"Greg, Irene!" Tawag ni Bong mula sa labas ng gate.Agad naman itong nilabas ni Imee at na sinundan din agad ni Greggy nang marinig din ito. Kasabay na nito si Aimee at Julian.
"Wala dito si Irene." Sabi ni Greggy.
"Oh, akala o ba nandito?" Tanong ni Bong kay Imee.
"Asan si ate Irene kung ganon?" Tanong ni Aimee.
"Bumalik na ng UK." Greggy.
"Ano?!" Tanong ni Liza.
"May nangyare nanaman ba?" Tanong naman ni Bong.
"Hindi ko nga alam dine kay Imee. Ayaw mag-salita." Sabi ni Greggy.
"Ano?" Tanong ni Bong kay Imee.
"Wa-wala kkong alam." Sabi ni Imee.
"Imposibleng wala kang alam. Ikaw ang huling naka-usap ni Imee bago siya umalis, diba kasasabi mo lang kanina?" Bong.
"Oo, pero wala naman kasi siyang nabanggit. Ni-hindi ko nga alam na may balak pala siyang bumalik ng UK eh. Si Alfonso lang din ang nag-sabi samin." Paliwanag ni Imee.
"Hindi ba alam ni Alfonso yung rason?" Tanong ni Liza.
"Basta nung tumawag daw siya, narinig nalang niya na humahagulgol si Irene at bigla nalang inaya si Cath sa UK." Paliwanag naman ni Greggy.
"Wala naman siguroong nangyareng masama kina Amanda?" Tanong ni Aimee.
"Imposible, nag-post pa kanina si Amanda eh." Sabi naman ni Julian.
"Ano kayang nangyare?" Tanong ni Aimee sabay hawa sa noo.
"Julian, mabuti pa iuwi mo muna si Aimee. Baka ma-stress lang yan lalo dito." Utos ni Liza kay Julian.
Ayaw pa sanang umuwi ni Aimee ngunit sa huli ay pumayag din ito dahil pinilit na siya ng kanyang mga kapatid at para nga rin naman ito sa batang dinadala niya. Habang nag-kukwentuhan ang apat ay si Alfonso na muna ang kasamang nag-lalaro ni Katie sa sala.
"Hindi naman kaya si Katie ang naging dahilan?" Tanong ni Liza.
"Posible, pero papaano?" Tanong ni Bong.
"Hindi na daw makaka-sunod si Tommy, nagka-biglaanag meeting daw eh." Sabi ni Imee habang naka-tingin sa kanyang telepono na kungware walang naririnig.
"Tsaka imposibleng si Katie ang dahilan. Ang pamilya niyo na ata ang isa sa mga nakilala kong mahihilig sa mga bata." Sabi naman ni Greggy.
"Etong si Ime, alam kong may alam to eh." Sabi ni Bong habang tinuturo si Imee na naka-tutokk sa telepono.
Tumingin ang naman sa kanya ang tatlo na nag-iintay ng kanyang isasagot.
"Imee." Tawag ni Liza dito tsaka ibinaba ang telepono ni Imee.
"Bakit?" Tanong niya nang hawiin ni Liza ang telepono niya.
