Chapter 5: Maybe

19.5K 878 250
                                    

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

CHAPTER 5: MAYBE

MIREIA'S POV

I attended a few musical festivals before. I haven't attended one here in the Philippines though. The Aseana open city grounds is massive. Bukod sa malaking stage na nasa pinakaunahan ng lugar na tanaw namin mula sa entrance. There's also a lot of booths set up on the side of the venue. Mayroon mga food stall, drink and beverages, arts and crafts, clothing and accessories, and merchandise booth.

"Wow my tattoo booth sila," nagniningning ang mga mata na sabi ni Lucienne.

"No."

Nakangusong nilingon ng babae ang asawa niya. Mukhang hindi ito ang unang beses na pinag-usapan nila ang bagay na ito base na rin sa reaksyon ni Thorn. "I know, I know. I should think of a design seriously because it will stay forever on my skin. Kaya hindi pwedeng iyong unang cute na design ng unicorn na makita ko ang piliin ko. Second, I should do it after I gave birth to avoid risks." Pinaikot niya ang mga mata niya at humalukipkip siya. "Hindi pa naman ako sure. Sasabihin ko lang sana na palagyan natin ng tattoo si Trace mamaya para makita natin kung iiyak siya."

The man he mentioned that was currently eyeing women that were passing by, turned his head to look at her. "Anong akala mo sa akin? Mahinang nilalang?"

"Oo." Lucienne pouted again when her husband pinned her with another look. "Sabi mo kanina maaga pa para paiyakin si Trace kahit na tanghali na no'n. Konti na lang lulubog na ang araw kaya pwede na."

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang tawa ko. Mukhang normal talaga sa kaniya na pagdiskitahan ang brother in law niya.

"Should we get a tattoo together, Kuya?" Inakbayan ni Coal na siyang nagsalita si Trace. My eyes dropped to his arm and I noticed that he has a sleeve tattoo. "Ano bang gusto mong ipalagay?"

"Pangalan niya siguro," singit ni Lucienne. "Tutal forever alone naman siya."

Sa pagkakataon na ito ay hindi ko na napigilan na mapabunghalit ng tawa. Binigyan ng masamang tingin ni Trace ang babae. "Huwag mo ngang hawaan ng kasutilan mo si Mireia."

Belaya scoffed at that and I gave her a look that she just ignored. "Don't worry, Trace. Hindi siya mahahawaan ni Lucienne. Katabi sa dictionary ng word na "sutil" ang pangalan ni Mireia."

Nang mapatingin sa akin ang mga kasama namin ay inosenteng ngumiti ako bago ko tinuro ang sarili ko. "Ako? Saan mo naman nakuha ang walang katotohanang balita na 'yan?" Nag-angat ako ng tingin kay Axel na tahimik lang sa tabi ko at hinila ko ang dulo ng manggas niya. "Axel mabait ako di ba?"

"Yes," he answered without missing a beat.

"Like an angel?"

He nodded. "Yes."

Dagger Series #4: UnadornedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon