Being on top is second nature for the renowned supermodel, Mireia Aguero. She literally needed to be on top to get where she is now. On top of a bed? Sports car? Billiard table? Kitchen counter? Mini bar? Name it.
Her world expanded in the same way...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries
CHAPTER 19: INVADE
MIREIA'S POV
"You got a crush on me. You're gonna fall for me!"
Marthena and I brushed our backs to each other while moving our heads and hips side to side to the beat of Twice's song, Scientist. May hawak siyang walis at may hawak naman ako na feather duster.
"Sana lang piso ang indomie!"
Salubong ang kilay na nilingon ako ng pinsan ko. "Anong sinasabi mo ate? Sarang apeseo ironi iyon. Hindi sana lang piso ang indomie."
"Aba ewan ko. Iyon ang dinig ko eh."
Kanina pa kasi kami nakikinig ng mga kanta sa playlist sa Spotify na shinare sa akin ni Lucienne. Pampa-good vibes niya raw kapag nagsusulat siya bago niya maisipan na gawing gore o tragic ang mga librong inspired sa kuwentong pag-ibig ng mga kapatid ng asawa niya.
Nagpatuloy kami sa pagsayaw at paglilinis. Isa kasi ito sa bagay na hindi nawala sa amin kahit ngayong may kakayahan na kami para kumuha ng kasama sa bahay.Cleaning is one of my stress relievers so I don't mind.
"What's going on here?"
Napatigil ako sa bigay todo ko na pagkembot at napalingon ako sa pintuan kung saan ngayon ay nakatayo na si Axel. His eyes are trained on me. More exactly on what I'm wearing; a denim short and his shirt that I borrowed before when we went to Batangas. Itinali ko pa iyon dahil maluwag talaga sa akin kaya ngayon ay mukha na iyong crop top.
"I'm cleaning," nakangiting sabi ko.
"Why?"
"It's Saturday." Nang kumurap lang siya ay nagpatuloy ako, "It's cleaning and laundry day. Anong ginagawa mo kapag Sabado?"
"Making sure that there's food for Arah before I go to work."
Pakiramdam ko ay naglaho lahat ng good vibes na na-absorb ko ngayong araw sa sinabi ni Axel. Sinong Arah? Iyon ba iyong special someone na sinasabi niya noon?
How could I forget about that? I never thought it would be possible specially when it comes to Axel, but I found myself getting angry. At him. "Alam ba niya ang tungkol sa akin?"
"Hindi pa. Hindi ko pa siya natatawagan. Ang alam niya lang lumipat na ako rito sa bahay pero hindi pa namin napag-uusapan ang magiging bagong set up namin."
"Set up?"
"Kung anong oras siya pupunta rito."
"Pupunta?"
"Oo. Dito sa bahay." Kumunot ang noo niya. "Are you okay?"
"Am I okay?" I parroted.
Naguguluhang tumingin si Axel sa direksyon ni Marthena. Napapatikhim na binitawan ng pinsan ko ang hawak na walis at mabilis na tumalilis ng alis. Sigurado akong ayaw niya lang madamay. She knows that when I start throwing questions by repeating the last words from the sentence of the person I'm talking to, it's one of the signs that I'm about to explode.