CHAPTER 69

413 12 9
                                    

UNEXPECTED PLAN


WayZ POV:

Hay salamat, Medyo maayos na ako. Muntikan na akong mamatay doon huh! Anyway, hanggang ngayon hindi ko pa nakakausap si Charles.

Nung umuwi ako kagabi sa bahay hinatid pa ako ng mga demonyo. Pero wala si Charles sa bahay. Marahil nandoon pa sa girlfriend nyang mukhang paa.

Buti nalang hindi sinabi ng mga demonyo kay kuya Matthew ang nangyare kahapon. Kung hindi malilintikan pa ako.

Maging si Charles Malilintikan din. Pero akong bahala kay Charles. Lalo na sa girlfriend nya. Hindi ako papayag na ganon ganon lang!

Muntikan na akong mamatay doon huh!

Nandito ako sa corridor namin ngayon. Nag iisip kung pupuntahan ko ba si Charles para kausapin kaso. Mamaya nalang siguro pag uwi baka umuwi sya sa bahay.

Papasok na sana ako sa classroom namin ng biglang nag vibrate ang cellphone ko. Agad ko itong tinignan. Sa Facebook lang pala.

Pero nakita ko ang mukha ni brea doon. Video. Para saan naman itong video na to? Na curious ako kaya plinay ko ito.

May nakahawak kay brea. Hindi nakikita ang face. Kitang kita sa video na nasa loob sya ng sasakyan

Aminin mo ngayon sa amin kung sinadyan mo ba yun o hindi!? - Sabi ng isang lalaki sa video familiar ang voice

Wala akong aaminin pwede ba! Bitawan nyo ako! Isusumbong ko kayo kay Charles! - Sabi pa ni brea

Nakatutok lang sa kanya ang camera. Jusko! Kalat kalat na ang make up dahil sa pag iyak nya. Ano bang nangyayare dito?

Nagpapatawa ka ba? Tingin mo ba hindi ka namin kasama ngayon kung pinapangalaan ka ni Charles? - sabi ng isang lalaki

Hindi nakikita ang face nila. Puro boses lang ang Naririnig at puro tawa

Babae ka Brea, Sayang ka kaso Si WayZ pa ang ginawan mo ng masama! - Bulyaw ng isa

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Narinig ko ang pangalan ko. Sinasabi ko na nga ba! Ang nga demonyo ito!

Alam ko na kung para saan itong video na to. Kaya continue lang ang panonood ko.

Wala akong ginawang masama! Kahit tanungin nyo pa si Charles! - Sabi pa ni brea

You don't understand brea? O sadyang Stupid ka lang? - Sabi ng isang baritonong boses

Sa hari lang naman

Ramdam ko ang gigil sa mga boses nila. Jusko!

Now, Wag ng patumpik tumpik, umamin ka na! - sabi naman ni Ronjale

Wala nga sabi akong aaminin! Kaz ano ba tulungan mo naman ako! Parang hindi mo ako minahal noon! - sabi pa ni brea na may pag mamakaawa sa boses

Ano daw? Minahal?

Yan ang malaking kasalanan ko, Dahil nagmahal ako ng basurang gaya mo - sagot ni kaz

At narinig ko ang mga hiyawan nila.

So it's means nag ex si kaz and brea? Nalilinawan na ako kaya pala ang laki din ng galit ni Kaz kay brea

Hindi ako ang basure dito! Kung meron man kayo yun! - Sigaw na galit ni Brea

HAHAHAHAHA! - Tawanan nila

Alam mo pinapatagal mo lang! - naiinip na sabi ni Seb

Itutumba ka namin dito ngayon kung Hindi ka aamin! - pagbabanta ni Dewei

Our MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon