20

740 23 2
                                    

Sakto naman nang siya'y matapos ay biglang tumunog ang doorbell.

"Katie! Let's go sa labas!" Naeexcite na tawag ni Greggy dito.

"Po?" Tanong ni Katie.

"Tara sa labas." Aya ni Greggy.

Agad namang sumunod sa kanya si Katie at nagulat ito nang pag-buksan ni Greggy ang isang lalaking may mga dala-dalang mga laruan.

"Thank you, Mr. Araneta." Naka-ngiting sabi ng delivery boy bago umalis.

"Katie, look oh. This is all for you." Masayang sabi ni Greggy habang ipinakikita isa-isa ang mga laruan.

"Ang dami naman po niyan." Nahihiyang sabi nito.

"Eh, wala ka naman kasing toys dito diba? Edi binili na kita. Halika na oh, dali let's play." Aya ni Greggy dito.

Isa-isa namang binuksan ni Katie ang mga laruang binili ni Greggy para sa kanya at tuwang-tuwa ito sa mga laruang bigay ni Greggy.

"Wow!" Masayang sabi nito.

Natutuwa din naman si Greggy dahil sa masayng reaksyon ni Katie dahil sa mga ibinigay niyang laruan.

"Salamat po!" Magalang na sabi nito at tsaka siya nito niyakap.

Lalo namang nagalak ang puso ni Greggy dahil sa pag-yakap sa kanya ni Katie. Habang naglalaro si Katie ay sumali ito si Greggy sa pag-lalaro dito at tinatawanan niya ito dahil sa sobrang kulit.

"Katie wait." Sabi niya at mabilis na tumayo upang tunguhin ang gate at buksan ito.

"Sasakyan ni Irene yon ah." Sabi niya sa sarili nang matanaw ang isang pamilyar na sasakyan.

Agad niyang hinanap ang kanyang telepono upang tawagan si Irene ngunit ring lang ito ng ring at walang sumasagot. Ngayon lang din naman niya nabasa ang text ni Irene nung mga nakaraang araw dahil ngayon lang niya ulit binuhay ang kanyang telepono. Kahit anong gawin niya ay hindi talaga sumasagot si Irene kaya naman si Alfonso na ang susunod niyang tinawagan.

"Dad?"

"Tinawagan ka ba ng mom mo?"

"Opo, kanina. Hinahanap nga po kayo."

"Pwede mo bang tawagan ulit? Hindi ko na kasi ma-contact eh." Utos ni Greggy.

"Sige dad, I'll call her." Sabi ni Alfonso bago patayin ang tawag.

Agad namang tinawagan ni Alfonso si Irene at matapos ang ilang ring ay bigla itong sumagot.

"Hello, mom?"

"Yellow." Sagot ng isang bata.

Sa boses nito ay alam na agad ni Alfonso na si Catherine ang sumagot.

"Cath, where's mom?"

"Kuya fonso!" Masayang sabi nito.

"Ca you give the phone to mommy?"

"Owkay, wait." Bulol na sabi ni Catherine.

Narinig lang ni Alfonso na bumukas ang pinto at ang malakas na hagulgol ni Irene at ang pag-bagsak ng telepono ni Irene na halatang nabitawan lang ni Catherine.

Send My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon