Mag-mula nang lisanin ng mga bata ang bahay ni Irene ay hindi pa muli ito bumabalik sa kanya. Pinapanalangin nalamang ni Irene na bumalik nang muli ang mga bata sa kanya lalo na at pasapit nanaman ang ikatlong linggo ng buwan.
"Samahan mo ko mamaya." Aya ni Amanda kay Irene.
"Pwede bang sa susunod nalang? Hindi na kasi maganda ang timpla ng katawan ko eh." Sabi ni Irene habang inayos ang kanyang gamit sa opisina.
"Hindi ka ba mamimili? Hindi ba mamaya na ulit ang labas ng mga bata?" Tanong ni Amanda.
"Hindi na muna siguro. Madami pa namang stock sa bahay eh."
"Hindi ka naman nilalagnat." Sabi ni Amanda ng hipuin niya ito.
"Itutulog ko lang naman to, pagka-tapos ayos na ulit." Sabi ni Irene.
"Sigurado ka ba? Ihatid na kaya kita?" Tanong ni Amanda.
"Hindi na, kaya ko na." Sagot naman ni Irene.
Hindi pa nakaka-baba si Amanda dahil nga inaayos pa niya ang kanyang mga gamit ay tumawwag na agad ang isang security nila sa building at sinabing nawalan nga ng malay si Irene. Agad naman niyang ipinakuha ang sasakyan at nang pagka-baba niya ay dederecho nalamang sila sa ospital.
"Hi. I'm Dr. Loggins." Sabi ng isang doktor na lumapit kay Amanda. "I'm Mrs. Araneta's Doctor."
"H-how is she?" Tanong ni Amanda.
"She wants to talk to you." Sabi ng doktor.
Agad namang pumasok si Amanda sa isang kwarto kung nasaan si Irene.
"Kamusta ka na?" Tanong ni Amanda.
"Okay na ko." Naka-ngiting sabi ni Irene.
"A-ano daw bang resulta ng mga tests?" Tanong ni Amanda.
"I-i'm pregnant. Twelve and a half weeks." Sagot ni Irene.
"Don't tell me---"
"Sira! Kay Greggy to!" Pangunguna ni Irene dahil alam na niya ang ibig sabihin ng pagka-gulat ni Amanda.
"Oh eh ano nang plano mo?" Tanong ni Amanda.
"Edi ganon pa rin, tuloy ang buhay."
"Wala kang balak sabihin kay Greggy ang tungkol diyan ano?"
"Tsaka ko na iisipin yon."
"Lumipat ka nalang kaya ng bahay?"
"Bakit naman?" Tanong ni Irene.
"Dun ka nalang bumili ng bahay sa village namin. Para doon, alam kong safe ka."
"Bakit hindi ba ko safe don sa bahay?"
"Irene, eh makita ko lang na aali-aligid si Manny sa bahay niyo, alam ko na agad na hindi ka safe eh."
"Kaya ko na ang sarili ko." Natatawang sabi naman ni Irene. "Ang importante, huwag mo tong ipararting kay Greggy ha! Apaka daldal mo pa naman." Inis na sabi ni Irene.
"Paano kung puntahan ka niya?" Tanong ni Amanda.
"Edi yun ang oras para malaman niya."
"Hindi kaya magalit sayo si Greggy nito?" Tanong ni Amanda.
"Alam mo, ayoko na rin kasi siyang guluhin sa bago niyang pamilya eh."
"Irene, hindi yan pang-gugulo. Kilala ka pa bilang Irene Araneta dito, hindi bilang isang Marcos. Paano kung may isang pinoy na makaalam ng tungkol dito?"
"Bahala na, basta buo na ang loob ko."
Di man sang-ayon si Amanda sa desisyon ni Irene ay sinuportahan niya nalang din ito sa huli.
Nang maka-uwi silanang bahay ay nag-tataka parin si Irene at Amanda kung bakit gabing-gabi na ay wala pa rin ang mga bata.
"Oh, si Oliver na ata yan." Sabi ni Irene ng tumunog ang telepono ni Amanda.
"Nag-text na ko sa kanya kanina eh, sabi ko ako nalang uuwi." Sabi ni Amanda bago buksan ang text ni Oliver.
Nang buksan ito ni Amanda ay napakunot noo ito agad.
"Bakit?" Tanong ni Irene.
"Nag-text yung head nila."
"Ano daw sabi?"
"I-lolockdown ata yung school nila."
"So meaning, walang estudyanteng hinayaang lumabas?"
"Oo, until maka-tapos daw ang seniors. And pina-confiscatee daw lahat ng gadgets. As in no contacts sa labas."
"Does Greggy know kaya?"
"Sino ba ang naka-register sa inyo sa school ng mga bata? Samin kasi si Oliver, kaya siya ang nag-forward ng message ng text ng head."
"Si Greggy."
"Eh, alam niya yon for sure."
"Less than a year nalang naman din eh." Sabi ni Irene.
"Irene, hindi sila nag-accept ngayong taon ng seniors, so basically makaka-labas lang ulit ang mga bata after two years."
"So you mean pagka-graduate pa ni nila Alfonso?"
"Parang ganon na nga."
"Aba eh, matagal yon. Aalmost two years din yon."
"Hayaan mo na sila, safe naman sila don. Si Leila nga, hinahayaan na namin eh." Natatawang sabi ni Amanda.
"Bakit hindi na ba umuuwi sa inyo?"
"Kapag summer nalang kami nag-ikita kitang tatlo. Eh mas gusto niyang kasama yung friends niya eh. Kasi nga naman daw kung sa bahay lang siya, wala din naman siyang makakasama."
"Tama din naman."
"Oh pano? Edi mag-isa ka nalang dito?"
"Para namang lagi akong may kasama." Natatawang sabi ni Irene.
"Bakit kasi hindi mo tawagan si Aimee? Okaya umuwi ka nalang muna sa Pinas, habang nag-bubuntis ka."
"Kaya ko na. Tsaka madami pa rin akong aayusin kung uuwi ako sa Pinas no? Ang intindihin mo. Eh yung kumpanya. Ikaw muna ang mag-aasikaso non hangga't ganito ko."
