Chapter 1: Axel Dawson

31.6K 1K 308
                                    

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

CHAPTER 1: AXEL DAWSON

MIREIA'S POV

"Sit here for a moment."

Ang wedding coordinator ng best friend ko na si Belaya ang humila sa akin mula sa malalim ko na iniisip. Pilit na inalis ko ang tingin ko sa isang lalaki na inaaya ng mga kapatid niya pero umiiling lang bilang pagtanggi.

I tried not to let that bother me, and instead I sat on the chair that they placed at the center of the venue, and I smiled at the men that were starting to gather nearby.

Ako ang nakasalo ng bouquet ni Belaya. Not that there's much competition dahil wala sa mga kasama kong babae kanina ang lumaban para saluhin 'yon. Para ngang nagkakaisa pa silang iwasan ang bulaklak para ako ang makasalo no'n.

Itinaas ko nang bahagya ang hawak ko na bulaklak at inikot ko iyon sa ere bago ako malakas na nagsalita, "Ram, don't disappoint me." Lumawak ang ngiti sa mga labi ko nang makita kong bumakas sa mukha ng kapatid ni Belaya ang ekspresyon na lagi kong nakikita sa kaniya kada bibiruin ko siya. Binalingan ko ang isa pa nilang kapatid na si Cross. He's the exact copy of his brother Ram. They're part of a triplet; Cross, Ram, and Belaya. "Pwede rin na ikaw since ikaw naman ang una kong naging crush sa inyong dalawa. Para rin may lifetime akong health benefits kapag kinasal tayo."

Gaya ng inaasahan ay kinunutan lang ako ng noo ni Cross. Hinila niya sa kwelyo si Ram at iniligay niya ang kapatid sa harapan niya na parang ginagamit niya bilang pananggalang. To my confusion, may inilabas si Ram na circular tray na dala ng mga catering staff kanina na hindi ko alam kung bakit meron siya.

Nagsalita ang host ng event at nakita kong naglakad palapit sa amin si Pierce; my best friend's husband. Napapailing na lang ang lalaki nang mapatingin siya sa asawa niya na pinanlalakihan siya ng mga mata habang may sinesenyas.

I know what she's planning and I know that it's not going to work. Ni hindi man lang nga gustong sumali ng taong alam ko na pinupuntirya niya.

I saw Pierce sighed before he turned his back on the crowd of men. Hindi man lang niya hinintay na magbilang ang host katulad nang ginawa kanina para sa aming mga babae at basta na lang tinapon ni Pierce ang hawak na garter.

I placed a ready smile on my lips and a teasing look when I saw the wedding garter went to Ram's direction, but it soon got replaced by surprise when Ram used the tray he's holding like a bat and he hit the garter as hard he could, sending it to fly away from him and into a different path.

Dagger Series #4: UnadornedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon