Habang hinhanap ni Irene ang inuupuan ng kambal ay bigla namang nag-leak ang boteng hawak ni Cath kaya kinailangan niyang pumunta ng toilet upang ayusin ito at palitan ng damit si Catherine dahil bahagya itong natapunan.
"Catherine, give me your milk muna." Sabi ni Irene dito.
Inabot din naman ito agad ni Catherine kay Irene, kaya hindi na siya ganong nahirapan sa pag-aayos.
"Halika na. Oh you walk nalang muna." Sabi ni Irene, tsaka niya ito inakay.
Nang pag-labas niya ng restroom ay agad na bumungad sa kanya si Luis.
"Mom?" Sa tono ng boses ni Luis ay alam niyang nagulat ito.
Lumebel naman si Irene kay Catherine upang kausapin ito kahit pa hindi pa rin ito naiintindihan ni Cath.
"Catherine, this is your kuya. Ay kuya Luis."
"Uwis." Bulol na sabi ni Cath.
"Very good! Halika na, later ka na muna mag-walk." Sabi ni Irene tsaka niya ito kinarga.
Dahil sa inis ni Luis ay iiwanan na sana niya si Irene at Catherine ngunit hinawakan ito ni Irene sa braso upang pigilan.
"Anak, sandali. Mag-eexplain ako."
"Mom? Ano bang ginagawa mo? Pinalayas mo sila kuya dahil kay Manny tapos malalaman namin may anak ka na pala sa kanya?" Inis na sabi ni Luis.
"No..... by the time na bago i-close sa public ang school niyo, nun lang namin nalaman ng tita Amanda mo na I'm pregnant, and hindi si Manny ang father ni Catherine." Paliwanag ni Irene.
"How old is she?" Tanong ni Luis.
"It's actually her birthday."
"As in now?"
Tumango lang naman si Irene bilang sagot.
Tinitigan naman ng ilang minuto ni Luis si Catherine at hindi na rin siya nag-dalawang isip pa na maniwala sa ina dahil nga halos kamuka ito ni Victoria na kahawig din ng ina ni Gregorio. Nang bilangin din ni Luis ang buwan ay. Sumakto ito sa buwan na nasa Pinas pa nga si Irene at imposibleng maging ama ni Catherine si Manny kahit pa nagalaw man nito si Irene.
"Does dad know?" Tanong ni Luis.
"No, and please don't tell him. Ayoko nalang ng gulo."
"Gulo?"
"Please, Luis."
Hindi na umimik pa si Luis at sinunod nalang ang ina.
"Anyways, ako nalang ang bahalang mag-sabi sa kambal. But If masasabi mo kay Maria and Alfonso ang tungkol dito, mas better din siguro." Utos ni Irene.
"Sige mom, magkikita din naman kami ni kuya mamaya sa backstage eh, and malapit lang din naman ako kay Maria so, ako na rin ang bahala mag-explain sa kanya."
"Oo nga pala, here's you camera, I hope you can take pictures."
'Thanks mom." Nakka-ngiting sabi ni Luis sabay yakap sa ina. "And you, mamaya na tayo mag-play." Naka-ngiting sabi ni Luis kay Cath habang hawak ang kamay nito.
Bago bumalik si Luis sa kanyang pwesto ay itinuro muna niya ang kinaroroonan ng kambal at ni Chloe. Agad na din naman siyang nag-punta dito dahil mag-uumpisa na din naman ang ceremony. Gaya nang naging reaksyon ni luis ay nagulat ang kambal nang makita si Irene habang kargakarga si Catherine.
