Chapter 7: Uncanny

20.2K 922 181
                                        

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

A/N: Salamat po sa best fwend ko at sa jowa niya na kada isasama ako sa gala nila ay nakakapulot ako ng kalokohan XD

CHAPTER 7: UNCANNY

AXEL'S POV

Napapabuntong-hininga na nagbaba ako ng tingin kay Mireia na nakasiksik sa akin habang nakapikit. She's not asleep yet but I'll bet all the fortune that I have that she's on her way to passing out. Tanging si Luna lang ata ang nananatiling gising na gising pa rin sa kabila ng dami niya ring ininom. Lucienne, of course, didn't drink but since her pregnancy hormones kicked in, she was the one that fell asleep first.

"Make it stop," Mireia groaned.

"What is it?"

"Iyong lindol," she whimpered. "I'm dying."

I sighed again. Ilang beses ko siyang pinigilan na uminom pa pero hindi talaga siya nagpaawat. Idadagdag pa na walang ginawa si Luna kundi bumili ng alak. I threw my sister a look who just widened her eyes innocently.

"Wala akong kasalanan ha? Tagabili lang ako. Sisihin mo si Kuya Trace at Kuya Domino na hinamon si Mireia kung sino ang unang susuko sa kanila."

Tumingin ako sa likod. Nakaupo sa gitna si Coal na nakahalukipkip habang nakapikit. Nakaunan sa balikat niya si Domino habang si Trace naman ay halos humiga na sa kandungan nilang dalawa. Si Belaya at Lucienne naman ay magkayakap pa na natutulog sa likod ng inuupuan namin ni Mireia. Sa harapan na kasi umupo si Kuya Pierce dahil siya lang ang hindi nakainom maliban sa akin at kay Kuya Thorn. Sa likod nila Belaya at kahilera ni Luna ay sina Lia at Kuya Gun na sa amin na sumabay dahil hiniram ng isa sa kasamahan ni Lia ang sasakyan nila na dumating pala ang pamilya sa concert.

Muli akong napatingin kay Mireia nang maramdaman ko na bumigat ang ulo niya. I quickly wrapped my arm around her shoulders when she nearly slid down. A small sound, almost like a mewl, escaped through her parted lips when she moved to get closer to me. I froze instantly when I felt her bury her face on my neck.

"You look cute together." Nang hindi ako umimik ay muling nagsalita si Luna, "Niligawan mo ba siya noong college kayo?"

"No."

"Why not?"

"She was too young. I don't want to be a creep to a seventeen year old. I was twenty-one that time."

"Four years lang. Kami nga ng Kuya mo eight years."

Napalingon ako sa kinauupuan ni Lush at nakita kong naghihikab na kinusot niya ang mga mata niya. Maging si Belaya ay gising na.

"I thought you were sleeping."

Itinaas niya ang kamay niya at nag-thumbs up. "Basta sa tsismis nagigising ako. It's the principle of the maritesism studies. Sa inyo na nga lang ako nakakasagap ng tsismis. Wala naman akong friends masyado."

Dagger Series #4: UnadornedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon