13

837 35 13
                                    

Ang dalawang buwan na bakasyon ng mga bata ay kala mo isang linggo lamang dahil sasobrang bilis na pag-lipas nito. Ngayon na kasi ulit ang balik nila sa iskwela kaya naman ihinatid muli ni Amanda, Oliver, at Irene ang mga ito sa kanilang campus.

"See you in two years!" Sabi ni Irene sa mga bata nang isa-isa itong yumakap at humalik sa kanila ni Cath.

"Bye,mom. Bye Cath." Paalam nito sa kanila.

Hindi umalis ang apat hangga't hindi nawawala sa paningin nila ang mga bata.

"Hindi na ba bumalik si Greggy?" Tanong ni Oliver.

"Hindi na, ang dami ata kasing problema ngayon sa kumpanya eh. Pero alam ko kausap nila yun kagabi tsaka si Alfonso sa skype." Sabi naman ni Irene.

"Ahhh, mabuti naman at kahit papaano eh nakausap naman pala." Sabi naman ni Amanda.

"Oo naman, kahit naman sobrang busy ni Greggy. Hindi naman nawalan yon ng oras sa mga bata." Sabi naman ni Irene.

"Sayo lag?" Naatawang tanong ni Oliver.

"Huy, just be fair ha? Kahit sakin hindi din." Sabi naman ni Irene.

"Siguro kung kayo parin baka until now no?" Sabi naman ni Amanda.

"Baka? Siguro? Ay ewan ko din." Sagot naman ni Irene.

"Oh ano saan ba tayo?" Tanong ni Oliver habang nag-hahanap ng kanilang pag-paparkingan.

"San mo gusto?" Tanong ni Amanda kay Irene.

"Kahit saan. Gutom na din ako eh." Natatawang sagot naman ni Irene.

"Oh tara at kumain na tayo sa kahit saan." Sabi naman ni Oliver.

"Sira ka talaga." Natatawang sabi ni Amanda saby hampas sa balikat ni Oliver.

"Aray ha!" Natatawang sabi ni Oliver.

"Cath let's go." Aya ni Irene dito.

Agad namang tumayo si Catherine at bumaba habang hawak-hawak ni Irene ang kaliwang kamay nito.

"Mom." Tawag ni Cath kay Irene sabay turo sa candy stand.

"What's that?" Naka-ngiting tanong ni Amanda.

Pumalakpak lang naman si Cath sa tuwa habang nag-mamadali sa paglapit dito.

"Cath wait!" Pag-pigil ni Irene dito, dahil tumakbo na ito tuloy-tuloy sa shop. "Only one." Sabi ni Irene ng ibigay sa kanya ang dalawang candy.

"Amanda!" Inis na sabi ni Irene dito nang biglang bayaran ni Amanda ang candies na inabot sa kanya ni Cath.

"Ibigay mo na kay Cath yan at halika na." Pang-iinis ni Amanda.

"Ako tong panay ang pigil kay Cath sa pagkain ng sweets tapos ibibili mo pa ng dalawa."

"Eh minsan lang naman hayaan mo na." Sabi naman ni Oliver. "Halika Cath." Tawag nito tsaka kinarga.

Habang nag-iintay ng pagkain ay pili na pinabubuksan ni Cath ang kanyang candy kay Irene.

"Later na Catheerine. Kakain muna tayo." Paliwanag ni Irene.

Send My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon