Being on top is second nature for the renowned supermodel, Mireia Aguero. She literally needed to be on top to get where she is now. On top of a bed? Sports car? Billiard table? Kitchen counter? Mini bar? Name it.
Her world expanded in the same way...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries
CHAPTER 20: FIRST
MIREIA'S POV
Hindi ko magawang salubungin ang tingin ni Belaya habang magkaharap kaming nakaupo sa patio set ng bahay ni Axel na malapit sa malawak niyang infinity pool. Kasalukuyan siyang kumakain ng kagagawa lang na Buko Pandan Salad ni Naynay.
As I grew more uncomfortable second after second, my best friend's eyes started to narrow suspiciously. "Anong ginawa mo kay Axel?"
"Bakit parang ako agad ang may kasalanan? For your information, siya ang may ginawa sa akin."
Napasinghap siya dahilan para mag-angat ng tingin sa kaniya ang step-son niya na kanina lang ay halos isubsob na ang mukha sa bowl ng kinakain. Inabot ni Belaya ang table napkin ng bata at pinunasan niya ang bibig no'n. "You want some more, Arc? You can ask Ate Thena inside. Bibigyan ka no'n."
"Otay po."
Maingat ang pagkakahawak sa bowl niya na naglakad papasok ng bahay si Arctic. Makikita naman niya panigurado agad si Thena na kasalukuyang nanonood sa living room.
"Now what were you saying?" Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Anong ginawa niyo ni Axel?"
"Hindi mo talaga matanggap na kayang "gumawa" ni Axel mag-isa no? Kailangan ako o kami." I can't blame her though. "It was nothing."
"Anong nothing? Hindi mo nga ako matignan ng diretso kanina."
"Because you keep staring at me."
"I'm only staring because when Axel greeted me after Arctic and I arrived, he was all smiley and happy while you look like you rather be outside the planet than here." Tinaasan niya ako ng kilay. "So what happened?"
"Nothing like what you're thinking."
"Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?"
"Para namang hindi kita kilala Belaya Lawrence Dawson. Mukha ka lang mabait pero maharot ang utak mo." Itinuro ko ang sarili ko. "Mukha lang akong maharot pero mabait ako."
"Maniniwala ako kung hindi rin kita kilala."
"Axel said I'm an angel."
"Kahit tubuan ka ng sungay, anghel pa rin ang magiging tingin sa'yo ng isang iyon. He'll just think you're an angel with a new accessory."
I pressed my lips together because I know she's right. Kahit ano atang gawin ko sa akin pa rin kakampi si Axel. Kahit kapag nanood ako sa fashion channel at inookray ko ang mga model na hindi ko kasundo ay ngingitian niya lang ako at sumasang-ayon.
Pumalakpak si Belaya sa harapan ko para kunin ulit ang atensyon ko. "Sasabihin mo ba sa akin o kailangang pilitin pa kita?"