ang mata ni Irene sa sinabi nito.

Madali namang lumapit si Greggy kay Irene at dali-dali itong hinalikan sa pisngi. Hindi na naka-layo pa si Irene dahil parang pumikit lang siya sandali at pagdilat niya ay nasa entrance na ng airport si Greggy. Hindi muna pumayag na umalis ang mga bata hanggang hindi nawawala sa kanilang paningin si Alfonso at Gregggy.

"Oh let's go na." Sabi ni Irene sa mga bata.

"Actually mom, okay lang ba na gumala kami?" Paalam ni Luis sa kanila.

"Sige, ihatid niyo nalang muna kami ni Cath sa bahay." Sabi ni Irene.

"Really mom?!" Masayang tanong ni Tine.

"Oo, kayo lang ba?"

"Dadaanan lang po namin si Celine and si Paco." Sagot naman ni Victoria.

"Oh ikaw?" Tanong naman ni Irene kay Chloe.

"I'll go with them nalang po tita." Sagot ni Chloe.

"Oh sige, ganito nalang. Mag-tkae nalang kami ng cab ni Cath then daanan niyo na sila Celine."

"Hahatiid ka na po muna namin." Victoria.

"Noooo, I'll just call your tita Amanda since nag-aaya din naman siya ng lunch with me kanina."

"Ahh, naka-alis na po ba ulit si tito Oliver?" Tanong ni Tine.

"Oo, parang the other day lang." sagot naman ni Irene.

"Isama na kaya natin si Leila?" Tanong ni Victoria sa kanila.

Send My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon