BIRTHDAY PARTY 0.3
WayZ POV:
Natapos na kaming Kumuha ng pagkain. Jusko salamat naman naging maayos ang pag kuha namin ng pagkain.
Dahil ang tatlo hanggang ngayon nagtatalo pa din. Parang mga bata nakakayamot jusko! Ewan ko ba sa mga demonyong yun bakit nag aagawan sa pagsasandok.
Sana all nalang sa sandok pinag aagawan!
Mommy tara na sa table natin - Yaya sakin ni seb tapos na din kase sila kumuha ng pagkain
Diba? Ang bilis nila? Halos inubos na nila yung mga pagkain doon eh!
Daig pang hindi pinapakain tong mga ito jusko!
Naglalakad na kami papunta sa table namin ng napapansin ko yung mga tinginan ng mga tao.
Nasa akin ang tingin nila jusko! May dumi ba ako sa mukha?
Nakita ko naman ang grupo ni Charles. Nakatingin din sakin sila duke nginitian nila ako kaya nginitian ko nalang din
Sungit, Wag kang ngumiti mayayare kami - biglang sabi ni Dale
Kinonotan ko lang sya ng noo. Ano nanaman kayang problema?
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni dale kase nandito na din naman kami sa Table namin. Nakatingin lang ang hari sakin
Sabay pinaghila ako ng upuan.
Nilapag naman ni dewei ang hawak nyang plate na may lamang pagkain ko.
At umupo na din sila sa kanilang pwesto. Sila seb and zieg kumakain na samantalang ang iba umiinom lang ng wine
Wala ata silang balak kumain. Alak agad tinitira.
Nakakaumay sila!
Napagdisisyonan ko ng kumain nagugutom na ako eh. Nakakagutom yung pagkain sa harapan ko.
Habang ang sarap ng nguya ko parang nangangati naman ang lalamunan ko. Anong nangyayare?
Ang sarap ng pagkain pero nangangati din ako shuta! May sea food ang pagkain!
Sebastian POV:
Habang kumakain ako natatanaw ko si WayZ na parang hindi mapakali sa pag nguya nya.
Kamot din sya ng kamot. Kaya napatanong tuloy ako sa kanya
Mommy? Are you alright?
Agad naman syang tumingin sakin maging ang mga kasamahan namin napatingin sa kanya. Dahil sa tinanong ko
Nakita kong nahihirapan syang huminga maging magsalita hindi nya magawa. Nakahawak sya sa kanya dibdib na parang may gustong sabihin pero hindi nya masabi.
Agad tumayo si Waylen para tignan ang kinain nya.
Fuck! May sea food ang kinain nya! - bulalas ni Waylen kaya napatingin ang lahat ng tao sa pag sigaw ni Waylen
Kaya halos lahat kami nanlaki ang mata sa gulat at napatayo na din para lapitan si WayZ.
Hindi ko napansin na may sea food ang pagkain. Dahil wala namang lasang sea food doon. Kaya ang ginawa ko tinignan ko lahat ng kinuha kong pagkain kung may mga sea food.
Para akong adik dito pinag aamoy ko lahat para ma sure kung sinadya pa talaga o hindi.
Nakita kong Binuhat ni Waylen si WayZ palabas. Nakatingin naman ang lahat ng tao paglabas ni Waylen habang buhat buhat si WayZ. Agad naman kaming sumunod pero natanaw ko si brea na may ngiti sa labi
BINABASA MO ANG
Our Muse
Teen FictionThis story is full of love for classmates and defense And besides, she's the only one in their classroom. Her new classmates think of her as a modest woman, but this woman will also defend them against oppression. or even down in their section. OUR...