Chapter 11: Devour

16.4K 806 214
                                    

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

CHAPTER 11: DEVOUR

MIREIA'S POV

Napapabuntong-hininga na ibinaba ko ang cellphone ko at nilingon ko ang taong katabi ko sa rattan outdoor wicker daybed na kinauupuan ko. Hindi ko na kasi maipagpatuloy ang pagbabasa ng digital book na kabibili ko lang dahil para bang may lindol na umuuga ang paligid ko.

"You're going to give yourself a hemorrhage, Axel." At ako naman malapit ng maduling. "Kalma ka lang. Huwag kang mag-alala, po-protektahan kita."

Sa kabila ng suot ko na itim na itim na sunglasses alam kong ramdam ng mga kababaihan di kalayuan sa amin ang tingin na ipinukol ko sa kanila. Kanina pa kasi sila tingin nang tingin sa direksyon namin. Specifically kay Axel. Nakita na nilang kasama ko hindi pa lubayan ng tingin? Eh kung dukutin ko kaya ang mga mata nila?

"That's not what I'm worried about."

"What do you mean?" I asked.

Pinagkrus ko ang mga binti ko dahilan para bumaba ang suot ko na kulay asul na beach kimono. Bago ko pa maiangat iyon para takpan muli ang sarili ko ay mabilis nang naiangat iyon ni Axel. His actions feels automatically natural as if he's connected to my movements.

He inclined his head towards the direction of the crowd near us. "Kailangan ba talaga na ganitong karami ang mga tao?"

"You mean the crew? Well, kind of? Kaunti pa nga sila. Apat lang naman kami na kukuhanan ngayon."

"Normal ba na ang daming lalaki na kasama sa mga shoot niyo?"

"Yes?" Naging patanong ang kinalabasan ng sinabi ko. Hindi ko kasi maintindihan kung saan patungo ang usapan namin. "I've worked with a lot of them kaya komportable ako. Isa pa it's a good thing that they went here for the summer edition of the magazine. Sa history ng Sports Illustrated magazine isang beses pa lang silang nag sho-shoot dito sa Pilipinas. That's why it's an honor to be part of this project."

"Are you nervous?"

"Nope. This is normal for me. Mas kakabahan pa ako kung papapasukin mo ako sa opisina. This is my normal environment so I already prepared myself to be in perfect condition today."

"Prepared?"

"Yeah. I'm waxed, moisturized, and I'm well-rested."

Kung hindi lang naagaw ng phone ko na nag-vibrate ang atensyon ko ay nakita ko sana kung paanong parang naging statwa si Axel sa kinauupuan niya. Binuksan ko ang phone at dumiretso ako sa messenger nang makita kong may notification mula kay Belaya. Bahagyang tumaas ang kilay ko nang makita ko na inadd niya ako sa isang group chat. Luna, The Beauties, and the 7 Beasts.

Muling nag-vibrate ang phone nang pumasok ang mensahe galing sa isa sa mga kapatid ni Axel na si Trace.

TRACE: Lia anong ulam mamayang dinner?

Dagger Series #4: UnadornedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon