Chapter 33: New Year

17.1K 827 191
                                    

DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

CHAPTER 33: NEW YEAR

MIREIA'S POV

"Aanhin ko ang hotdog mo kung sa hotdog pa lang ng Kuya mo busog na ako?"

Narinig ko ang pag-ubo ni Axel na para bang nabulunan siya habang si Trace na siyang kausap ko ay napasimangot. Dalawa na lang kasi ang natitira na hotdog at sila lang ni Axel ang nagwaging makuha ang mga iyon.

Umismid si Trace nang makita niyang kinain ko ang kalahati ng kay Axel. "Samantalang dati ang damot niyang si Kuya. Sabagay okay na rin. At least wala akong kahati-"

Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya nang mabawasan ang hawak niya dahil bigla na lang kumagat doon ang katabi niya na si Lucienne.

"Ang sarap, Lia," namumualan pa ang bibig na sabi ni Lucienne sa isa pang babae at hindi pinansin ang nakamamatay na tingin na ibinibigay sa kaniya ni Trace. "Pwede mo 'tong ibenta. Akala ko talaga tinamad ka ng magluto kaya bumili ka lang ng hotdog. Iyon pala gawa mo rin."

"Agree," sabi ni Marthena. "Pati pala ganito pwede ring maging sosyal."

Lia's currently imitating a baby koala with the way she's clinging to her husband. Pulang-pula na rin ang mukha niya. Kanina pa kasi kaming lahat nag-iinuman. Mabuti na nga lang at maraming pagkain kung hindi ay baka hindi na umabot ang handa para sa Media Noche mamaya dahil ginawa na naming pulutan ang mga 'yon.

Belaya brought drinks, but no one's planning to start early. Iyon nga lang ay nang magpasukan sila sa bahay habang may mga dalang pagkain ay hindi ko napigilan na hindi maging emosyonal.

You'll think that grieving will be more apparent on important days or occasions. I didn't burst out crying because this would be the first New Year that I wouldn't have my mother with me. It's because everyone being here reminded me of something as simple as having dinner with them. Iyong kapag pumupunta sila rito sa bahay at lahat kami sama-sama. Naynay would be waiting for them and the younger Dawsons will rush to her so that they could greet her and play mobile games with her.

Hindi naman araw-araw ay may importanteng okasyon. It's the simple things that hurt more. Things that you didn't know would mean so much until you lost them.

"Huwag mong igaya si Lia sa'yo Mrs. Nag-Order-Sa-Food-Panda," pang-aasar ni Trace.

Pinandilatan siya ng mga mata ni Lucienne na mocktail lang ang iniinom. IC is just a few months old, so she doesn't want to drink. "Gusto mong ipaluwa ko sa'yo lahat ng bulalo na kinain mo? Muntik mo na ngang mabuo ang isang baka sa loob ng tiyan mo."

"Huwag kayong mag-away," namumungay ang mga mata na sabi ni Lia na tinapik pa ang dibdib niya. "Ako lang 'to. Si Lia na mahal na mahal kayo."

Hindi ko mapigilang hindi mapatawa nang satisfied na tumango-tango pa siya bago yumakap ulit sa leeg ni Gun na napapabuntong-hininga na lang.

Dagger Series #4: UnadornedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon