SLEEP OVER 0.2
WayZ POV:
Nakadukduk ako sa Lamesa ng upuan ko ng may narinig akong nagsisigawan sa labas! Ang ingay!!
Kaya nag angat ako ng Ulo at wala ang mga demonyo! Nasan nanaman kaya ang mga ito? Palagi nalang nila akong iniiwan mag isa!
Lumabas ako para Tignan ang mga Nag sisigawan sa labas. At Oh god!! Sila Mil! Nandito na kausap ang hari at ang mga demonyo! Jusmee!
Paano na ito? Hindi ko pa pala nasabi sa hari nila Na inimbitahan ko sila mil! Kainis! Nandito ako nagtatago ako!
Ayokong makita Nila muna makikinig lang muna ako ng pinaguusapan nila! Jusko!! Ano ba itong pinasok ko! Argh!!
Si WayZ na mismo ang nag imbita samin! Narinig kong sabi Ni Kaz
Walang approval ko! Narinig ko ding sabi ng hari
Jusko!
Kaya agad akong lumabas sa pinagtataguan ko at agad na pumagitna sa kanila para Maayos na ito! Jusme!
Ah Totoo yung sinabi ni Kaz Paninimula ko
Nagulat pa sila pero pumapaibabaw ang galit nila sa mata!
Ay wag na kayong magalit! Parang hindi naman kayo mag kakaibigan dati! Pag bigyan nyo na ako! Please? Sabi ko sa kanila
Nakatingin lang sila sakin ng seryoso. Ano ba kasi itong ginawa kong katangahan!
Nilapitan ko ang hari kailangan kong Lambingin ang hari. Para maayos na ito ayoko naman pabalikin sila Mil dahil nandito na sila may mga dala pang Paper bag
Mga pagkain siguro nila ang dala nila. Jusko!! Sana gumana! Please!! Lord! Guide me!!
Pagkalapit ko sa hari humawak ako sa Braso nito. Hindi na ito na gulat dahil palagi ko namang ginagawa sa kanya yun.
Please pumayag ka na? Sabi ko pa dito. Pero hindi ito umiimik
Please? My HUSBAND? Sabi ko pa
Diniinan ko talaga ang salitang Husband para dama nya! Nakita kong nanlaki ang mata nila Mil dahil bumaling ang tingin ko sa kanila.
Pero hindi ko ito pinansin dahil kailangan kong gawin ito para pumayag itong hari ng mga demonyo!
Hindi pa din talaga sya nagsasalita kaya humarap ako sa kanya at lalong lumapit At hinalikan sya sa labi
Nagulat pa sya sa ginawa ko. At alam ko din pati ang mga demonyo kahit hindi ko man sila nakikita.
Pagkabitaw ko sa Hari nagsalita ulit ako
Please? Sabi ko ulit
Nag papa cute pa ako para lang pumayag sya! Ayokong magalit ngayon dahil baka hindi pumayag ang gago! Jusmee!!!
Naramdaman kong hinawakan nya ako sa bewang at ngumiti sakin.
Yan ba talaga ang gusto mo? Tanong sakin ng hari
Sunod sunod naman ang tango ko sa kanya
Fine... But kiss me again! Sabi pa ng gagong hari!
Kaya ang ginawa ko hinalikan sya ulit! Sanay na me! Dahil halos naman sila hinahalikan ko
Okay na po? Sarcastic na tanong ko sa kanya pagkatapos ko syang halikan
Tumango naman ito. Pero hindi pa din inaalis ang kamay sa bewang ko. Bumaling naman na ako Kala Mil at nginitian sila
Pasok na kayo sabi ko ng masaya dito nginitian lang nila ako
BINABASA MO ANG
Our Muse
Teen FictionThis story is full of love for classmates and defense And besides, she's the only one in their classroom. Her new classmates think of her as a modest woman, but this woman will also defend them against oppression. or even down in their section. OUR...