Chapter 34: Mrs. Dawson

17.7K 885 188
                                    

DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

CHAPTER 34: MRS. DAWSON

MIREIA'S POV

"I can't do this anymore, Mireia."

Napangisi ako nang makita kong matigilan ang manager ko na si Rie at napatingin sa akin. Maging ang hairstylist ko ay nahinto ang paggalaw ng mga kamay. Kahit sino naman kasing makakarinig sa sinabi ni Axel ay mababahala.

"Stop scaring people, Bun."

It's "Hun" whenever his protective slash alpha-domineering self is waking up, and "Bun" when he's being his adorable bunny self. The latter is more frequent though. Kahit naman kasi katulad ngayon na seryoso siya ay naaaliw pa rin ako sa kaniya.

Binalingan ko ang manager ko. "Chill. Hindi pa nga kami nag-iisang taon na mag-asawa. Hindi pa sawa sa akin 'yan."

Kahit anong sakit ng ulo ata ang ibigay ko kay Axel ay malabong hiwalayan niya ako. Kahit ata sabihan siya na hindi na siya makakakain kahit kailan ng luto ni Lia kapag hindi niya ako hiniwalayan ay hindi pa rin niya gagawin iyon. It's the confirmation that nothing can threaten our relationship because food is my one and only rival when it comes to his love.

The head stylist of the show approached us, and he unceremoniously reached for the sponge and dipped it in the blue glitters at the vanity in front of me. I'm already shimmering with the product, but it looks like it's still not enough. Idinampi niya iyon sa collarbone ko, pababa sa cleavage ko na litaw sa malalim na neckline ng suot ko na summer dress. He gave me a nod when he was satisfied, and then he left to check the other models.

I turned back to the screen of my phone when I heard a sound that could only be described as a growl. Axel's scowling face could be seen on the screen of my phone. "You're going to give yourself a migraine."

"Pupuntahan kita."

Kung makapagsalita siya ay para bang hindi ilang libong milya ang layo namin sa isa't isa. "It's the last day of the event. I'll be home soon."

"You've been gone too long."

"Two weeks lang."

His eyes narrowed. "That's a long time for me."

Napatawa ako hindi lang sa sinabi niya kung hindi maging sa reaksyon ni Rie na umakto pang nangangaligkig bago naglakad palayo. Hindi ko siya masisisi. Even Axel's siblings can't tolerate our "honeymoon stage".

"Next time, I'm coming with you."

Nagkataon kasi na ang dami nilang trabaho ngayon sa Dagger kaya hindi niya ako masamahan na pumunta rito sa New York. I had two international projects before and he went with me on the second one. Iyong una ay hindi rin siya nakasama pero tatlong araw lang naman akong nawala noon. It might not be the first time that I needed to travel for work since we got married, but it's the first time that I've been away for two weeks.

Dagger Series #4: UnadornedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon