25

974 40 8
                                    

"May ineexpect ka bang pupunta ngayon?" Tanong ni Irene kay Greggy.

"Wa-wala naman." Sagot nito.

Tumayo si Greggy at kinuha ang payong upang puntahan ito.

"Sino yon mom?" Tanong ni Catherine.

"I don't know Cath. Let's just wait for your dad till he comes back, okay?" Paliwanag ni Irene dito.

Maya-maya pa ay pabalik na si Greggy habang may kasamang dalawang matanda at isang lalaki.

"Do you know them?" Tanong ni Irene kay Katie.

"Hindi po eh." Sagot naman nito.

"Pasok po, tuloy po kayo." Sabi ni Greggy sa mag-asawa.

Lumapit si Irene kay Greggy tsaka nito pasimpleng binulungan si Greggy.

"Sino sila?" Tanong ni Irene.

"Ahm, Mr. And Mrs. Salvador, atty. Teodoro, this is my wife, Irene." Pakilala ni Greggy.

"Nice to meet you po." Sabi ni Irene tsaka isa-isa itong kinamayan.

"Si Katie?" Tanong ni Greggy.

"Nasa kitchen sila ni Cath." Sabi ni Irene.

"Can you call her, please?"

"Yeah, wait a moment."

Sabi ni Irene tsaka na niya tinungo ang kusina at tinawag si Katie.

"Mom, wait for me." Sabi ni Cath habang may hawak-hawak na doughnut.

"Careful." Sabi ni Iene dito.

Nang marating ang sala ay agad na lumuha si Mrs. Salvador nang makita si Katie. Agad naman nitong nilapitan si Katie at hinawakan sa pisngi.

"Can I hug you?" Tanong nito.

Hindi naman umimik si Katie ngunt tumago ito.

"I'm your lola Teresita, and he's your lolo Erick." Pakilala ni Teresita dito habang nag-pupunas ng luha.

"Kami ang parents ng dad mo." Sabi ni Erick nang lumapit ito kay Kaatie.

"Kukunin niyo po ba ko?" Tanong ni Katie at nag-uumpisa nang lumuha.

"Oo apo, sa amin ka na titira. Kasal parin sa papel ang magulang mo dahil hindi naayos ang pagwawalang bisa ng kasal nila kaya saamin ka pa din." Paliwanag ni Teresita.

"Ayoko naman hong makialam, pero asan ho ang ama ni Katie? Bakit hindi niyo ho siya kasama?" Tanong ni Irene.

"Uhm, Mrs. Araneta, wala na ho ang tatay ni Katie." Paliwanag ng abogado.

"Nauna siyang mamatay kay Mirabel." Sabi ni Tresita.

"Condolence po." Sabi ni Irene.

"Pwede po bang ditoo nalang ako kay papa?" Tanong ni Katie habang umiiyak.

"Hija, hindi kasi pwede. Sa lolo at lola mo ka talaga kailangan tumuloy eh. Alam yan ni Mr. Araneta dahil pupwede silang makulong kung hindi ka nila isasauli sa pamilya mo." Paliwanag muli ng abogado.

Send My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon