#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries
Disclaimer: I'm using an old curriculum here kaya five years pa rin ang ECE sa chapter na ito. Thank you kay Ate Rachele, ang ate ng bayan, sa pagsagot sa questions ko. Wuvwuv!
CHAPTER 6: MAAAD
MIREIA'S POV
Years ago...
Pakiramdam ko anumang sandali ay makakatulog na lang ako bigla sa kinatatayuan ko. Dalawang oras lang ang tulog ko dahil bukod sa nag-review ako para sa tatlong subjects ko sa araw na ito ay kinailangan kong pumasok ng maaga para gawin ang term paper para sa prof ko na daig pa ang panahon na pabago-bago. Sa Friday pa dapat ang pasahan no'n eh Wednesday pa lang ngayon.
"Ang laki ng school natin pero wala silang budget para magkaroon ng maraming printer?"
"Kaya nga. Lahat tayo nagsisiksikan tuloy dito."
Nakapikit na tumango-tango ako sa narinig ko na usapan ng dalawang babae na nasa unahan ko. Mahigit isang oras na kasi kaming nakapila pero parang hindi pa rin natatapos ang mga nauna sa amin.
Wala namang problema na maraming pinapaprint ang mga estudyante. Kung tutuusin dalawa pa nga ang printer na ginagamit ng printing services na nandito mismo sa unibersidad. Ang kaso kulang sila sa strategy. Sana iyong isang printer para na lang sa mga mararaming pinapaprint katulad ng thesis tapos iyong isa para sa konti lang ang kailangan. Para hindi humahaba ang pila ng ganito.
"Uy si ano! Iyong crush natin!"
"Omg! Nasaan?!"
Hindi ako nagmulat ng mga mata para tignan kung sino ang pinag-uusapan nila. Wala akong panahon sa mga lalaki. Kung sa mga kailangan pa lang sa school nauubos na ang oras ko, saan ko pa isisingit ang mga ganoong bagay?
"Time management lang 'yan Mireia."
Napapabuntong-hininga na pilit na iminulat ko ang mga mata ko nang parang naririnig ko sa tapat ng tenga ko ang boses ng kaklase ko na walang inatupag kung hindi ang love life niya. Hindi naman mababa ang grades niya kaya totoo namang kinakaya ng "time management" niya. Pero hindi kasi pwedeng pasado lang ang grades ko dahil ang mahal ng tuition kapag nawalan ako ng scholarship.
Saka maisip ko pa lang ang mga nanliligaw sa akin nawawalan na ako ng gana. Maayos naman ang pinapakita nila na ugali sa akin pero nakikita ko rin kasi kung paano sila umakto sa ibang tao at maging sa pag-aaral nila.
Hindi naman sa naghahanap ako ng perpekto at matalinong tao. Ayoko lang talaga iyong mga hindi makita kung gaano sila kaswerte. Iyong papasok na lang sila at hindi na nila kailangan intindihin iyong pamasahe o pang-project nila.
Napatigil ako sa isipin nang makita kong gumalaw na ulit ang pila. Hindi naman marami ang pinaprint ng dalawang babae na sinusundan ko kaya ilang sandali lang ay ako na ang nasa unahan.
BINABASA MO ANG
Dagger Series #4: Unadorned
AcciónBeing on top is second nature for the renowned supermodel, Mireia Aguero. She literally needed to be on top to get where she is now. On top of a bed? Sports car? Billiard table? Kitchen counter? Mini bar? Name it. Her world expanded in the same way...