4

755 31 4
                                    

Nang maiwan si Irene na mag-isa ay minabuti nalamang niya na linisin nalang muli ang bahay kahit na wala pa naman siya masyadong linisin. Sa mga gantong paraan ay naaka-limot siya kahit papaano. Kaya naman nang buksan niya ang kwarto ni Alfonso at Luis lalo pa siyang napaluha nang maita niya na ang laman pala. Ng kahon kahapon ay ang fmily portrait nilang apat nuong si Luis at Alfonso palang ang mga anak nila. Tandang-tanda ni Irene na buntis na siya sa kambal nuong nagpa-kuha sila nang litrato ngunit hindi pa nila ito alam ni Greggy noon. Kitang-kita sa mga mua nila ang malalaking ngiti mula sa bibig ni Alfonso habang si Luis naman ay nakangiti rin habang pinatatawa ng camera man. Sa sobrang laki nito ay halos kainin na nito ang isang buong ding-ding ng kwarto ng makapatid. Dati itong naka-lagay sa kanilang mansyon na hindi rin naman ganong nag-tagal dahil nga pagka-panganak sa kambal ay ipinatanggal na niya ito dahil hindi kasama dito ang kambal. Halos nakalimutan na rin niyang may ganito nga pala silang litrato na matagal ding naitabi sa kanilang bodega.

Ang litratong ito ay kuha sa isang studio sa Makati habang naka-halik silang mag-asawa sa magkabilang pisngi ni Alfonso at yakap naman ni Alfonso si Luis, na nasa dalawang taong gulang palang nuon.

Habang naka-masid sa mga litrato ay napa-hinga nalang ng malalim si Irene habang tintingnan ang mga ito.

"Irene..." tawag ng isang pamilyar na boses sa kanya.

Napakunot naman ang kanyang noo sa pag-tataka, ngunit hindi niya ito pinansin dahil alam niyang imposible at baka dahil nga lang din ito sa kanyang mga iniisip.

"Huy!" Tawag nito sa kanya.

Halos mapatalon naman siya sa gulat ng makita niya si Imee sa kanyang likod.

"Manang?!" Gulat na sabi ni Irene sabay yakap dito.

"Ano ba yan, bakit ka umiiyak?" Natatawang tanong ni Imee kay Irene ng maramdamang pumatak ang luha ni Irene sa kanyang baikat.

"Paano mo na-"

"Sinabi sakin ni Greggy." Sabi ni Imee. "Alam ko kasi na hindi siya papayag na hindi niya malaman kung nasan ka, kaya pinilit ko siyang mag-salita. Alam kong magagalit ka sa kanya, kaya huwag ka nang magalit at gusto lang din naman kitang makita. Nag-aalala na din kasi ang mga mommy sa'yo." Kwento ni Imee.

Naagaw naman ang pansin ni Imee nang makita ang naka-sabit sa dingding.

"Dito pala nilagay nung dalawa."

"Oo, hindi ko nga alam na pinadala mo pala yan dito eh."

"Naki-usap kasi yung dalawa eh, kaya pinag-bigyan ko na." Sabi ni Imee. "Ang sarap niyo tingnan diyan." Naka-ngiting sabi ni Imee habang naka-titig lang dito.

"Panahong maayos pa ang lahat." Sabi ni Irene sabay buntong hininga.

"Bakit, hindi na ba maayos?" Tanong ni Imee.

"Paanong maayos, eh maski mga bata nga nagsi-layas na."

"What do you mean?" Tanong ni Imee.

"Nang-liligaw ulit si Manny." Kwento ni Irene.

"What?! I mean, ayoko nang itanong kung bakit nag-layas ang mga anak mo."

"Manang? Pati ba naman ikaw?"

"Irene, nuong nangligaw sakin si Rodrigo alam agad ng mga anak ko na oay siya para sakin. Nuong naging si Isabel at Greggy, pumayag naman ang mga anak mo. Bakit? Kasi alam nila na yun ang ikasasaya namin. And! Alam nila na matitino silang tao. Eh mukang sa itsura ni Manny, mukang hindi pa siya nag-babago eh. Ako man ang isa sa anak mo? Mas gugustuhin ko pang umuwi nalang sa Pinas kesa maka-sama si Manny. Yun ba ang dahilan kung bakit sila nag-layas?"

"Actually, nag-walk out lang si Victoria tapos sinundan ni Luis, kaya pinalayas ko na din yung tatlo."

"Jusko naman Irene, huwag mo namang hayaang masira na ng tuluyan ang pamilya mo. Hindi na ikaw yung Irene na kilala ko."

"Iba na talaga ko, aat lalong hindi na ako yung Irene na yon."

"Alam kong marami ka nang pinag-bago, pero pati ba naman ang mga anak mo? Ano ganon nalang yon? So ibig-sabihin kahit na nanliligaw palng sayo si Manny eh mas pinipili mo na siya? Paano pa kaya kung kasal na kayo? Ako ang naawa para sa mga mangyayari sa mga pamangkin ko pag nagka-taon."

"Paano naman ako?"

"Alam kong hindi mo mahal si Manny, sigurado kong si Greggy parin ang laman ng puso mo. Sadyang kailangan mo lang talaga ng kalinga ngayon kaya sa tingin mo ay si Manny ang nag-bibiggay sayo non. Paano ka naman mabibigyan ng kalinga ni Greggy kung iniwanan mo siya?"

"Iwanan ko man siya o hindi, wala na talaga yon dahil ma anak na siya."

"Iba ka na nga talaga." Napapa-iling na sabi ni Irene. "akala namin noon, pag-alis ng mga bata magiging maayos na ulit kayo, pero hindi lalo lang lumala. Naawa ko kay Maria, sa totoo lang. nanahimik yung bata na namumuhay sa. Puder ng mga Laude nuon na masaya tapos kukunin niyo. Para ano? Para bigyan ng wasak na pamilya? Kung alam ko lang na ganyan ang gagawin niyo sa buhay ng bata? Ako mismo ang tatawag kina William para sabihin na ilayo na sa inyo ang bata. Kala mo lang tatahi-tahimik yon, pero isa siyasa mga naapektuhan ng lahat ng ito. Kung may lakas lang ng loob na mag-salita yon? Sigurado ko mas gugustuhin nalang non na balikan ang mga nagpa-laki sa kanya. Kesa maka-sama ang mga tunay niyang magulang na hindi marunong magparamdam ng buong pag-mamahal sa isa't isa." Sabi ni Imee. "Dati, hanga ako sa galing mo sa pagiging ina dahil mas inuuna mo talaga ang mga anak mo.... pero ngayon?" Napapa-iling na sabi ni Imee.

"Ano gusto mong gawin ko?"

"Kung ayaw mong buuin ang pamilya mo, kung ayaw mong bigyan ng buong pamilya ang mga anak mo, ibalik mo nalang si Maria sa mga Laude!"

Agad namang naka-tikim si Imee ng malakas na sampal mula kay Irene.

"Hindi mo alam ang mga piinag-daanan ko para lang mabawing muli ang anak ko!" Inis na sabi ni Irene habang dinuduro si Imee.

"Hindi na ko agaganti pa sayo, dahil alam ko na ang tama at mali. Tama ka, maaring wala kong alam sa mga nangyari sayo. Pero alam na alam ko ang mga pinag-dadaanan ng mga anak mo. Isa ko sa mga piang-hihingahan ng sama ng loob sa mga an mo. At kung ako yung tipo ng kapatid na walang respeto at walang pakealam? Malamang, mataga ko nang kinuha sayo ang mga bata." Sabi ni Imee at aalis na sana ngunit bumalik ito.

"And para lang sa kaalaman mo? Minsan nang sinabi sakin ng mga bata na sana, ganon din ang pamilya nila. Akala mo ba pag-lalaro lang ang habolng mga anak mo sa mga piinsan nila tuwing pumupunta sila sa bahay? Hindi! Sa tuwing susunduin sila ng driver niyo, alam mo sinasabi ni Victoria? "Tita, pwede bang dto nalang kami? Mas masaya kasi dito, at kumpleto kayo. Pag-uwi kasi namin sa bahay, minsan wala si dad, minsan naman si mom ang wala." Kung masama akong kapatid sayo? Aampunin ko na sila. Irene, si Victoria yun ha? Si Victoria na mismo na sobrang lapit sa iyo ang nag-sabi! Sana lang talaga bumalik pa yung dating Irene na pinalaki ng mommy at daddy." Sabi ni Imee tsaka ito tuluyan nang umalis.

Dumaan ang mag-hapon na yon na puro bigat at sama ng loob ang nararamdaman ni Irene. Akala niya nung una ay problema lang sa mga anak niya ang intindihin niya, ngunit ngayon ay pati narin pala sa kanyang kapatid.

Send My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon