DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries
CHAPTER 31: DREAM
MIREIA'S POV
Marahan ang ginagawang pagsuklay ng nanay ko sa buhok ko habang paminsan-minsan ay nagtatama ang mga mata namin mula sa salamin na nasa harapan ko. Kung ibang araw lang siguro ay baka nakatulog na ako sa ginagawa niya.
"Alam mo ba na noon nagpa-blonde ako?"
Napatingin ako kay Naynay sa repleksyon namin sa salamin. Base sa mga nakita kong larawan niya no'ng mga bata pa siya ay mukha namang babagay iyon sa kaniya. Hindi ko nga lang talaga ma-imagine na dumating din siya sa phase na ganoon.
"Nasubukan ko na rin na magpula. Kung nauso lang noong kabataan ko ang iba pang kulay katulad ng uso ngayon ay baka ginaya ko rin ang mga 'yon." Umabot siya ng bobby pin at sinimulan niyang ikabit iyon sa gitnang bahagi ng ulo ko. She gathered the hair of the upper part of my head and twisted it in the middle. "Mumurahin nga lang na mga pangkulay. Wala naman kasi kaming pera. Matigas lang talaga ang ulo ko kasi naiinggit ako sa mga kaibigan ko noon."
"Susubukan mo rin po kaya mag-rainbow kung trending noong panahon niyo?"
"Oo naman. Masyadong maikli ang buhay para hindi natin gawin ang mga bagay na magpapasaya sa atin. Kung wala namang nasasaktan bakit hindi? Kaya ka nga dumating sa buhay ko. Masyado akong nag-enjoy."
Nalukot ang ilong ko. "Nay!"
Mahinang sinundot niya ang tagiliran ko dahilan para mapatalon ako. "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." Napapailing na sinuklayan niya ako ulit. "Mahilig akong pumunta sa mga party noon. Kahit saan basta ayain ako ng mga kaibigan ko ay sumasama ako. Libre kasi ang pagkain tapos libre pa ang inom. Bukod do'n pag-uwi ko siguradong may ulam na kami kinabukasan kasi nag-uuwi ako ng shanghai."
"Ang specific, Nay, ha?" natatawang sabi ko. "So pumupunta ka lang po sa party kasi nanginginain ka? Talino rin."
"Saan ka pa ba magmamana?"
She didn't stop brushing my hair even though she didn't need to anymore. Halos dumadampi na lang iyon sa buhok ko. It was like a flutter. I know that she has already exhausted her strength by fixing my hair for me. Something that she had done countless times before when I was a child.
"Nakilala ko ang tatay mo sa isa sa mga party na napuntahan ko. Dayo lang sila at kakilala lang din no'ng may okasyon."
"Kilala mo naman po iyong may event?"
"Hindi rin." Parehas kaming napatawa sa naging sagot niya. Hers sounded strained like she was in pain. But she didn't stop smiling. "Kakilala ng kaibigan ko tapos sinama lang ako. Ayun, naparami ang inom at medyo lumakas ang loob. Nakilala ko ang tatay mo na nagbigay ng interes. Kaya lang ang hirap kausapin eh."
"Bakit po?"
"Parehas kaming hindi magaling magsalita ng English. Hindi rin naman ako marunong mag-Espanyol."
BINABASA MO ANG
Dagger Series #4: Unadorned
AçãoBeing on top is second nature for the renowned supermodel, Mireia Aguero. She literally needed to be on top to get where she is now. On top of a bed? Sports car? Billiard table? Kitchen counter? Mini bar? Name it. Her world expanded in the same way...