SLEEP OVER
WayZ POV:
Mommy simulan mo ng magluto! Bulyaw sakin ni Seb
Punyetang batang demonyo na ito! Madaling madali!
Nandito na kasi kami sa classroom namin Nagcecellphone pa kasi ako. Ayoko pang magluto ang aga aga pa naman. Ang ibang mga demonyo naman ay kinakabit na ang Tv. Yung iba tamang upo lang. Yung iba inaayos ang mga napamili.
Jusko Seb madaling madali!? Bulyaw ko din dito!
Naiirita ako sa kanya!
Akala mo ba konti lang ang lulutuin mo Mommy! Sigaw nya pa sakin
Aware naman akong marami akong lulutuin dahil ginawa nilang fiesta! Mga abnoy!
Tahimik seb! Wag mo na nga muna akong kausapin! Sigaw ko dito
Daddy! Dad!! Nag aaway yung Mag nanay!! Biglang sigaw ni Cloud
Kaya sinamaan ko ito ng tingin. Nakita ko namang lumingon sakin ang hari nila Kasama si Rein.
Stop arguing! Sigaw ng hari
Yan ano kayo ngayon? Mag away pa kayong mag ina! Sigaw naman ni Yel
Mga punyeta talaga!
Nginitian ko ng pilit si Yel at tumayo na! Makapag luto na nga hayop!
Magluluto ka din pala mommy eh! Sigaw pa ni Seb
Shut up seb! Wag mo ng pagtripan ang mommy mo! Sigaw ulit ng hari
Kaya tinawanan ko ito nakita ko kasing napanguso sya! Kawawang bata
Buti nga! Blehhh! Sabi ko dito
Narinig naman ng mga demonyo ang sinabi ko kaya nagsitawanan sila!
Daddy oh! Si mommy! Sigaw pa ulit ni seb
Pero dinilaan ko lang ito at pumasok na sa kitchen. Narinig ko pa ang tawanan nila. Narinig ko din ang Pag dadabog ni seb. Kagigil sya ha! Buti nga sa kanya! Napag sabihan ng Hari nila!
Sinimulan ko ng tignan ang mga gulay At pinagtatanggal ang Plastic ng mga ito dahil huhugasan ko na muna and then babalatan na Nag pakulo na muna ako ng tubig para sa Baboy. Syempre huhugasan muna ang baboy may manok pa nga eh! Kinalkal ko pa ang iba. Nakita ko ang mga rekado kaya nag simula na din akong maghiwa.
Natapos ang pagluluto ko ng Apat na sangkap, syempre nandon ang kanin hindi mawawala yun. Timawa yung mga demonyo eh!
Lumabas na ako dahil naayos naman na ang mga Pagkain tinakpan ko na muna yun maaga pa naman para kumain sila. At saka busog yun sila sa chips.
Tapos ka ng magluto? Tanong sakin ni Rein
Tinanguan ko lang ito. Ang tagalnkong magluto syempre ako lang mag isa! Hindi man lang ako tinulungan ng mga punyeta!
Buti naman sabi ni seb
Tinarayan ko lang ito! Galit ako sa kanya kagigil sya eh!
Lalabas na muna ako! Pagpapaalam ko sa kanila
Saan ka pupunta!? Tanong nilang lahat sakin
Halos magkakasabay sabay pa ha? Mga Demonyo nga naman!
Mag lalakad lakad lang ako sabi ko sa kanila
Nag si tanguan naman sila At ako nagsimula ng Lumabas Gusto kong puntahan sila Mil para doon sila mag sleep over sa room namin.
BINABASA MO ANG
Our Muse
Teen FictionThis story is full of love for classmates and defense And besides, she's the only one in their classroom. Her new classmates think of her as a modest woman, but this woman will also defend them against oppression. or even down in their section. OUR...