Being on top is second nature for the renowned supermodel, Mireia Aguero. She literally needed to be on top to get where she is now. On top of a bed? Sports car? Billiard table? Kitchen counter? Mini bar? Name it.
Her world expanded in the same way...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries
CHAPTER 25: OBVIOUS
MIREIA'S POV
R-E-Q-U-I-T-E
"Meron ba niyan?"
Inginuso ko si Steven na titig na titig sa tiles na inilapag ko sa board. Kinalabit siya ng uncle niya na si Earl at naiiling na kinuha niya ang dictionary na nasa tabi niya. Ayaw niya kasing ibigay iyon sa amin dahil kanina pa kami nagdadayaan ni Earl para makahanap ng gagamitin para sa nilalaro naming board game na Scrabble.
"Requite. To make return, to make retaliation, or avenge." Nag-thumbs up si Steven. "Pasok."
"Ang daya mukhang matatalo na naman tayo ni Mireia," sabi ni Earl.
"Hindi ako madaya. Malinis akong maglaro."
"Kanina nandadaya ka."
"Dahil marumi ang kalaban," palusot ko.
Tinawanan niya lang ako. Hindi naman kasi ito ang unang beses na nakalaro ko siya. Mas madalas nga lang na si Steven ang kasama ko.
Panganay na anak si Steven ni Santana Castañeda. Anak siya sa pagkadalaga ng babae at dalawang taon ang tanda niya kay Stephanie na anak naman ni Santana kay Cristobal Castañeda. Sila rin ang employer ni Naynay.
Matagal ng nagtatrabaho si Naynay kay Mrs. Castañeda at kahit nabuntis ang nanay ko ay hindi niya sinesante si Naynay nang malaman niya. Sinama pa nga niya si Naynay sa paglipat niya sa bahay ng asawa niya.
Kaya nga kahit hindi ko masasabing maganda ang pakikitungo sa amin ng ginang ay malaki ang utang na loob sa kaniya ni Naynay. Umiiwas na lang talaga ako dahil lagi akong nasusungitan ni Mrs. Castañeda at hindi rin naman ako gusto ni Stephanie.
Naglapag si Steven ng limang tiles at ikinabit iyon sa dulo ng akin. "Ito ang akin."
D-E-C-E-I-T
Napapalatak si Earl. "Ang lalalim naman ng sa inyo. Ito ang dahilan kung bakit ang hirap makipaglaro sa mga matatalino."
Nahihiyang napayuko si Steven. "Hindi naman ako matalino."
"Anong hindi? Ang tataas ng score mo sa exams niyo," sabi ko.
"1.25 lang ang pinakamataas ko na grades. Iyong iba 1.50 o 1.75 na."
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Iyong iba nga kapag may tres akala mo mga nanalo na sa lotto." Ipinatong ko ang kamay ko sa dictionary nang makita ko sa gilid ng mga mata ko na bahagyang umaangat iyon at nilingon ko si Earl. "Madaya."