Chapter 16: Angel

20.6K 903 160
                                        

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

CHAPTER 16: ANGEL

MIREIA'S POV

Gusto ko ng lumipat ng pwesto kanina pa. Kaya lang may isang parte sa akin ang hindi magawang makaalis sa kinaroroonan ko kahit pa alam kong mali ang ginagawa ko. Kasi umaariba ang pagiging tsismosa at pakielamera ko.

I adjusted the wide brim hat I'm wearing and I directed my eyes at the panoramic view of Club Punta Fuego.

Dapat ay kanina pa ako lulublob sa tubig katulad ni Marthena at Naynay na nasa dulo ng infinity pool kasama si Orson kung saan tanaw ang malawak na beach front ng lugar. Kanina rin ay nanggaling na sila para i-check ang beach. Ang dami na nilang nagawa, ako nandito pa rin at nakikitsismis.

"Sinabi ko naman kasi sa'yo na tigilan mo na ang taong 'yon. Ang dami ko ng naipayo sa'yo pero isang sorry lang ng lalaking iyon nalilimutan mo na naman ang mga kasalanan niya noon."

"Hindi kasi ganoon kadali 'yon, Eljenne. Anong magagawa ko kung mahal ko?"

"Ano kamong magagawa mo kung ang tanga mo?"

Lumakas na naman ang iyak ng babaeng kanina ko pa naririnig ang problema sa love life. Iyong boyfriend niya kasi ay nahuli niyang may ka-chat na ibang mga babae. Mga. Plural.

Ang hirap ng ganito. Red flag na ang nasa tapat mo ang kaso color blind ang puso mo. O kaya naman red na nga ang kulay ng traffic light pero green ang tingin mo kaya nag-go ka pa rin. Ang ending masasaktan ka kasi maaksidente ka.

"Nag-message daw sa kaniya kaya ayaw niya namang maging bastos kaya sinagot niya."

"Ginawa niya na 'yan noon hindi ba? Makikipagkita pa nga siya ro'n sa babae sana."

"Hindi naman natuloy," himihikbing sabi ng babae.

"Kasi nga nahuli mo. Pangatlo niya na 'to." Umiling ang isa pang babae na kanina pa ni-re-real talk ang kaibigan niya. "Tigilan mo nga ang kakaiyak mo, Jean Mary. Malapit na kitang tuktukan."

"Hindi mo kasi naiintindihan. Hindi naman kasi madaling mag-move on. Saka ano lang ba ako? Ang gwapo niya, mayaman, maganda ang trabaho—"

Napapailing na napapalatak ako. "At gago."

Nasamid ang lalaking kanina ay tahimik lang sa tabi ko habang abala sa hawak niya na tablet device. Nanlaki ang mga mata ko, at napalingon ako sa dalawang babae na tatlong lounger lang ang layo sa amin, nang mapagtanto ko na bigla silang tumahimik. Hindi ko na nagawang ikubli ang mukha ko dahil maging ako ay nagulat na napalakas pala ang pagsasalita ko.

Tinuro ako ng babae na namamaga na ang mga mata. "S-Si... si Mireia Aguero ka." Nagbaba ang mga mata niya sa kabuuan ko. I'm wearing a yellow two piece string bikini. Nanginig ang mga labi niya at napayuko siya na para bang aakalain mo na tinalukuran na siya ng buong mundo. "Kaya ako hinahanapan ng kapalit kasi hindi ako katulad mo!"

Dagger Series #4: UnadornedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon