CHAPTER 63

408 7 0
                                    

BORED

WayZ POV:

Nakakabored ngayong araw. Nandito na kase ako sa bahay. Hinatid pa nga ako ng mga demonyo pauwi. Jusko ang dami nila. Pinagtitinginan kami ng mga taong makakakita samin.

Anong oras na pero hindi pa din ako makatulog jusko naman kainis! Nawala ang pagiisip ko ng biglang bumukas ang pintuan ko dito sa kwarto.

Mommy, Pwedeng dito po ako matulog? Narinig kong boses ng aking anak

Nakakawala ng pagod at bored ang mukhang anghel kong anak.

Ngumiti ako sa kanya at umupo sa pagkakadapa ko. Agad naman syang lumapit sakin at hinalikan ako sa pisnge.

Mommy, Sorry baka naistorbo po kita ha? Tanong ulit sakin ni Yazeyn

No, Baby alam mo naman wala ng ginagawa si mommy right? Balik tanong ko sa kanya at pagsabi na rin

Yes mommy! Magalak na sabi nya sakin habang may ngiti sa labi

Nginitian ko nalang din sya sabay hawak sa pisnge nyang matambok kasabay nun giniya ko na syang humiga at humiga na din ako

Hindi kami gaano katagal nakahiga nagsalita ulit si Yazeyn.

Umupo ako at ganon din si Yazeyn.

Mommy, malapit na po birthday ko

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya jusko oo nga pala! Nalimutan ko na aish!!

Oo nga pala Yazeyn, Ano bang gusto mong gawin sa birthday mo? Tanong ko sa kanya

Gusto ko mommy mag beach tayo doon nalang po tayo mag handa please mommy!??? Pagsusumamo nya habang naka pray pa ang kanyang kamay

Napangiti ako sa kanya.

Of course Yazeyn, kung ganyan ang gusto mo gagawin natin wala ka namang pasok nun hindi ba? Sabi ko

Yehey!!  Sigaw nya But Meron po akong pasok mommy...

No worries Yazeyn akong bahala, ipagpapaalam kita don sa teacher mo sabi ko pa

Agad na lumawak ang ngiti nya sabay yakap nya sakin. Kasabay din nun ang kiss sa pisnge

Naku, ang Lambing ng baby ko sige na tayo ng matulog sabi ko pa

Yes mommy, I love you mommy and good night po sabi nya

Good night Yazeyn and I love you so much sabi ko sabay halik sa noo nya

At himiga na din ako.


Umaga na ng magising ako. Wala na sa tabi ko si Yazeyn marahil bumaba na. Ang aga talaga magising ng batang iyon.

Bumangon na ako at hinanap na ang uniform ko. Nang makita ko na dumeretso na ako sa banyo. Pakanta kanta lang ako habang naliligo.

Ilang minuto din ang lumipas natapos na akong maligo. Hindi lang pala minutes ilang oras maybe. Basta ganon.

Nagbihis na ako at Bumaba na. Medyo nagugutom na ako.

Good morning honey... Bati sakin ni kuya Matthew

Ngumiti ako dito at bumati din. At doon nakita ko si Yazeyn na masayang kumakain kasama sila auntie and uncle at syempre kasama yung anak nilang makitid ang utak.

Ija kain na sabi sakin ni Auntie

Kaya pumunta ako sa gawi nya at pinaghila naman ako ng upuan ng maid namin.

Our MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon