Chapter 13: Kesel

17K 868 353
                                    

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

CHAPTER 13: KESEL

MIREIA'S POV

Kulang ang sabihin na namamangha ako sa bumungad na tanawin sa harapan ko. The view of the rich scenery of the foliage is impressive, but the house itself is breathtakingly beautiful. It's a modern ranch, settled perfectly near the edge of a hill surrounded by flowers that are just starting to bloom.

I'm envious. I want the house for myself. Parang handa akong ilabas lahat ng ipon ko para lang magawa kong mabili ang bahay na ngayon ay nasa harapan ko.

"Babalikan ko na lang ang mga gamit. Ano po bang gusto niyo, Nay? Maglalakad po ba kayo o gagamitin natin ang wheelchair mo?"

I blinked and I got zapped back to reality. Nilingon ko ang lalaking nasa tabi ko sa malaking van na minsan na rin na ginamit nilang magkakapatid sa pagsundo sa akin. Sa pagkakataon nga lang na ito ay hindi na lang ako ang sinundo nila kundi maging ang pamilya ko.

It's finally the day of our "vacation". O para sa nanay ko, ang araw kung saan ibabahay na ako ni Axel.

"Maglalakad na lang ako at ang tagal nating nakaupo. Kaya naman ako ni Marthena, anak."

During her good slash stubborn days, my mother would forgo using her wheelchair. Minsan naman ay kinakailangan talaga kapag hindi maayos ang pakiramdam niya.

"Hindi na po. Tulungan ko na po kayo," sabi ni Axel at lumabas na ng sasakyan.

He went out and rounded the van. I was expecting him to open the door at the back, but instead he went to mine first. Binuksan niya ang passenger door at siya na rin ang nag-alis ng seat belt ko. May maliit na ngiti sa mga labi na inalalayan niya akong makababa bago siya pumunta sa kinaroroonan nila Nanay. He slid the door open and helped my mother out.

"Kay ganda naman pala nitong bahay mo at ang laki pa," namamanghang sabi ni Naynay nang makalabas siya at makita ang kabuuan ng lugar.

"Kumpleto naman po ang gamit sa loob pero kung may kulang sabihan niyo lang po ako. Kalilipat ko lang ho rin kasi."

"Kalilipat mo lang?" Nagniningning ang mga matang napatingin sa akin si Naynay. "Mukhang pinaghahandaan mo na talaga ang pagpapamilya."

Napaubo ako at kaagad akong nag-iwas ng tingin. Sa paraan kasi ng pagsasalita ng ina ko ay parang ako ang ipinupunto niya.

Hinayaan ko ng mauna sila sa paglalakad ni Naynay. Nang makalagpas sila ay kami na ni Marthena ang nagbaba ng mga maleta. Hindi naman ganoong kadami iyon dahil ang ilang mga kakailanganin ni Naynay ay ipinapadala na namin kahapon pa.

"Si Tita botong-boto kay Kuya Axel ah," nakangising sabi ni Marthena. "Ako rin naman boto ako sa kaniya. Gwapo na, mukhang matalino, mayaman, tapos ang bait pa."

Dagger Series #4: UnadornedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon