Masyado nang maraming nangyari sa mga naka-lipas na taon. Kahit na hindi na nila nakakasama si Katie ay nagkakaron parin sila ng update tungkol dito dahil nga pinilit ng mag-asawa na maging malapit parin rito kahit na hindi na ito naka-tira sa kanila. Naging matagumpay naman ang simpleng kasalan ni Luis at Celine pagka-tapos ng kanilang graduation. Ngayon ay tatlong buwan nang buntis si Celine at naka-pasok na rin si Luis sa kumpanya ni Greggy kaya lalong naging malaya si Greggy sa kanyang oras. Si Catherine naman ay ipinasok na rin ni Irene sa iskwela dahil nasa tamang edad narin naman ito. Si Chloe at ang kambal naman ay katatapos lang din ng pag-aaral nuong naka-raang buwan kaya naman naka-uwi na rin ang kambal ng Pinas. Gusto na rin sanang pauwiin ng mag-asawa si Maria ngunit hindi pumayag ang bata dahil gusto niya na tapusin niya muna ang pag-aaral don, kaya namna wala na ring nagawa ang mag-asawa kundi ang suportahan ito sa gusto.
"Greg, naalala mo nung unang beses mo kong dinala dito?"
Tanong ni Irene kay Greggy habang naka-yakap ito mula sa likod niya at nakatanaw sila pareho sa overview look ng maynila.
Napa-isip muna si Greggy bago siya sumagot.
"Ano hindi mo na naalala?" Tanong ni Irene.
"Ano ka ba? Pwede ko bang kalimutan yon? Napaka-memorable kaya non." Sabi ni Greggy. "Yun ang first date nating dalawa na muntik na tayong nahuli ni Bonget at nina mama Meldy." Natatawang sabi ni Greggy.
"Oo, tapos tinulungan pa ko ni manang mag-bukas ng gate." Naatawang sabi ni Irene.
"Tapos nakita niyo si Aimee na pauwi palang din dahil nag-babanda pa siya that time." Natatawang sabi ni Greggy.
"Yun yung mga memorable na hindi natin naikukwento sa mga bata ano?" Sabi ni Irene.
"Alam mo, meron pang isa actually eh. Yung nahuli tayo ni Bong."
"Ahh oo! Kaso hindi siya nakapag-sumbong, kasi sabi mo isusumbong mo din si Liza." Natatawang sabi ni Irene.
"Hanggang ngayon sariwang-sariwa parin sakin ang lahat." Natatawang sabi ni Greggy.
"Naalala ko non, sa tuwing maaga tayong palalabasin sa school. Dito tayo dederecho, tapos hanggang 7 lng kasi mayayari na tayo pareho."
"Pero ngayon, kahit umagahin pa tayo." Natatawang sabi ni Greggy.
"Grabe no? Ang bilis talaga ng panahon." Parang kelan lang yung mga ginagawa nating pagtakas na yon eh, tapos hanggang sa ikinasal tayo, nagka-anak, tapos ngayon apo naman."
"Pero, do you think na tayo parin kaya ang naging mag-asawa kundi kita itinanan nuon?" Tanong ni Greggy.
"I don't think so. Kasi diba nung nahuli tayo ng dad, diba hihiwalayan na sana kita. Kaso inaya mo kong magpa-kasal." Natatawang sabi ni Irene.
Ilang minuto pa nilang dinama ang simoy ng hangin at ang pag-mamahal sa isa't isa bago nila maisipang umuwi na. Halos mag aalas onse na den nang sila'y umuwi. Mabilis lang naman ang byahe dahil nga naka-motor lang silang dalawa. Kapag mganda ang panahon at nakalokohan mag-motor ni Greggy ay talagang inaay niya si Irene gaya ng dati nung nag-aaral palamang sila.
"Ang mga kuya niyo ba andiyan na?" Tanong ni Greggy sa kambal.
"Yes dad, kauuwi lang nila. Kasusundo nga lang ni kuya Luis kay ate Celine eh." Kwento ni Victoria.
