17

734 30 0
                                    

Tanghali na nang magising si Irene at hindi nanaman niya inabuta si Catherine sa kanyang tabi. Hindi na siya nag-panic dahil sigurado naman siyang nakila Ferdinand na ito. Nang siya'y bumaba ay isang pamilyar na boses ang kanyang narinig. Nang marating niya ang kusna ay tama nga ang kanyang hinala. Andito si Greggy na ngayon ay inaaliw si Catherine upang ito'y kumain.

"Cath oh, there's your mom." Naka-ngiting turo ni Greggy.

Pati naman si Ferdinand at Imelda ay napatingin dito.

"Kumain ka na." Utos ni Imelda.

"Aga mo ata, wala ka bang pasok?" Ttanong ni Irene kay Greggy habang kumukua ito ng pinggan.

"Naiwan ko kasi yung bag ko kagabi sa sasakyan niya kaya pinadala ko dito at inay ko na rin for brunch." Paliwanag ni Imelda.

"Tsaka baka nakakalimutan mo na ang asawa mo ang may-ari ng kumpanya." Natatawang sabi naman ni Ferdinand.

"Dada!" Sigaw na sabi ni Catherine habang pinapalo ang lamesa ng kanyang high chair.

"Dada?" Tanong ni Irene. "Kagabi ka pa dada ng dada ahh." Sabi niya kay Catherine.

"Eh baka hinahanap na ang dada niya." Sabi naman ni Greggy.

"Mommy, aalis po ba kayo mamaya?" Tanong ni Irene habang kumakain.

"Bakit?" Tanong ni Ferdinand.

"Kasi ngayon kami mag-uusap ni Manny tungkol sa exapnsion eh. Iiwan ko muna sana si Catherine para mabilis lang din kaming matapos."

Kahit na wala namang lakad ang mag-asawa ay sinabi nilang aalis sila dahil ayaw talaga nila kay Manny.

"Ganito nalang. Ipag-drive nalang kita then isama natin si Catherine tapos pupunta kami ng play house then tawagan mo nalang kami after ng meeting niyo." Sabi naman ni Greggy.

Hindi sana papayag si Irene ngunit sinegundahan agad ito ng mag-asawa.

"Ayun naman pala eh!" Ferdinand.

"Oo nga, tsaka para narin naman maka-laro si Catherine kasama ng ibang mga bata." Imelda.

"Nako, for sure mag-eenjoy si Catherine." Natutuwang sabi ni Ferdinand.

Wala nang nagawa si Irene dahil ang tatlo na ang nagplano para sa mangyayaresa kanila sa araw na yon. Kaya naman nang matapos kumain ay agad nang nag-bihis si Irene at si Catherine upang makapuntana sila agad ng mall.

"See you later." Paalam ni Irene sa dalawa.

"Walang kiss?" Tanong ni Greggy.

Malayo na ngunit nilingon pari siya ni Irene at tiningnan ng masama.

"Ah-i mean, si Catherine kako? Wala bang kiss?"

Bumalik naman si Irene upang halikan si Catherine sa pisngi.

"Okay, see you later!" Masayang sabi ni Irene bago umalis.

"Wave goodbye to mommy." Utos ni Greggy habang hawak ang kamay ni Catherine.

Sa halip na hanapin nila playground ay mas dinala ni Greggy si Catherine sa toy store upang ibili nalang ito ng laruan at mas madami ang oras nila ni Catherine na makapag-libot ng mgaka-sama.
________________________________

"Irene, ano ba yan?" Tanong ni Manny dahil panay ang hawak nito sa kanyang telepono at napapangiti habang nag didiscuss si Manny nang mga gagawin nila para sa expansion.

"Ahh- huh? Pasensya ka na, eto kasing si Greggy panay ang pagsesend sakin ng pictures nila ni Catherine eh." Kwento ni Irene.

Agad namang napakunot ang noo ni Manny nang marinig ang pangalan ni Greggy.

"Look oh, ang cute nila together." Natutuwang sabi ni Irene habnag ipinakikita ang pictures nang mag-ama na sinend sa kanya ni Greggy.

Pahapyaw na tingin lamang ang ibiinigay ni Manny dito tsaka na nito iniba ang usapan.

"Going back, ako na ang bahal dito sa lahat. Kaya ko din namang mag-invest if gusto mo."

"Nako hindi na. Nangako kasi ko kay Amanda na hahayaan ko siyang mag-invest kapag nag-expansion na sa Pinas eh."

"Okay, so ganon na lang. Ako na ang bahala sa expansion niyo dito. Babalitaan kita everyday about it para kahit bukas agad, pwede na kayong bumalik ni Catherine sa UK."  

"Ano ka ba naman, kararating lang namin ni Catherine dito pinaaalis mo na kami."

"Hindi naman sa ganon." Natatawang sabi ni Manny, sabay subo ng kanyang steak.

"What are you doing here?" Gulat na sabi ni Irene kay Greggy nang makita niya ang dalawang pumasok sa restaurant na kinakainan nila ni Manny.

"Kakain lang kami. Huwag mong intindihin na nandito kami and ituloy niyo lang yang meeting niyo. Hindi mo kami mararamdaman dito, promise!" Sabi ni Greggy habang inuupo sa high chair si Catherine.

Hindi na rin naman siya umimik dahil maski si Catherine na karga-karga ni Greggy ay parang hindi siya nakita at mas minabuting pag-tuonan ng pansin ang hawak na stuff toy.

"Huy! Hindi mo man lang pinansin si mommy." Tawag ni Irene dito habang inayaos ni Manny ang mga papers.

"Da-da!" Tawag niya kay Greggy.

"Yes?" Naka-ngiting tanong ni Greggy na para bang walang Irene na naka-tingin sa dalawa.

Tumawa lang naman si Caatherine habang nagsisisipa ito ng paa habang naka-upo sa kanyang high chair.

"So all set na lahat. Ako na ang bahala and uupdate nalang kita everyday like I said earlier." Naka-ngiting sabi ni Manny.

"Thank you!" Nakka-ngiting sabi naman ni Irene at inabot ang kamay ngunit sa halip ay niyakap siya ni Manny.

"Call me bago kayo bumalik ng UK ha?" Bulong ni Manny kay Irene.

Kahit na mukang busy si Greggy sa pakikipag-aro kay Catherine habang nag-iintay ng pagkain ay ang tenga niya ay naka-focus sa dalawa, kaya naman narinig niya ang sinabing ito ni Manny kay Irene.

"Hi Caatherine!" Bati niya kay Catherine.

"Cath your papa oh." Turo ni Irene dto dahi hindi man lang ito dinapuan ng pansin at tingin ni Cath.

Tumingin lang sandali si Cath dito at muling binalik ang atensyon sa hawak niyang stuff toy at sa hawak na stuff toy ni Greggy. Si Greggy naman ay nakikiramdam lang kung paaanong pag-papansin ang gagawin ni Manny kay Catherine dahil hindi naman ito ganito dati sa tuwing nakikita si Manny.

"Sige, I'll have to go na." Sabi ni Manny.

naramdaman naman ni Greggy na lalapit muli si Manny kay Catherine at mukang hahalik pa ito sa noo ng bata kaya naman inunahan na niya itong alisin sa high chair at iupo nalang sa kanyang lap. Dahil dito ay wala nang nagawa si Manny kundi tuluyan nang lisanin ang restaurant na kanilang kinainan.

Send My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon