CHAPTER 76

436 15 3
                                    

SALO - SALO


WayZ POV:

Hay! Salamat! Uwian nanaman! Wala namang nangyare kung hindi bantayan nila ako ng bantayan. At lalong wala kaming natutunan dahil ang mga teachers as usual, Hindi kami tinuturuan diba ang galing?

Tara na umuwi - Biglang salita ni Endrix

Wag nilang sabihin pati sa bahay babantayan din nila ako? Oh my god! Bakit ko ba nalimutan? Eh kahit sabado linggo nandon sila. Jusko!

Agad namang kumilos si dewei para kuhanin ang bag ko sa likod ko at si Waylen naman ay inalalayan na akong tumayo sa kina uupuan ko.

Taray ng dating ko huh!? Ang gwagwapo ng mga alalay ko! Osya mainggit kayo chararet! Anyway, Nandito na kami sa Van na sinasakyan nila kapag magkakasama sila.

As usual maingay pa rin. Kelan ba sila tumahimik? Hay ewan!

Mommy, Mag stay kami doon sa bahay nyo ah? - Patanong na sabi sakin ni seb

Tinaasan ko lang ito ng kilay, Dahil hindi sila kasya doon kulang pa ang Guests room namin sa dami nilang yan. Jusmiyo naman!

Ano kayo mga baliw? Gagawin nyong sardinas yung mga sarili nyo? - Sarcastic na tanong ko sa kanila

What? Hindi naman sa ganon gusto ka lang namin bantayan - sagot ni Mil

Bantayan? Masyado na kayong OA! - Bulyaw ko sa kanila

Agad naman silang nanahimik at nakatingin lang sa akin, ang hari naman nila walang expression ang face na nakatingin lang sa akin

Kaya tinaasan ko ito ng kilay at nagtatanong na mukha. Hindi ito umiwas ng tingin sa akin sa halip ang ginawa ng hari ng demonyo ay ngumuso sya sakin na nagpapakitang gusto nya akong halikan

Pinanlakihan ko lang ito ng mata at nag iwas na. Tahimik lang sila. Marahil nakaramdam sila na masyado na silang Oa sa ginagawa nila. Hindi ko nalang pinansin hanggang sa makarating na kami sa aming bahay.

Tahimik lang silang naglalakad kasabay ako habang papasok sa bahay namin. Nakasalubong ko doon ang mayordoma namin at si yaya milda ang yaya ni Yazeyn.

Hindi ko nakita si Yazeyn marahil tulog na ito. Pinatuloy ko na muna ang mga demonyo para makapag pahinga din sila. Jusko parang may party sa dami nila. Nag tungo muna ako sa kusina para kumuha sana ng maiinom ng mga demonyo.

Nagulat ako pag kapasok dahil nakita ko doon si kuya Matthew at ang mga business partner nito. Sa halip na tumunganga agad akong lumapit kay kuya Matthew at nag beso.

Honey, WayZ, Meet my Friends - pagpapakilala ni kuya Matthew sa mga kasama nya

Kumakain ang mga ito. Ngumiti lang ako dito at tumango tango.

Kuya, nasa sala ang mga friends ko - Pabulong na sabi ko kay kuya Matthew

Ganun ba? Papasukin mo dito at sumalo sa amin maging ikaw - sabi ni kuya Matthew

Kaya agad akong nagtungo sa sala para tawagin ang mga demonyo. Agad namang tumayo si Sebastian jusmiyooo! Pagdating talaga sa pagkain gora sila!

Nauna pa nga sa akin itong sila Zieg, Jusko! Nakasunod naman sa akin ang iba. Nakarating na kami sa Kitchen and now nakaupo na din. Nagpakilala muna silang lahat sa mga kaibigan ni kuya Matthew.

Kukuha palang ako ng kakainin ko ng biglang magsalita ang isa sa mga kaibigan ni kuya Matthew

Ang ganda ng sister mo Matthew may boyfriend na ba yan? - Sabi ng kaibigan ni kuya Matthew

Our MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon