#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries
CHAPTER 9: BOYFRIEND
MIREIA'S POV
Nararamdaman ko ang ilang pares ng mga mata na sinusundan ang bawat galaw ko. Hindi ko iyon pinansin at sa halip ay nagpatuloy ako sa paghalo sa hawak ko na saucepan na mukhang hindi sanay na inaabuso dahil bagong-bago pa iyon.
"Umm... hindi naman sa nagrereklamo ako ano? Pero kasi may tatlo pa tayong bilao ng kakanin galing sa nanay mo. Hindi kaya magkaroon ng diabetes ang mga tao rito sa dami na nating dessert?"
"Shh. Masamang kinokontra ang blessings, Belaya."
Nilingon ko ang mga audience ko at nakita kong nakatayo sa pintuan ng kusina si Belaya. Sa loob naman ng malaking kusina at sa kabilang panig ng kinaroroonan ko na malaking center island ay naroon si Trace na siyang sumagot sa babae. Sa tabi niya ay naroon sina Lush at Axel.
The three looks like adorable little puppies. Nagniningning ang mga mata nila habang nakatingin sa mga pagkain na nagkalat sa paligid. Even Axel lost his Typhoon-Axel-Face because now he's just his usual adorable bunny self that wants to munch on every food in front of him.
"Kaya mo bang ubusin lahat 'yan?" tanong ni Lia na sumilip din mula sa pintuan.
"Kay Kuya Axel pa lang ang dami ng mababawas diyan," sagot ni Trace na akmang kukuha ng cookies. Hindi nga lang niya naituloy iyon nang malakas na hatawin ni Axel ang kamay niya. "Aray! Para isa lang eh."
"It's okay," I told them. "Eat whatever you want to eat."
Sandaling itinigil ko ang ginagawa ko at inalis ko sa apoy ang pan. Kumuha ako ng plato at nilagyan ko iyon ng cookies, dalawang cupcake, at humiwa na rin ako ng biko ni Naynay. Ibinaba ko iyon sa harapan ni Axel na nagliwanag ang mukha.
"Ako rin, Mireia!" excited na sabi ni Trace.
Nilingon siya ni Axel. "Kumuha ka ng sa'yo. Wala ka bang kamay? Bakit inuutusan mo si Mireia?"
"Kanina pinalo mo ko eh!"
I wanted to laugh at their banter but I'm too busy with my worried to do so. Kumuha na lang ako ng mga plato at inabot ko iyon kaila Trace. Nagkaniya-kaniya na rin sila ng kuha ng pagkain na akala mo ay buffet.
Pagkatapos kasi ng meeting sa Dagger ay pinilit ako ni Belaya na dito muna tumuloy sa bahay nila dahil gabi na rin para magmaneho ako pabalik. I didn't argue since ayoko pa rin na umuwi. Hindi ko alam kasi kung paano ko ipapaliwanag kay Naynay ang lahat na hindi siya mag-aalala.
After we ate the dinner that Lia brought, I excused myself when they retire to the living room to have coffee. Dahil alam kong malabo na makapagpahinga ako o mapirmi sa isang lugar dahil sa nararamdaman ko na tensyon ay ang kusina na lang nila Belaya ang pinagdiskitahan ko. Para sa taong walang kaalam-alam sa pagluluto ay nakakagulat na kumpleto ang ingredients sa bahay nila. Si Pierce siguro ang nagluluto.
BINABASA MO ANG
Dagger Series #4: Unadorned
AçãoBeing on top is second nature for the renowned supermodel, Mireia Aguero. She literally needed to be on top to get where she is now. On top of a bed? Sports car? Billiard table? Kitchen counter? Mini bar? Name it. Her world expanded in the same way...