Chapter 10: Fool

23.1K 973 278
                                        

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

CHAPTER 10: FOOL

MIREIA'S POV

Nakatulala lang ako habang pinapanood ang dalawang tao na kung umakto ay para bang ilang taon na silang magkakakilala. Pakiramdam ko ay nag-a-astral projection ako habang nakatingin lang sa nangyayari sa paligid ko.

It's the fourth day. The first day was when Axel dropped a bomb in front of my family, and then when they left us alone, he installed security cameras all over the house under the guise of me giving him a tour. That night as well, Belaya came over with her husband. Siniguro nila na gagabihin sila hanggang sa mag-offer si Naynay na kinabukasan na sila umuwi. At hindi sila tumanggi. The next day sina Lucienne at Thorn naman ang bumisita sa bahay na akala mo ay ang tagal na naming magkakakilala. They also stayed for the night. On the third day, our guests were Gun and Lia. Katulad ng mga nauna sa kanila ay nakitulog din sila sa amin na hindi ko maiwasang isipin kung mula sa pagiging Aguero's residence ay naging Casa Aguero na ang bahay namin.

Now, Axel's here, and it's also late at night. Ang pagkakaiba lang niya sa iba ko pang naging bisita ay may dala siya na sarili niyang gamit na para bang dito na maninirahan.

"Pwede naman ho ako sa sofa. Nag-abala pa po kayo, Tita."

"Nako at bakit ka naman matutulog sa sofa kung ang daming kwarto rito? Mahihirapan ka pa at ang liit lang ng sofa para sa'yo." Nakangiting tinapik-tapik ng ina ko ang braso ng binata. "At huwag mo na akong tawaging Tita. Nanay na lang, tutal ay hindi magtatagal magiging parte ka na ng pamilya namin."

Inangat ko ang kamay ko at hinilot ko ang sentido ko. I haven't really experienced a terrible migraine not even when I'm hangover. Pero sa mga oras na ito ay pakiramdam ko sa unang pagkakataon ay mararanasan ko na iyon.

"Bukas nga pala anak aalis kami ni Thena. Sasamahan ako sa ospital."

My astral projection ended and I blinked up at my mother. "Wala pa rin si O? Kamusta na po ang tatay niya?"

"Okay naman daw pero hindi pa rin niya maiwan sa ngayon. Pauwi na raw ang kapatid niya mula sa Ormoc kaya makakabalik na siya rito. Hingi nga nang hingi ng pasensya at maiintindihan niya raw kung papalitan natin siya."

Her private nurse, Orson, has been with us for years. Hindi na siya iba para sa amin. "Kukutusan ko kamo siya kapag bumalik siya."

Natawa lang si Naynay at pagkatapos ay saglit na napatingin sa binatang nakaupo sa tabi ko. "Naibalita ko na rin sa kaniya na sa susunod ay hindi na siya mahihirapan bisitahin ang tatay niya at nasa Cavite na rin tayo dahil magbabakasyon tayo kaila Axel."

Iyon ang sinabi ko kay Naynay na dahilan. Magbabakasyon lang kami. Iginiit ko na uso na ngayon ang long engagement at hindi pa kami nagmamadali. Iyon nga lang ay wala kay Naynay o Marthena ang naniniwala sa akin dahil feeling nila ay mag li-live in na talaga kami ng binata at kalaunan ay ikakasal na rin.

Dagger Series #4: UnadornedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon